CHAPTER 40

7.8K 161 9
                                    

"Siguro ka na ba talaga ja'n sa plano mo?"







Napatigil si Sharalyn sa paglalakad niya palabas ng gate ng bahay nila Divine nang muli na naman itong nagtanong sa kanya.





Nilingon niya ito habang hawak pa rin ang maleta niya. "Yes. This is the best way to move to my new journey. This is the best thing that I can do for my twins."





Wala itong naging sagot bagkus ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa maleta para mayakap niya rin ito.





"Call me when you get there and always update me" Divine said.





Tumango lang siya at humiwalay na sa yakap nito. "Yes. I will" aniya at muli niya itong niyakap at tuluyan ng umalis.





Dalawang araw siyang nagstay sa ospital, sa dalawang araw na 'yon ay walang Sainy at Shane ang dumating. Ineexpect niya na bibisitahin siya ng mga ito pero maski si Venom ay hindi siya binisita. Gusto niya sanang magtanong kay Zachary nang bumisita ito pero naunahan siya ng hiya.





"Nandito na po tayo, Ma'am" anunsyo ng driver.






Nagbayad na siya sa taxi driver saka lumabas. Naiinis na natutuwa siya. Naiinis dahil kahit anong gawin niyang pilit kay Matthew ay ayaw nitong tumira siya sa apartment kung 'di sa condo unit nito kung saan siya nakatayo ngayon. Natutuwa naman dahil kahit na anak siya sa labas ni Rolan ay hindi batid 'yon ni Matthew, para dito kapatid siya nitong buo.





Dire-diretso nalang siya sa elevator dahil binigay na sa kanya ni Matthew kahapon ang key card nito. Pumasok na siya sa loob ng elevator nang magbukas iyon, pasarado na sana iyon nang biglang may brasong nagpatigil doon.





Inantay niya iyong magbukas muli at bahadyang napaawang ang bibig niya ng makita ang isang gwapo at matangkad na lalaki. Napalunok na lamang siya at nahihiyang tumabi sa gilid ng ngumiti ito at pumasok.







Is it normal to feel uneasy just because of his smile? She thought.








"Hello."








Napapitlag siya ng magsalita ang lalaking kasama niya sa loob ng elevator. Pati boses nito ang sarap pakinggan. Muling sambit ng isip niya.





"Miss?"






"H-Huh?" Tanging nasagot niya kaya namula ang mga pisngi niya ng mapansing nakatitig ito sa kanya. "Ah. Yes?" Tanong niya nalang para mapaiwas na hindi tignan ang mukha nito.








"Mukhang malalim ang iniisip mo" nakangiting sambit ni Darph. "By the way, I'm Darph. How about you?" Nakangiti pa rin niyang pagpapakilala.








"Uhm... Sharalyn... Shara nalang" nanlaki ang mata niya ng hawakan nito ang kamay niya.





"Nice to meet you."








Hindi na niya nagawang sagutin si Darph bagkus ay mas natulala pa siya ng makita ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.





Ang lambot ng kamay niya. Anang isang bahagi ng isip niya. Nahila niya ang kamay niya ng tumigil ang elevator. Narinig niya naman ang mahina nitong pagtawa.






"Ladies first" sambit ni Darph habang minumuwestra ang kamay palabas ng elevator.







Pagkalabas niya ay sumunod din si Darph. Hindi nalang siya kumikibo dahil wala naman siyang sasabihin at isa pa wala naman siyang alam tungkol dito maliban sa pangalan nito.





LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon