"Shara, honey, wake up."
Pilit na ginigising ni Venom si Sharalyn nang mawalan ito ng malay sa mga bisig niya. Panay na rin ang iyak ng kambal at ilang bulungan ng mga bisita.
"Chistel, check the area and Mario ready the car" sigaw ni Sebastian sa mga tauhan niya.
Binuhat niya si Sharalyn ng pang-bridal style at tinungo ang gate. Pagkahinto palang ng sasakyan sa harap niya ay kaagad nang binuksan ng isang bodyguard ng ama niya ang pinto sa backseat.
"Go first, Son. Susunod kami ng Mommy mo. Aasikasuhin lang namin ito" ani Sebastian.
Tumango lang siya at kaagad pumasok sa sasakyan. "Drive as fast as you can" he ordered.
"Yes, Sir."
Nakaunan sa mga hita niya ang ulo nito habang marahan niyang hinahaplos ang buhok nito. "Please, Shara, fight. I need you. We need you. Please, don't leave me. I love you so much" sambit niya habang may tumulong butil ng luha sa pisngi niya.
"We're here, Sir" ani driver.
Pagkasambit palang no'n ng driver ng ama niya ay agad niyang nilabas sa sasakyan si Sharalyn. Agad namang tumalima ang mga nurse at nakita niya pa si Quiro na tila nabigla din.
Hawak-hawak niya lang ang kamay ni Sharalyn habang itinutulak ito papasok ng ER.
"I'm sorry, Sir, pero hindi po kayo pwede sa loob" sabi ng nurse nang makarating sila sa tapat ng ER.
Wala siyang nagawa kung 'di ang tignan ang nakasaradong pinto.
Wala pang ilang minuto ay dumating na rin ang ama niya kasama sila Zachary at Divine. Buti nalang at hindi sinama ang kambal, malamang na ang ina niya ang nagbabantay sa mga ito.
"Ano na ang balita?" Kinakabahang tanong ni Divine kay Venom pero hindi siya nito masagot dahil napepressure na siya kung ano ba ang nangyayari sa loob.
Napatabi sila sa daan ng sunud-sunod na doctor ang pumasok at kasama na roon si Quiro. Bago pa man makapasok ang nahuling nurse ay hinigit niya na ito. "Nurse, anong problema?"
Hinihingal itong humarap sa kanya bago nagpaliwanag. "Kritikal po ang pasyente at sinusubukan po siyang irevive pati na rin ang bata" pahayag nito.
"Bata?" Takang tanong niya rito at tumango naman ito.
"Buntis po ang pasyente kaya hanggat maaari ay ginagawa namin ang lahat para mailigtas ang mag-ina. Maiwan ko na po kayo" ani Nurse at tuluyang pumasok sa loob ng ER.
Samantalang napatulala naman si Venom sa narinig. "D-dad, d-did I hear it right?" Utal na tanong niya kay Sebastian at tumango lang ito at tinapik ang balikat niya.
"She's a fighter and brave. She will survive together with your unborn child."
Tumango-tango siya at napayuko dahil hindi niya naiwasang umiyak. I have another baby and I need to protect him/her and the mother of my child. He thought then his hands turn into fist.
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019