CHAPTER 1

15K 257 6
                                    

It's a tiring day for Sharalyn.



Ilang araw na siyang ginagabi ng uwi sa apartment na tinutuluyan niya dahil sa pinapagawang trabaho sa kanya ng manager nila. At dahil nakapagtapos siya sa kursong AB in Fashion Design and Merchandising ay madali siyang nakahanap ng trabaho.



"Hey! Hindi ka pa ba uuwi?"



Napaangat siya ng tingin sa nagsalita at saka ngumiti.



"Tatapusin ko lang 'to then uuwi na 'ko" nakangiti niyang saad at tumango naman ang katrabaho niyang si Smile kasama si Mavis.




"Okay. Mauuna na kami."




She simply nodded and kept working on her drawing.



Kakatapos lang ng lunch break at maaga silang makakauwi dahil iyon ang bilin sa kanila ng pinakaboss, pero buo pa rin ang sahod.




"By the way..."



Napalingon siya sa pinto ng muling marinig ang boses ni Smile, "take a rest. You're over working."



Napangiti siya sa tinuran ng katrabaho at saka muling itinuon ang pansin sa ginagawa.




After 30 minutes of drafting, their manager—who had previously gone because their boss, Ainaeco Nacua, had summoned him to go to her office—entered the room.



"Are you done?" Zeen asked, the manager, while busy in his phone.




"Yes, Sir."





Iniabot niya kay Zeen ang ilang draft na kaagad naman nitong tinanggap.




Zeen is a stern boss. Despite his good looks, he is rigid about his work. Ngumingiti naman ito pero bihira lang.




Napapalunok siya sa tuwing nililipat nito sa panibagong draft ang papel habang walang emosyon.



"Okay" Zeen said after checking the draft. "I will pass this to Ms. Nacua and here..."



Nagtatakang inabot niya ang sobreng binibigay nito.



"That's your salary for this month" he added.




Nagulat siya sa sinabi nito kaya hindi niya naiwasang kabahan.



"P-po? Pero hindi pa naman po namin sahuran, Sir? Tatanggalin niyo na po ba 'ko sa trabaho ko?" Kinakabahang tanong niya rito at nananalangin na sana ay mali ang nasa isip niya.







"No" Zeen coldly said. "Ms. Nacua just want you to take some rest for a week dahil sa pagtatrabaho mo ng walang palya at dahil na rin sa pagtatrabaho mo ng sobra sa branch na 'to."




Lumuwag ang paghinga niya ng marinig na hindi pala siya tatanggalin sa trabaho, pero bigla niyang napagtanto ang sinabi nito.




"Wait, Sir, are you saying that I'll take an early vacation leave?" She ask whether what she had heard was accurate.



LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon