CHAPTER 2

9.3K 219 16
                                    

Nagising si Sharalyn dahil sa pag-iingay ng cellphone niya. Tinignan niya ang dahilan ng pag-iingay n'yon at napabagsak nalang ulit siya sa higaan nang makalimutan niyang alisin ang oras ng alarm niya sa trabaho.




She got out of bed and do her usual morning routine.



Pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Nagtaka siya ng walang makitang pagkain sa lamesa.




Hindi naman siguro nila sinasadyang ubusan ako, 'di ba? ani niya bago lumabas.



When she stepped outside the resort, she noticed Zey-Anne approaching her. She noticed the others seated on the wooden chair near to the water.



Nakatingin ang lahat sa kanya at hindi niya namalayang nasa tabi na niya pala si Zey-Anne.




"Good morning, Shara" Zey-Anne greeted and she just nodded. "By the way, namiss na kasi namin 'yung luto mo, so, we decided to wait for you. Ang sarap mo kasi magluto, kaya hinintay ka nalang namin na magising para sabay-sabay tayong makakain. Okay lang ba?"




Napabuntong hininga nalang siya at tumango. "Nasaan 'yung mga ingredients?"




"Oh! Yes. Saan ka ba magluluto?"




"Sa loob nalang. Masyadong maraming gagawin kapag dito ako sa labas nagluto."




"Then, ihahanda ko na ang mga gagamitin mo" ani nito habang nakangiti.




She only nodded, so her friend prepared the ingredient inside the rest house.



Bago siya pumasok sa loob ay tinignan niya muna ang mga kaibigan niya na nakatingin pa rin sa kanya.



She sighed before she followed her friend.




Pagpasok niya ay nakita niya agad ito na naglalagay ng mga gulay at karne sa island counter kaya inasikaso niya nalang ang kaldero at kutsilyo na gagamitin niya.





"Do you want me to help you?" Her friend asked.




Umiling siya sa suhestyon ng kaibigan at nag-umpisa nang maghiwa ng mga sibuyas at bawang.



"Then, labas na muna ako."




She just nodded until she was left alone in the kitchen area.




Hindi niya napigilang hindi mapatingin sa gawi nila Dirk na kita niya mula sa bintana. Malinaw kasi ang mga mata niya kaya kahit malayo ay nakikita niya ang mga ito.



They are laughing and chatting to one other. She is trying to figure out how she can laugh and smile like them.


She chose to cook the dish that her friends will love.



Niluto niya ang adobong manok at sinigang na baboy dahil alam niyang paborito ito ng mga kaibigan niya. Kahit man lang sa ganoong paraan ay may magawa siya para sa mga ito.


Pagkatapos niyang magluto ay inalis niya muna ang mga kalat at inumpisahang ayusin ang mga gagamitin sa pagkain. Sinalansan niya isa-isa ang mga plato, kutsara't tinidor at maging ang baso sa lamesa.




LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon