CHAPTER 3

9.2K 219 7
                                    

It's been one year when Sharalyn left her job and apartment. She even deactivate her social media accounts and created a new one with different name.





Sa loob ng isang taon na iyon ay wala pa rin namang nagbago, medyo malupit lang ang manager niya ngayon hindi tulad noon.





Sa isang clothing design branch siya sa mall nagtatrabaho bilang sales lady at minsan part-time fashion designer sa mismong branch na iyon.





"Ms. Sotto."





Napalingon siya sa tumawag sa kanya. "Sir?"





Patungo sa kinatatayuan niya ang manager ng branch na pinagtatrabahuhan niya hanggang sa tuluyan itong makalapit sa kanya.





"Buy two iced coffee in Starbucks. Now."





"Yes, Sir."





"One more Sir and I'll fire you" the manager warned her.





Their manager is a gay and Sharalyn sometimes calling him Sir.




"I'm sorry, Madam" sabi niya kaya ngumiti ang manager nila at saka inabot ang pera sa kanya. "Alis muna ako" paalam niya kay Bea na tumango lang sa kanya.





Nasa second floor ang Starbucks kaya sumakay pa siya ng escalator dahil sa third floor ang branch nila.





Kaliliko palang niya pagbaba niya sa escalator ay bigla nalang may tumawag sa pangalan niya na nakapagpatigil sa kanya.





"Sha? Is that really you?"





For one year, she never forget how the first man used to call her. She chose to walk out but she just took a two step when someone grab her arm and face her.





"Dirk" tanging lumabas sa bibig niya nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa.




Kasama rin nito sila Xyron na nakatingin na din sa kanya. Nagtaka siya sa emosyong nakikita niya sa mga mata ni Dirk. She saw anger on his eyes and the way he look at her, she felt like she did something bad to him.





"Bitiwan mo ang braso ko, Dirk. Maraming tao dito 'wag kang mag-eskandalo" pinipilit niyang tanggalin ang braso niyang hawak nito pero mas humihigpit lang ang pagkakahawak nito dahilan para mapa-igik siya sa sakit.





"Nasasaktan ako sa ginagawa mo" aniya na medyo pasigaw na pabulong.





"Pagkatapos mo 'kong pahirapan na hanapin ka gan'yan lang ang sasabihin mo sa 'kin? Para kaming mga tanga na hanap ng hanap sa 'yo na kahit saang kakilala namin na kakilala mo ay pinagtanungan na namin" anito.





"Wala akong sinabi na hanapin niyo 'ko. It's your choice, not mine" she said and tried to turn her back but he gripped her arm more tighter.





"Gan'yan ka ba talaga, huh? Gan'yan ka ba magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa 'yo? We're freaking worried about you" he said through gritted teeth.





Pagak na napatawa siya sa sinabi ng kaharap at sinalubong ang mga tingin nito. "Bakit? Gano'n mo rin ba pinahalagahan ang pagmamahal ko sa 'yo? Gano'n mo rin ba pinahalagan ang mararamdaman ko once na malaman kong ginagago mo 'ko?" Nang-uuyam na tumingin siya rito. "Tanungin mo muna ang sarili mo kung nagpahalaga ka ba sa isang tao bago mo 'ko tanungin. At 'wag na 'wag mong ke-question-nin ang pagpapahalaga ko sa isang tao dahil wala kang alam."




LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon