CHAPTER 39

7.6K 162 2
                                    

Hindi na mabilang ni Sharalyn kung ilang araw niya nang hindi nakikita ang mga bata, baka nga linggo na.












Madalang nalang siyang kumain at minsan ay nakakatulugan niya pa ang kumain. Hindi rin siya lumalabas sa kwarto niya, buong araw lang siyang nakakulong sa kwarto.













Siguro nga baliw na siya dahil ni hindi niya na nga kayang magsalita. Ni hindi niya na rin marinig at maintindihan ang sinasabi ng mga kumakausap sa kanya. Sinubukan siyang kausapin ni Sheedz dahil sobra na ang pag-aalala sa kanya ni Divine pero wala itong nakukuhang sagot mula sa kanya. Pakiramdam niya ay gumuho na ang mundo niya.













Pagkagising niya, lagi lang siyang nakaupo sa kama at nakatingin sa bintana. Gano'n lang ang naging routine ng buhay niya. May isang beses na si Divine ang nagpaligo sa kanya dahil ilang araw na siyang hindi naglinis ng katawan. Nitong nakaraan, pinuntahan rin siya nila Zachary at tulad dati ay tulala lang siya samantalang salita sila ng salita, nagbabasakaling magsalita rin siya.













"Shasha, ito na ang pagkain mo" ani Divine at pumuwesto sa harap niya.













Naramdaman niya na hinawakan nito ang mga kamay niya. "Shasha" Bigkas nito pero nanatili pa rin siyang tulala.












Tila nagising lang siya sa katotohanan ng makarinig ng ilang hikbi. Napalingon siya kay Divine nang may tumulong luha sa kamay niya. Pinipigilan nitong mapahagulgol pero sa huli ay humagulgol pa rin ito.














"Shasha, ano ba? Alalang-alala na 'ko sa 'yo. Papatayin mo ba ang sarili mo? Think of us. Think of your twins. Hindi sila matutuwa kapag nakita ka nilang nagkakaganyan. Shasha naman, eh, 'wag ka namang sumuko kaagad, iniintay ka pa nila Sainy at Shane."












"I'm sorry" tanging nasambit niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.













Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya kaya ginantihan niya din ito ng yakap.












Minuto ang lumipas bago sila tumahang dalawa. Nakangiti na ito sa kanga pero pilit ngiti naman ang isinukli niya. Kailangan niyang gawin 'yun para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Masyado na siyang nagiging pabigat rito at sa iba pa.












Iniwan na siya nito sa kwarto para makakain siya at dahil may biglaang meeting ito na dapat puntahan. Nakapagsalita man siya pero hindi niya pa rin maiwasang mag-isip ng kung anu-ano na pwedeng makapagpasama sa kalagayan niya. Ganito siguro kapag puro masasamang alaala ang maiisip.













Napatingin siya sa pinagkainan niya at hindi man lang nangalahati ang kinain niya. Napadako ang tingin niya sa tinidor. Hindi nuya alam pero kinuha niya ang tinidor at tinitigan mabuti. Natagpuan niya nalang ang sarili niyang tinatapat ang mga ngipin ng tinidor sa palapulsuhan niya. Biglang nagsink-in sa alaala niya ang mga sinabi ni Venom na nagpatapak sa pagkatao niya.












Nanatili siyang nakatulala hanggang sa tumusok sa pulso niya ang ngipin ng mga tinidor. Sunud-sunod na ang mga masasamang alaala na pumasok sa isip niya, maging nasa poder palang siya ng mga magulang niya, mga pananakit ng mga ito, ang panloloko sa kanya ni Dirk at Venom, ang pang-aagaw ni Bree sa atensyon ng mga anak niya at ang pagkawala ng mga anak nya sa poder niya.













LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon