Another week had passed and Sharalyn still living in Divine's condo. Dalawang linggo na siyang nananatili sa condo unit ni Divine at tulad ng dati ay naiiwan siya sa unit nito.
Hindi na siya pinuntahan ulit ni Venom o kahit tinetext o tinatawagan man lang kaya hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.
Malapit ng magtatlong buwan ang pinagbubuntis niya pero hindi niya pa nasasabi kay Venom ang dinadala niya.
"Shasha..."
Napatingin siya sa pinto ng marinig ang boses ni Divine. Huminga siya ng malalim bago nagpasiyang tumayo at pagbuksan ito ng pinto.
"Div" she said then force to smile.
Her best friend roll her eyes because of irritation. "Cut that fake smile, Shasha. Come out, someone wants to talk to you."
Nangunot ang noo niya dahil sa narinig. Pero kalaunan ay ngumiti siya ng bahagya. "Sige. Magpapalit lang ako."
Tumango lang ito bago isinarado ang pinto, habang nagpalit naman siya ng duster para hindi mahalata ang umbok ng t'yan niya.
Pagkalabas niya ay napatigil siya nang makita si Matthew na kasalukuyang nakaupo sa mahabang sopa.
"Kuya Matt..." Pagtawag niya rito dahilan para lumingon ito.
Ngumiti lang ito sa kanya kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at naupo na rin sa kaharap nitong sopa. Napahalos siya sa t'yan niya ng dumako doon ang tingin nito.
She clear her throat and tried to smile. "A-anong ginagawa mo dito, Kuya Matt? At paano mo nalaman na nandito ako?"
Imbis na sagutin siya nito ay tumingin ito kay Divine.
"May bibilhin lang ako sa baba" ani Divine at saka umalis ng condo.
Napalunok naman siya nang silang dalawa nalang ni Matthew ang naiwan. "M-may problema ba, Kuya?"
Matthew took a deep breath before he took out a brown envelope. Kinuha naman niya iyon at pagkabukas ay sari-saring litrato ang nakita niya.
Para siyang pinagsasaksak ng kutsilyo sa puso dahil sa mga litratong nakikita niya. Nanginginig na kinuha niya ang isang litrato kung saan naghahalikan ang asawa niya at ang girlfriend nitong si Lean.
Napatingin siya kay Matthew nang mabigat itong napabuntong hininga na parang pasan nito ang mundo. "Kuya---"
"Dalawang linggo lang akong nawala at ito na kaagad ang bubungad sa akin?"
She can't say anything, all that she can do is bow her head, in disappointed. She feel disappointed for her brother. Pakiramdam niya ay nadismaya niya ito sa bagay na nagawa niya.
"Sharalyn naman..." Ani Matthew na hindi malaman kung ano ang sasabihin.
"I'm sorry, Kuya Matt" she apologize.
"You don't have to apologize to me. Your husband must be the one who will apologize" Matthew said.
Hindi siya nakapagsalita at tanging pagyuko lang ng ulo niya ang magawa niya. Habang ito naman ay napasandal sa sandalan ng sopa at hinilot ang dalawang sintido nito.
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019
