CHAPTER 30

7.6K 163 3
                                    

Nasa isang restaurant si Sharalyn kasama sina Divine at Matthew. Naikwento niya na kay sa kaatid ang nangyare at tulad ng inaasahan niya, nagalit ito idagdag pa ang galit ni Divine.








Maging siya ay may galit sa puso niya, pero sa tuwing naaalala niya ang mga bagay na pinagsamahan nilang dalawa ni Venom, hindi niya maiwasang hindi malungkot. Kahit papaano ay may inis na lumukob sa pagkatao niya. Nakadagdag din sa inis niya nang hindi man lang siya pinuntahan ni Venom sa guest room para magpaliwanag.











"Ano na ang desisyon mo?"






Napalingon siya kay Matthew ng magtanong ito.







Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Balak kong lumayo" aniya at napayuko. "Hindi ko na kayang makasama siya, ang dami ko nang tiniis sa mga ginawa niya, and the worst thing happened to me is he raped me" tumulo ang luha niya dahil sa alaalang pilit niya nang kinakalimutan.








"He raped you!? That bastard..."









Napatayo sila ni Divine nang tumayo si Matthew, kaya bago pa man ito tuluyang makaalis ay inawat na nila ito.







"Don't do that, Kuya" she said.







"No! I will kill that bastard! He fucking raped you and I will not just stand here while seeing you crying because of that bastard" ani Matthew sa galit na boses.







"Please, Kuya, I can handle this. Ayokong malaman niya na magkakaanak kaming dalawa. Ayokong makasama siya nang dahil lang sa nabuntis ako sa ginawa niya. Ayoko, Kuya. Please trust me, I can handle this. And nandito naman kayo ni Div, alam kong hindi niyo 'ko pababayaan" mahabang litanya niya para mapigilan ang kapatid.










Nagbuntong hininga muna ito bago muling  bumalik sa upuan nito at sinuklay ang buhok nito na para bang frustrate na frustrate. "Fine. But promise me, hindi mo na babalikan ang lalaking 'yon kahit na malaman pa niyang may anak kayo."








Tumango lang siya at nagpasalamat sa kapatid.








"Are you sure about running away? Did you already talk to him?" Divine seriously asked.






Napayuko siya at naikuyom ang mga palad niyang nasa hita niya. "Alam kong hindi ko dapat takbuhan ang problema ko..."







"Then---"










"Pero hindi ko na kaya" aniya kasabay ng pagtulo ng luha niya habang nakayuko pa rin. "Ang sakit sakit na. Pakiramdam ko bigla nalang akong bibigay kapag pinagpatuloy ko pa ang ilusyong ito."









"Shasha---"








"Hindi ko pinangarap ang ganito. Hindi ko pinangarap na masaktan ng ganito... pero... pero hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya" paglalabas niya ng hinanakit bago humagulgol. Mabuti nalang at kumuha sila ng private room para makapag-usap.








Her best friend sighed. "I understand" then crossed her arms and legs. "I can bring you to Singapore with me. I'm sure, Daddy, will let you to stay in our house there and I'm really sure he will accept you immediately because he treats you like his daughter."







Napaangat siya ng tingin at napangiti nalang sa sinabi nito.






"Sasamahan nalang kita doon para may makatulong ka at para na rin sa mga magiging inaanak ko. May mga araw na mawawala ako dahil nandito pa rin sa Pilipinas ang trabaho ko" ani Divine at nagbuntong hininga. "'Wag kang mag-alala, akong bahala para hindi ka mahanap ni Venom."








LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon