CHAPTER 47

8.4K 152 5
                                    

Nabobored na si Sharalyn na manatili lang sa bahay at ilang beses niya nang sinabi iyon kay Venom pero ayaw siya nitong palabasin.









At ngayon ay inaantay niya itong lumabas sa banyo para mangulit na naman dito. Gusto niya kasi talagang lumabas ng bahay, ni hindi na nga siya naaarawan.







Napatayo siya sa pagkakaupo sa dulo ng kama nang sa wakas ay natapos din itong maligo.







"It's still a no" ani Venom ng makita siya nito.








"But---"







"No buts. When I said no, no" madiing sabi nito at nag-umpisa ng magbihis sa harap niya ng pang-office attire.








Napasimangot nalang siya at hindi na nagsalita pa. Napansin ata nito ang pagkatahimik niya kaya nilingon siya nito. Nakatingin lang siya dito at ibubuka palang nito ang bibig nito ay agad na siyang umalis ng kwarto.








Narinig niya pa ang pagtawag nito sa pangalan niya pero nagpatuloy lang siya. Ano bang problema nito? Eh, hindi naman ako magliliwaliw. Masama bang maarawan man lang at maipasyal ang kambal? Nakakasakal na talaga ito. Maktol niya sa isip niya.






Inis siyang umupo sa sopa sa may sala at naabutan niya doon ang ilang kasambahay na naglilinis. Sa ilang araw niya palang na pagkakakilala sa mga iti ay magaan na kaagad ang loob niya sa mga ito.







Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang kausapin siya dahil siguro sa badmood siya ngayong araw. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang mga malalapad na kamay na humawak sa balikat niya. Akma na sana siya nitong hahalikan sa pisngi ng umiwas siya at tumayo papuntang kusina.







"Honey…" Malumanay na pagtawag nito sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang.







Dinaan nalang niya sa paghihiwa ang sama ng loob niya. Nakakainis kasi siya. Lalabas lang ayaw pa? Anong balak niya? Ikulong ako sa bahay niya? Muling maktol niya sa isip niya.




"Honey…"






Masama niyang tinignan ito na napatigil dahil sa pagtitig niya. Ikaw ba namang titigan ng masama habang may hawak na kutsilyo, sinong hindi kikilabutan du'n?






"H-honey, don't look at me like that" he said while stuttering.







"Don't look at me like that your face. Ayaw kitang makita" inis na turan niya at nagpatuloy sa paghihiwa.







"No. You don't mean that" he said.







Ramdam niya ang tensyon nito kaya napangisi siya dahil sa kabang nararamdaman nito. "I mean it and please leave, I hate seeing your face."







Natulos ito sa kinatatayuan nito at hindi nagawang kumilos.






Ayaw mo kong payagang lumabas? P'wes, magtiis ka ja'n. Anang isang bahagi ng isip niya.






"Honey---" hindi na natapos nito ang sasabihin niya dahil bagulat siya sa pagtarak niya sa kutsilyong hawak niya sa chopping board.






Kapwa nanlalaki ang mga matang napatingin ito sa kanya.






"Don’t honey-honey me. Hindi ako bubuyog" aniya at iniwanan ang hinihiwa niya saka ito nilampasan. Pero bago pa man siya tuluyang lumabas ay muli siyang nagsalita. "Nasasakal na ko sa 'yo" saka siya tuluyang umalis sa kusina.







LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon