Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Sharalyn. Galit. Pagkalito. Awa. Galit dahil muntik nang may mawalang buhay hindi lang isa maari pang dalawa. Pagkalito dahil sa ginawa nito at awa dahil sa kalagayan nito.
Napalingon sila ni Venom kay Lean na may mga posas sa kamay at nakapangkulungan na damit. Nakaupo na ito sa harap nila pero walang nagtangkang magsalita sa kanila hanggang sa ito na mismo ang nagbasag sa katahimikan.
"I'm sorry" tanging sinabi nito pero lubos na nagbigay sa kanya ng dahilan para tanungin ito.
"Bakit?"
Napatingin ito sa kanya at kalaunan ay umiwas din ng tingin. " Bakit mo ginawa 'yon? Hindi ko akalaing magagawa mo 'yon at bakit ang ate ko pa?"
Huminga muna ito ng malalim bago sinalubong ang tingin niya. "Hinayaan ko ang sarili kong mabulag sa pag-ibig. Hinayaan kong kontrolin ng puso ko ang isip ko pero tignan mo, sa sobrang pagmamahal ko nandito ako sa lugar kung saan nararapat ang tulad kong kriminal" aniya at pekeng napatawa saka pinunasan ang isang butil ng luhang tumulo sa mata nito.
"I'm so disappointed to myself. How can I let myself hurt someone who's good to be true? How can I let my emotions won againsts my mind? I have a lot of questions after the policeman arrested me and there I realized, talagang nasa huli ang pagsisisi. I almost killed you and your baby that suppossed to be your sister and sorry is not enough for that."
Walang kumibo ni isa sa kanila dahil sa naging pahayag nito. Patayo na sana ito pero nagsalita siya dahilan ng pagkahinto nito.
"How long? How long you need to stay here?" Tila nagtataka ito sa naging tanong niya.
"Three years" kalaunan ay sagot nito nang maunawaan ang sinasabi niya.
Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nagbuntong hininga siya bago binigkas ang mga salitang nakapagpagulat rito at kay Venom. "Iuurong ko ang kaso."
"What!? But why, honey? She almost killed you and our baby" gulat at may galit sa tono na sambit ni Venom.
Seryosong napalingon siya kay Venom.
"Venom is right and I deserved this anyway" segunda ni Lean.
Mas lalong sumeryoso ang mukha niya at tumingin kay Lean. "Iuurong ko pa rin ang kaso" may pinalidad na sagot niya at naramdaman niya ang paghawak sa kanya ni Venom pero hindi niya ito pinansin.
"'Wag mong gagawin 'yan kung naaawa ka lang sa akin."
"Hindi ako naaawa sa 'yo. Ginagawa ko 'to dahil nagpabulag ka lang at nagmahal ng sobra. Gusto kong iurong ang kaso hindi dahil naaawa ako sa 'yo at hindi para ulitin ang ginawa mo kung 'di dahil naniniwala akong magbabago ka hindi sa loob ng kulungan na 'to. Gusto kong makita ang pagbabago mo hindi sa loob ng mga rehas na pinagkakait sa 'yo ang mundo. Tawagin mo ng katangahan 'to pero desidido akong makalaya ka at magbago para sa sarili mo" mahabang litanya niya.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila niya na paalis si Venom. Hanggang sa makauwi sila ay hindi siya kinakausap nito. Alam niyang nagagalit ito sa naging desisyon niya pero ayaw niyang makulong ang isang taong nabulag lang sa pagmamahal. Alam niyang magbabago pa si Lean at hindi niya pagsisisihan ang naging desisyon niya.
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019
