Isang linggo nang hindi nakikita ni Sharalyn ang kambal. Mas nadagdagan pa ang mga bodyguard sa labas ng bahay ni Venom kaya kahit anong pilit niyang pumasok ay hindi nia magawa.
"Shara baby."
Napalingon siya sa pinto nang marinig ang boses ni Matthew. "Kuya Matt..." Tumakbo siya patungo rito at niyakap ito ng mahigpit. "Kuya, kinuha na sila sa 'kin ni Venom."
Patuloy lang sa paghagod nito sa likod niya. "Shhh... Babawiin natin sila, 'wag kang mag-alala."
Mas niyakap niya ang kapatid niya ng mahigpit. Sa isang linggo na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung 'di puntahan ang bahay ni Venom at magmakaawa, pero tila bato na ang puso nito dahil hindi siya nito pinapakinggan.
Walang araw na hindi siya umiiyak, ilang beses na rin siyang pinapatahan ni Divine kaya tinawagan na nito si Matthew para humingi ng tulong.
"Ma'am, may nagpapabigay po" anang isang kasambahay sa bahay ni Divine.
Pinunasan niya ang luha niya at tinanggap ang envelope na binigay ng isa sa mga kasambahay nila Divine. Kaagad niya iyong binuksan pero lalo lang siyang napaiyak dahil sa nabasa niya. Dahil sa naging reaksyon niya ay kinuha ni Matthew ang papel na hawak niya.
"Hearing for Child Custody?" Basa ni Matthew sa papel na hawak.
She cried more louder than earlier. "Kuya, he really wants to get my twins. I can't handle this anymore, Kuya. Mababaliw na 'ko, gusto ko nang makita ang mga anak ko."
Niyakap lang siya nito ng mahigpit at muling pinatahan.
"Divine."
Napalingon sila sa pinto nang makita si Sheedz na papasok ng bahay.
"Kuya Sheedz" ani Divine at lumapit kay Sheedz habang hinalikan naman ito ni Sheedz sa noo. "Why are you here, Kuya?"
"Well, narinig kong nagsampa ng child custody si Venom sa korte kaya nagpunta ako rito para malaman niyo" ani Sheedz at tumingin sa papel na hawak ni Matthew, "but I think I'm too late for that."
Divine told her that Sheedz is her step brother from her mother side, but Divine never told him that she have a child.
"Did you already know this for a long time, Kuya?" Divine asked Sheedz.
Sheedz shook his head. "No. Maski kami nagulat nang malaman namin ngayon na ginawa niya 'to. Either her parents got shocked because of this sudden actions" he explains.
"What will I do now, Div? I know how powerful Venom is. I know he can get my child in just a snap and now here, he wants child custody and I can't lose my twins" she hysterically said.
Lumapit si Divine sa kanya at pinaupo siya sa sofa. "Don't worry, I'll try my best to get the twins. I know how much you love them and I don't want to see you crying again because of Venom. He hurts you before and not until now. You suffered a lot because of him."
Napahagulgol nalang siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nanlaki ang mata niya dahil sa text na nabasa, nagtataka namang napatingin sa kanya sila Divine nang tumayo siya at dumiretso sa kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/190811336-288-k539643.jpg)
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Любовные романы[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019