"Shasha!"
"Oo. Eto na!" Sigaw ni Sharalyn nang marinig ang boses ng kaibigan niya.
May schedule siya ng check-up ngayon sa Moore Private Hospital. Duon siya lagi nagpapacheck-up tutal ay nandoon ang panibahong doctor na nag-aasikaso sa kanya.
"Ang tagal mo, ah" maktol na bungad ni Divine nang sa wakas ay lumabas na rin siya ng kwarto niya.
"Sorry. Medyo mabigat kasi ang dinadala ko" palusot niya sabay himas sa malaki niyang t'yan.
Biglang nagbago ang timpla ng mukha nito. Mula sa pagkainip ay napalitan ng ngiti. "Oh my Gosh! I'm so excited to know how many babies you are carrying."
"Maka-how many ka ja'n parang ang daming laman ng t'yan ko, ah" aniya.
"Aba! Babaita, pwede kang magdala ng apat na anak, 'no" ani Divine.
"Ano?" Gulat na tanong niya. "Ano ako? Pusa?"
"Sira. Apat na kambal ang kalalabasan. Quadruplets, ika nga."
"Seryoso, apat?"
Napatawa ito ng mahina at nilapitan siya. "Don't worry, I have this instinct that you are carrying a twins."
"T-twins?" Kanda utal na tanong niya.
"Yeah. Twins" Divine said while nodding.
"H-hindi kaya mahirapan ako n'yan manganak kapag dalawa?" Inosenteng tanong niya.
"You can do it. Ikaw pa ba" nakangiting turan ni Divine kaya napangiti nalang siya. "Tara?"
"Sige."
Lumabas na ang dalawa sa bahay nila Divine sa Singapore. Nakaparada na rin ang sasakyan na inihanda ng isa sa mga gwardya sa bahay nito.
They storm in inside the car while Divine started the engine. The car moved and they are now heading to the hospital.
"Nasa'n nga pala si Nanay Tess ngayon? Parang hindi ko kasi siya nakita" ani Sharalyn habang kumakain ng mansanas ng puti.
"She's doing groceries with the others. Naubos na ata ang stock sa bahay kaya namili siya" sagot ni Divine habang nakatingin sa daan.
Napatango-tango naman si Sharalyn at itinuon nalang ang pansin sa mansanas na kinakain.
"Shasha."
Napalingon si Sharalyn kay Divine nang tawagin siya nito, nakatutok lang ang mga mata nito sa daan. Pansin niya na parang aligaga ito. "May problema ba?" Hindi na niya natiis na itanong.
"Oh! N-nothing. Nevermind" Divine answered.
Nakatingin lang siya kay Divine na nagdadrive lang. Kahit alam niyang may gumugulo sa isip nito ay hindi nalang siya nangulit na magtanong.
After a couple of minutes, they finally arrived at the hospital. They both walk together until they reached the office of her Ob-gyne doctor. They entered the room just to see the doctor who's smiling genuinely at them.
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Любовные романы[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019