Kasalukuyan na nakahiga si Sharalyn sa kama niya habang nakatingin sa kambal. Isang linggo din kasi ang tinagal niya sa ospital.
Napalingon siya sa pinto ng kwarto niya nang bumukas iyon. Isang malawak na ngiti ang bumugad sa kanya, napangiti rin tuloy siya ng wala sa oras.
"Oh! Mukhang ang ganda ng araw ng mahal ko, ah" masayang sambit ni Dirk sabay halik sa noo niya at pati sa kambal.
Mula ng manganak siya ay tinatawag na siya nitong mahal dahil napagkamalan itong ama ng mga anak niya, kaya nakikisakay nalang siya sa trip nito.
"Hmm... Ang babango naman ng mga baby ko" anito habang inaamoy-amoy ang dalawang kambal na napapaigtad dahil sa gulat. Tulog kasi ang mga ito.
Napangiti naman siya dahil sa ginagawa nito sa kambal. Mukha na talaga itong tatay. Mukhang maswerte ang mapapangasawa nito sa hinaharap. Aniya sa sarili.
"Kamusta ang trabaho mo?" tanong niya rito kalaunan.
Nagbuntong hininga ito bago umupo sa kama kaya umupo na rin siya malapit rito. "Ayon, daming papeles na kailangan matapos agad" sabi nito habang tinatanggal ang sapatos nito.
Lumapit siya rito at niyakap ito patalikod. Narinig niya pa itong tumawa ng bahagya. "Malamang pag-uwi mo sa Pilipinas tambak na ang trabaho mo. Baka mamaya sugurin na 'ko rito ni Tito dahil sa 'min nakafocus ang atensyon mo imbis na sa trabaho mo sa Pilipinas."
Tumawa lang ito at hinaplos ang mga braso niya na nakayakap pa rin rito. "That's okay. Dad understand me that I need to take care of you, and hindi ka naman naglilihi pero bakit parang ang lambing-lambing mo ngayon?"
Bumitaw siya sa pagkakayakap rito at pinaharap ito sabay hawak sa mga kamay nito. "Wala lang. Gusto ko lang maglambing sa 'yo. Bakit? Ayaw mo ba?"
Tumawa ito at niyakap siya na may kasamang pagswing pa kaya napatawa din ito.
This is what we got after that incident in the hospital. We became more sweet to each other like we are husband and wife. She said through her head while smiling.
Napabitaw nalang siya rito nang umiyak si Sainy kaya't dali-dali niya itong pinuntahan at binuhat.
"Magpapalit lang ako" ani Dirk.
Tumango lang siya at hinele si Sainy na unti-unti namang nakakatulog ulit.
After siyang dalawin ni Divine sa ospital ay kinabukasan umalis din ito kaagad. May meeting pa kasi ito sa pamilyang Forbes at nabalitaan niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikibo ni Erin at Sophie si Venom dahil sa biglaan niyang pagkawala..
Tiyak na matutuwa si Mommy Erin kapag nalaman niyang may mga apo siya, pero hindi ko kayang ipaalam sa kanila lalo na kay Venom. Kilala ko siya, kaya niyang ibigay at gawin ang lahat makuha lang ang gusto. Aniya sa sarili.
Napabuntong hininga nalang siya at itinuon ang paghehele sa anak. Maya-maya pa ay nakatulog na ito kaya ibinalik niya ito sa crib. Nagpalit siya ng pambahay bago pumunta sa kusina at naghanda ng makakain.
Nang matapos naman magbihis si Dirk ay nagtungo ito sa kusina at naabutan siya doon na naghahanda ng pagkain sa lamesa.
BINABASA MO ANG
LFD 1: Cruel Husband (COMPLETED)
Romance[LE FAVORI DESIRE SERIES 1] Warning🚨🚨🚨 SPG | R-18 | Matured Content > A Story of Venom and Sharalyn He's cruel while she's martyr. All Rights Reserved @2019 ***** Cover by @Animoons DATE STARTED: June 15, 2019 DATE ENDED: August 11, 2019