•RYOS' POV•
Ryos (reyos/rayos)
BAWAT buka ng mga bibig ng kaibigan ko ay tila slow motion ang lahat. Ni wala akong naririnig sa bawat pinagsasabi nila. My thoughts are full of that Latryna Asli Manuel. The way her attitude is not on my favor. Nakakabanas! Mali kayo nang inaakala. Baka isipin niyo na nasa utak ko siya dahil nahuhumaling ako sa kanya. Pwes! Kabaliktaran ang nararamdaman ko.
Pinapatay ko siya sa isip ko. Nag-iisip ako kung paano siya papaalisin sa buhay ni Daddy. Whether she said that she will marry my father because of love or not, I'll never believe that fucking reason!
Walang ganoon.
I have seen my father's flings and mistresses, and they were all following his fantasies and desires because of money. They demand from him material luxuries. Binibilhan niya ang mga iyon ng mamahaling alahas, bags, shoes, treat them to very fancy botiques with dresses designed by world-best designers, pinapabakasyon sa magagandang beaches ng US. Alam kong hindi ko sisihin si Daddy kasi he never took ladies seriously when Tita Diana died.
Alam ng mga babae na nakakasama niya na biyudo siya at naniniwala akong tinitake advantage lang nila iyon dahil gusto ng ama ko na maka-recover sa pagkamatay ng love of his life.
I never believe he loves this Latryna as he loves Tita Diana. Di ako naniniwala!
Pwe! Kung sasabihin niyang nakalimutan na niya si Tita Diana eh patay na patay siya doon eh, na halos ang daan na lalakarin ni Tita ay hahalikan at luluhuran niya.
And this bride of his will never that lady that should be kneeled down, worshipped, and dreamed of! Hmp!
"Fuck! Are we talking to a statue?!," dahan-dahan akong napalingon na walang gana sa pagmumura ni Louie. Malutong iyon na halos isampal na niya sa akin ang 'f*ck' whatsoever that is!
"Baka nag-iisip iyan sa desisyon niya," tiningnan ko ang orasan sa pulsuhan ko.
"It's still eleven o'clock, Monte. Gusto ko pang mag-isip at magpahinga. Nababanas ako sa bahay.." I have unwelcomed visitor there!
Kunot-noo silang nakatingin sa akin na halos titigan nila ang eyeballs ng mata ko para suyurin ang aking kaluluwa.
Louie. Jonah. Tyvian.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin na kakapagawa lang ni Jonah pagkatapos ng kasal niya kay Kladeria, dalawang taon na ang nakakaraan.
"At bakit ka naiinis dun?" -Tyvian.
"Are you not alone? Hell, nagkakahimala na ba?" -Jonah.
"After for almost five years, ang bahay mo ay nagkatao na rin. Nahahaunted na ata iyon sabi pa ni Papa," napa-tss ako kay Louie na natatawa.
"No, she is my father's visitor. Pinapa-welcome lang sa akin," papahikab kong pikit sa mata at sumandal sa backrest na mamahaling sofa.
"She?!" iyan. Lumiwanag ang mga nata nila na para bang nanalo sila sa lotto sa halagang isang libong bilyong piso.
Nag-fist bump pa ang mga baliw at humalakhak nang panunuya.
"Wew! At last, Doc! At Last! Akala ko sa akin lang gumagana ang himala! Sa bato rin pala!," sinimangutan ko si Jonah na tumawa nang tumawa.
Fuck Mondejar!
"Anong himala pinagsasabi mo, Mondejar?"
"Doc," umupo si Tyvian sa arm rest ng couch at inakbayan ako. "Ang ibig sabihin lang naman namin ay wala pang babaeng naglakas loob na lumapit sa'yo, wala ka ring babae for almost of your life, napakamanhid mo sa mga babae, Doc...kaya masaya kaming may babae sa bahay mo."
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...