•LATRYNA'S POV•
DAHIL sa katandaan ni Lola ay umaandar talaga ang pagiging mapilit niya sa mga bagay bagay. Mag-a-alas dose na ng tanghali at hindi pa kami nakalabas ng ospital dahil sa kagustuhan niyang antayin si Dr. Greene na alam namin ni Mama na maraming ginagawa sa kadaming pasyente na nakaantay sa kanya.
"Ma, uuwi na tayo. Marami pang gagamutin si Doc ngayon. Kapag hindi tayo nakauwi ay baka maabutan tayo ng hapon dito," narinig kong alo ni Mama kay Lola na umuubo. Ako naman ay hinahaplos ang likod niya.
I am always aware the state of her pneumonia. Sa katanuyan ay malakas pa si Lola kung wala lang siya iniindang ubo.
Hindi talaga kami maatupag ngayon ni Doc dahil abala nga ito sa mga nakalinyang pasyente kanina. I did not know what they have done about the incident a while ago.
It was totally shocking and alarming. Nakakagulat na pangyayari na ni minsan ay hindi ko naisip na matunghayan ko.
Siguro ay gustong gusto siya ni Lola kasi nga mabait ito sa mga pasyente niya. He looked so kind and peaceful while entertaining them. Kaso kapag kami ang magkaharap ay napakasuplado ng lalaking iyon.
"Lola, sigurado namang tatanggapin ni Doc iyong regalo mo sa kanya," sabi ko pa saka niya hinawakan nang mahigpit ang isa kong palad na nasa hita niya.
"Gusto kong ako ang magbibigay sa kanya. Tawagin mo siya, apo," kulang na lang ay magbuntong-hininga ako dahil kanina pa siya ganyan ng ganyan sa akin.
"Maraming ginagawa si Doc, Lola," mahinahon ko pa ring paliwanag.
"At ikaw'ng bata ka, sabi ng Mama mo ay ikakasal ka, nasaan na ang nobyo mo, ha?! Bakit 'di mo kasama?" napapasigaw niyang saad. "Umuwi ka tapos 'di mo kasama!"
Napakamot ako sa pisngi kong napabaling kay Mama na alam kong ganoon din ata ang tanong sa uri ng pagkakatingin niya sa akin.
"Sa susunod na linggo pa po siya, Lola. Marami pang inaasikasong trabaho," naka-set na naman lahat ang mga kailangang gawin sa kasal. The reception has been settled down. Kahit ang mga papeles ang mga maliliit na bagay ay nagawa na naming e-kumpleto lahat.
Ang kulang na lang sa kasal na ito ay ang pagpapakilala ko kay Damon sa buong angkan ko. Plano nga niya na mag-organize kami ng engagement party rito kaso pinilit kong huwag na dahil sapat na iyong ipapakilala ko siya sa mga kapamilya ko.
"Mas inuuna pa niya ang trabaho niya kaysa sa kasal ninyo? Dapat nandito na siya lalo pa at sa susunod na buwan na ang kasal ninyo," natahimik na lamang ako. Minsan nga akong nagtampo sa usapin na iyan kaso naiintindihan ko rin naman si Damon.
Marami ang utang na loob ko sa kanya kaya iniintindi ko siya sa kahit minsan nakakatampo na.
"Hindi pa nga kayo kasal ay wala na siyang oras sa'yo, ano pa kung kasal na. Dapat sa ganito kalaking bagay ay naglalaan siya ng oras sa'yo. Irereto sana kita kay Dr. Alfe kung wala ka lang nobyo! Mas mabait 'yon at maalaga. Mabuti siya na lang maging nobyo mo," napasinghap ako sa gulat.
"Lola," nanginit ang pisngi ko sa isinaad ni Lola. Agad na pumasok sa isip ko ang ideya na iyon. Sh*t, Asli! Maghunus-dili ka!
"Hindi na iyon pwede, Ma," saad ni Mama na tumango sa akin. "Palagi ka niyang kini-kwento kay Doc, anak. Minsan ako na nga nahihiya rito kay Mama kung anong sinasabi patungkol sa'yo."
Naku! Mukhang binubugaw pa ako ng sarili kong Lola. Man! Ako ang nahiya para sa sarili ko. Ayaw ko na atang magpakilala kay Doc bilang apo ni Lola dahil baka malaman niya kung sino ang tinutukoy nito na apo.
Diyos ko!
"Lola, dapat hindi mo ginawa 'yon," wala na ata akong ihaharap na mukha kay Doc. Una, dahil sa pangyayari kagabi. Pangalawa, dahil sa pambubugaw ni Lola sa akin. My God!
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...