Phase 17: Unknown Jealousy

6.1K 249 16
                                    

•LATRYNA'S POV•

MASUYONG ngiti ang ibinibigay ko sa photographer sa bawat click niya sa kanyang camera. Damond is holding my waist gently and I rested my palm on his chest. Ito na ang huli naming shoot para sa kasal namin. Nandito kami ngayon sa mapuputing beach ng Boracay dahil dito nga idadaos ang aming kasal.

The fresh air and soothing melody of nature enveloped my feelings.

"Great. Another pose naman. Can you stare at each other, dears?" ngiti at tango ang tinugon ko sa baklang photographer na siyang pinakasikat sa bansa. Kaagad akong lumingon kay Damond na ngayon ay matamis ang ngiti sa akin.

Hinila niya ako nang mas malapit pa sa kanya hanggang sa sobrang magkadikit na ang aming katawan. Nagkatitigan kaming dalawa at ang damdamin na naramdaman ko kapag ganito ay parang hindi ko na maintindihan.

I always felt the warmth and delight everytime I stared at his gray eyes. I always admire the feeling. I always appreciate the moment. Pero hindi na ngayon. May kakaiba na. His grayish eyes remind me of his son. His freaking user son! Sa tuwing naalala ko ang nangyari sa amin ng anak niya ay aaminin kong pinaghihiwa ang puso ko sa galit at puot.

Pangiti-ngiti lang ako ngayon pero tuwing gabi ay binabagabag ako ng konsensiya kung ano ang gagawin ko sa nangyari. My head always ached everytime I discern hoping for right answers.

Kung sasabihin ko ba kay Damond o hindi na lang at habang buhay akong hahabulin ng konsensiya.

Kung sasabihin ko naman ay baka kung ano ang masamang mangyari sa kanya.

Nilagay ko ang dalawa kong palad sa magkabilang balikat niya saka nginitian siya nang patuloy.

"Your smile always suits you well, babe," komento niya. "I miss that. I miss your smile."

Sa kalambingan ng kanyang boses ay napapaisip akong karapat-dapat ba ako sa kabaitan niya. Dapat akong magsaya dahil sa wakas ay ikakasal na kami sa susunod na linggo at nandito na siya nahahawakan at nakikita ko ng personal, kaso ayaw makisama ng puso ko.

Pilit kong pinapasaya ito kahit iba ang hinahanap. Hindi ko alam kung sino o ano ang hanap nito. Parang may space na hindi kumpleto.

Tatlong araw na itong ganito. I hoped Damond did not notice it. Dahil minsan napepeke ko ang emotion na naipapakita ko sa aking mukha kahit down na down ang pakiramdam ko. Buhat siguro ito sa pinoproblema ko ngayon.

PAGKATAPOS ng shoot ay papalabas na ako ng hotel. I am done changing my bridal dress to my casual summer outfit. Naabutan ko sa isa sa mga benches sa labas ng hotel si Joseph, Damond at Tiyang Gwen na umiinom ng chocolate shake. Tawanan nilang tatlo ang sumalubong sa akin dahil sa mga biro ng Josefa.

Buong pamilya ko ang nandito sa Boracay para mas makasama pa si Damond. At itong si Josefa na kahit may trabaho ay sumama talaga sa amin. I am thankful though because he lightens up the mood.

"Ang tagal mong magbihis, Asli," mahinahong reklamo ni Tiyang Gwen. Kapatid siya ni Papa na nagtatandang dalaga. She always believed that no one will love her as a lifetime partner. Simula pagkadalaga ay walang nanligaw sa kanya hanggang sa nadala na niya pagtanda na wala talagang magkakagusto sa kanya. She's thirty five and I think it's not too late for her to get married and get a lifetime lover.

Umupo ako sa tabi ni Damond na nginitian ako, inakbayan bago hinalikan sa pisngi. Nakita ko ang maasaring irap at ngiti ni Joseph. Umirap din ako sa kanya.

"Ang init, Sir. Ang landi niyo," natatawang komento ni Tiyang Gwen. Umiling-iling akong nangingiti sa tiyahin.

"What do you want to drink, babe?" hinaplos ni Day ang kamay ko na nakaani na naman ng tikhim galing kay Joseph.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon