Phase 11: Baby and the Wedding

7.1K 195 5
                                    

•LATRYNA'S POV•

The abnormal beat of my heart consumed me totally as we strolled inside the very grand function hall in the biggest hotel in the city. As expected with elites, decorations and the motif are not simple.

Kumikinang sa kamahalan lahat ng nasa paligid ng hall. From the guests who wear elegant and fancy clothes colored dirty pink.

I have attended larger events than this but being beside Dr. Greene is not on my reach. Hindi ko magawang ngumiti kung alam kong hindi naman talaga ako imbitado. Hindi ko magawang maging kalmado kung hindi ko kilala ang mga taong nandito na puro kapamilya at kaibigan ng side ng Mama nitong si Doc.

"Smile, Manuel," hinaplos niya ang braso kong nakakapit sa braso niya nang may dalawang lalaking nasa edad kuwarente pataas ang nakangiting papalapit sa amin. "They're politicians."

Kahit ang dami ko nang nadaluhan na mas engrandeng parties sa States, ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagka-out of place.

"Hi, Dr. Greene," anang isa nang makalapit na sila sa amin. I smiled 'nong tumingin ang mga matanda kay Doc bago sa akin.

"Good evening, Mr. Lizada," bati ni Doc habang ako ay nag-iisip kung ano ang ranggo niya sa gobyerno. "Good evening, Mr. Bienvenido."

"Good evening, hijo, and to this fine young lady," yumuko ako nang sa kanila bahagya habang kumakapit nang maayos sa braso ni Doc.

"Good evening rin po sa inyo," magalang kong bati.

"I would like to take this opportunity to congratulate you in advance for running as our city's mayor," kahit may pagkagulat ng konti ay hindi ko pinahalata at ngumiti lang kahit peke na.

Tatakbo pala itong si Doc bilang Mayor?

"Thank you po. I really need your support as you are experts in the field," ani ni Doc na para bang may malaki siyang tiwala sa dalawang tao.

"Walang anuman iyon, hijo. I'll indorse you to my people," sabi 'nong isa medyo payat na naka-eyeglass ngunit alam mong mayaman talaga base sa mamahaling tuxedo na suot.

"Thank you, Sir. Mauna na po kami. Nakikita ko na si Mommy eh," paalam niya sa dalawa.

Tinitingnan ko kung saan nakatingin si Doc para makita ang Mommy daw niya. As I do that, young teens dominated my sight with their beautiful gowns and tuxedos.

"Kuya! Oh my God, Kuya!," napabitaw ako kay Doc nang may batang babaeng nasa edad sampu ang naghihiyaw na yumakap kay Doc.

"Hope, how are you?" iyong hiyaw ng kapatid niya ang nakakuha ng atensyon ng madla para makatingin sa aming gawi.

"I'm fine, Kuya. I really miss you. We miss you, me, Ate Hytte and Kuya Hero. Ngayon ka lang nagpakita, Kuya," maganda si Hope na naka-golden tiara. Though, hindi nga sila magkamukha ni Doc kasi namana niya ang features ni Damond.

"Busy si Kuya, Hope. I'll make up to you someday," mukhang tanggap naman siya ng pamilya ng Mommy niya, huh, kaya di ko maintindihan kung bakit nagdadalawang isip siyang uma-ttend dito.

"Nagtatampo nga kanina si Ate Hytte at umiyak kasi sabi ni Edward ay hindi ka raw a-attend. Mommy can't do anything about it. Thank you for making this for Ate Hytte," napatingin ako kay Doc na napatingin din naman sa akin ng sabay.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon