Phase 23: Direct to the Point

5.1K 206 3
                                    

•LATRYNA'S POV•

ISA lang ang masasabi ko sa mga oras na ito at iyon ay sobra sobra ang galit na nakikita ko sa mga mata ni Thalia. She even surveyed her eyes at the arms encircling my waist. Labis ang kanyang paninibugho sa mga nasaksihan.

"Thalia, how did you find my island?," kalmado akong inakbayan ni Doc pagkatapos saka hawak hawak ko rin ang beywang niya. I smiled at Thalia whose like a dragon ready to burst out her fire.

"It doesn't matter at the moment, Ryos. I have something to tell you," isang masamang tingin ang iginawad niya sa akin na para bang may nagawa akong karumaldumal na krimen.

"Okay. What is it?" pasalamat siya nalasing pa ako sa halik ni Doc at baka natusok ko na ang mata niyang kulang na lang lumugwa dahil sa inis.

"Can we talk in private please?"

"Why?" naunahan ko si Doc sa sasabihin niya sana dahilan para mapatingin siya sa akin at pinisil ang balikat ko. "You can talk while I am here."

Mas nakita ko ang paglaki ng kanyang ilong dahil sa inis.

"Fine. Para malaman mo naman ang nalaman ko," kontrabida siyang humakbang ng mas malapit sa amin. Hinahaplos haplos ni Doc ang balikat ko dahil mas alam niyang naiinis na rin ako sa Thalia na ito.

She's barging in here with her nakasimangot na mukha. Wow.

Dahil si Thalia na ang nasa harapan namin, we need to act as a true couple like that of Hytte's birthday.

"Ano ba nalaman mo?" pumasok na sa isip ko ang tungkol sa pagpapangap lang namin ni Doc bilang engaged couple. Kinakabahan ako. Si Doc lang naman ang ma-a-agrabiyado rito pero dinamay-damay niya ako.

"Owh," humalakhak ang babae na para bang may biro akong nasabi. "You do not know? You're engaged..."

"...to him, of course," malambing kong sagot sa kanya na may paghaplos sa dibdib ni Doc. Diyos ko! Nakakapaso.

"Liar. You're engaged to his father," napabuntong-hininga akong umaaktong may nasabi siyang isang joke. Umirap akong ngumiti rin kalaunan.

Wala na akong ibang maisip na alibi! Kasi totoo naman kasi! I need help! Fück!

"Kung nakita mo si Daddy sa isa sa mga hotel sa Bora, Thal, it is because we are preparing for our small beach wedding. Right, baby?" kalmado akong tumango kahit nawiwindang na ang isip ko sa mga bagay-bagay. "It's not a public wedding. It's only between my family and hers."

"Sino niloloko niyong dalawa?"

"Besh, it doesn't matter to you. Maybe it is, because you're his friend...but, we are engaged. I will not kiss him like that a while ago, if we are not committed," hanggang kailan ko ba tutulungan ang doktor na 'to?

Nauubusan na ako nang matinong kaisipan.

Tumaas ang kilay niyang mala-Marga Mondragon. My God! Parang gusto ko atang ahitin ang kilay niya ah!

"Really?"

"Thal," binitawan ako ni Doc saka lumapit kay Thalia na kulang na lang ay kalmutin ako. "You need to go back in the island. Baka hahangin ng malakas mamaya. Ipapahatid kita gamit ang yate ko. Ano ba sinakyan mo papunta rito?"

Sunod-sunod na salita ni Doc habang hinihila ang babae paakyat.

Umirap ako sa kanya dahil hindi niya nilubayan ng tingin ang kagandahan ko.

"That's my man, besh. Huwag mong tuklawin.." napalingon si Doc sa akin saglit bago makahakbang sa mga baitang ng hagdan. He smiled at me with maliciousness. Ano? Nag-a-alibi lang ako rito ah!

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon