Phase 6: Irritation, Obsession

7.1K 175 4
                                    

•LATRYNA'S POV•

"Baks! Gising na uy!" iyon ang nagpagising sa mahimbing kong pagtulog. Ang tinis ng boses ni Josefa at ang megaphone na sigaw ni Kian.

"Boss! Masyadong mahimbing tulog natin ah! Naghihintay na sa'yo ang dagat!" sa tansya kong lakas ay nasa labas sila ng bintana ng kwarto ko na accessible lang sa likod.

Aside from my friend's noises, nakakarinig din ako ng ingay buhat nang pag-uusap. I covered myself properly with the think comforter because I am totally lazy to get up now. Hindi pa nga ako nakapag prepare ng dadalhin na damit. Pasado alas tres na ng madaling araw akong nakatulog dahil sa yakap ni Doc na tila isang KathNiel movie na paulit-ulit nagre-replay sa utak ko.

"Yes, Doc. Can you perform it for me? Paki-check lang. Salamat. I owe you one, Palm," baritonong boses ang narinig ko sa may kama ata. Nandito kasi ako sa sahig.

"Hello, Mariente. Kindly tell your friends that I will not be on the campaigns today. May gagawin ako. I'll totally make up with them next time. Ha? Sanchez? Important? Really? Iyon na nga ba sinasabi ko kapag pumasok sa politika. Fine, pasalamat iyang si Cortez ay may kalaban siyang Alfeche. He should be honored."

Tss! Dumapa ako at sininghap ang bango ng unan ko. Bagong laba at komportable talagang yakapin.

"Hey, Crize, si Thomas? Ah---tulog pa. Sige, I'll call later," napadilat akong nairita dahil humalakhak siya. "Hi baby Zian. Good morning. You should wake your Daddy now. Masyado bang pagod, Crize?"

Sinubsob ko pa ulit ang ulo ko dahil antok na antok pa ako tapos naririnig ko lang ang malambing niyang halakhak. So unfair!

"Baks!!"

"Boss!"

"Tangina! Ang ingay ingay niyong tatlo! Natutulog 'yong tao!," padabog akong bumangon at ginusot ang buhok sa iritasyon.

Natawa pa ang dalawang nakikita ko ang anino sa likod ng bintana kahit sarado.

"Ang himbing naman ng tulog mo, baks! Ready na kami ni Bossing Kian! Bumangon ka na!," dahan-dahan akong bumangon saka lumipat sa kamang dumapa roon.

"Maya na," I hoarsely said. Tumagilid ang ulo ko at kaunting dilat ang matang tumingala sa nakatayong lalaki sa gilid ng kama na may kausap pa rin sa kanyang cellphone.

"Pagod na pagod ba, boss?" Kian's voice sounded teasing.

"Oo! So shut your mouth you two!," narinig ko ang halakhak nilang dalawa.

"Varsity ba, baks? Hayop kung---" bumangon na talaga ako at pumunta sa gawi ng bintana saka binuksan iyon. Narinig ko ang pagtigil ng tawa ng mga kaibigan ko.

"Wag kayong sumama sa outing! Kaibigan ko ba talaga kayo?" I raised my fisted palm against them.

"Good morning, Doc!," sabay nilang bati kay Doc nang sa paglingon ko ay kakababa lang ng cellphone. Tinaasan niya lang ng kilay sabay tango ang mga kaibigan kong sumisilip sa siwang ng bintana.

Padabog ko ring binagsak papasara ang bintana at kumalmang tumingin kay Doc. My pastel painted room still lightened kahit patay na ang mga ilaw.

"Morning," bumati ako sa kanya sabay dampot ng kumot para tupiin iyon.

"Yeah, morning," he watched me fixing my comforters. Nahiya ako ng konti kung gaano na ka-kalmado ang kama ko na hinigaan niya kagabi. He slept peacefully and comfortably. Eh, ako, halos hindi na nadalaw ng antok dahil sa ginawa niyang pagyakap.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon