Phase 34: Congratulations

6.4K 168 9
                                    

•LATRYNA'S POV•

KAKARATING lang ni Papa kanina galing Iloilo. He brought some of my things that are useful for my work that he has recovered from Gray's car. Nadatnan ko nang makarating ako na halos mangiyak-ngiyak si Mama sa dalang balita ni Papa na tinext niya sa akin kanina. Now, Ryos was sitting beside me listening to my father. Tahimik lamang siya nakikinig at paminsan-minsan ko siyang binabalingan sa mga magiging reaksyon.

My parents are happy that my boss got detained. I am happy too. Hindi katulad namin ay halata na masaya, si Ryos ay kalmado lang tapos nangingiti kapag bumabaling sa akin.

Nasa sala kaming apat. Magkatapat sa mga sofa namin.

"Inamin niya kasalanan niya, anak. Hindi lang ikaw ang may reklamo sa kanya kundi marami sila. May isa pa nga babae roon na sinampahan din siya ng kasong rape. Mapapanatag na ako," kwento ni Papa na mukhang magaan na nga ang kanyang pakiramdam na noon ay nakikitaan ko siya ng pagod.

"Sasama ako sa'yo sa makalawa para makausap ang walang hiyang lalaki na 'yan," Mama, with her angry voice. Napabaling siya sa amin ni Ryos pagkatapos.

"Baka bukas ako pupunta para sa mga kaso, Ma," ani ko ngunit hindi nakatuon ang pansin ni Mama sa akin kundi sa kamay ni Ryos na nasa hita ko. Napansin iyon ng katabi ko kaya dahan-dahan niyang kinuha mula sa akin ang kanyang kamay.

"Ma," I held Ryos' hands simply to show that it's okay. "Bukas na lang tayo pumunta para matapos na ang lahat ng ito."

"I'll go with you po. Tutulong po ako.." napabaling ako sa kay Ryos. My father looked at him with obvious disbelief before answering.

"Marami kang trabaho, hijo. Halos hindi ka nga nagpapahinga. Nandito naman kami para sa anak namin. Saka, sapat na iyong ibinigay mong abogado," si Papa sa pormal na boses. Walang kalambingan.

I am aware that Ryos might help me with the case and he really gave us an attorney. I smiled at him with gratitude. Lahat ng mga sinabi ko nang nasa ospital at iyong mga pinagsasabi kong ayaw kong makisawsaw sa buhay ng mga Greene ay pawang mga salita sa hangin na lang iyon. I want him. I need him. This is the words of my heart.

"Ayos lang po 'yon. Handa po akong tumulong kay Man--Asli," with light vibes, natawa ako sa aking isipan. Ano nga ba ang mayroon sa apelyido ko ay iyon ang tawag niya sa akin? He seldom used my name as my name. It's always been Manuel, but it's cute though. He acknowledged my last name though I am married to him.

Speaking of marriage...

"Dahil nandito rin naman tayong apat. Bakit hindi natin pag-usapan ang nakaraan at mailabas ang mga nararamdaman para makausog na tayo sa mga katanungan namin," pormal na pormal na sabi ni Papa na mariing nakatingin kay Ryos. Ibinaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Ryos. He smirked angrily. Kinabahan ako bigla sa uri ng pagkakatitig ni Papa sa akin. Sa galit niya'y napalunok ako.

For so long, for how many years, I hide them the truth that I signed a marriage contract with Doc Ryos. Paano ko kaya nakayanan iyon? Siguro, dahil may mga gusto akong makalimutan na mga pagkakamali.

"Nagloko kayong dalawa. Nanloko. Huwag niyong damdamin dahil totoo iyon. Nagtago kami dahil sa kahihiyan, hijo. Ang landi niyong dalawa, alam niyo 'yon? Tinatago ko itong bigat na nararamdaman ko dahil ayaw kong manakit ng anak. Hindi kita pinalaki ng ganoon, Ryna. Kung minamahal niyo pala ang isa't-isa, sana idaan niyo sa tamang proseso. Ganoon pa man, hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Tapos ngayon, nagkakamabutihan na rin kayo. Ano masasabi ng ama mo rito, Ryos?" madiin ang bawat kataga ng pagkakasabi ni Papa na may halong galit at itinatagong pait.

"Sorry po," kahit iyong huling pag-uusap namin ni Damond noong na-ospital siya ay hindi ko ipanagsabi sa mga magulang ko. I remained in silence and go with the flow of life. Pinirmahan ko ang kontrata dahil iyon para sa seguridad ni Ryos and other reasons left unthinked.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon