•LATRYNA'S POV•
THE therapy has been successful for this past week. Nagagalaw ko na ang mga paa ko pero kailangan ko pa ng alalay. When I was discharged yesterday, Doc was not there to accompany me or so. Naririnig kong busy siya masyado sa mga trabaho niya sa gobyerno. Si Doc Calla na nga lang nag-e-instruct sa akin ng mga kailangang gawin.
With light-hearted feelings and hope, dahan dahan kong hinahakbang ang mga paa sa mapipinong buhangin sa baybayin. Nakauwi na ako kagabi. And I missed my whole wondrous hometown. Mapayapa ang umaga at kumikinang ang tubig dagat dahil sa kakasinag na araw. Birds flew from somewhere above the air. Sariwang-sariwa ang hangin at matiwasay sa pakiramdam.
Walang masyado pang tao sa baybayin kaya ramdam na ramdam ko ang katahimikan at gaan ng paligid. It's always better here than in Iloilo dahil siguro sa mga alaalang nabuo ko rito simula nang mamulat ako sa buhay.
Nadaanan ko iyong malaking ektarya ng lupain na may nakatayong malaking modernong mansion at nakapalibot sa front view nito ang six feet seawall na tila nagpro-protekta kapag may storm surge. Noon wala pa ito rito at mga kakayuhan lamang saka mga barbewires lang ang nakabakod. Mukhang may nakabili. Kung titingnan mo ay hindi ito resthouse kundi isang kuxury resort. Pero ang sabi ni Mama ay resthouse lang daw.
Nagtanong ako kung sino ang may-ari. Sabi niya, sinabi na raw niya sa akin at hindi ako nakikinig kaya hindi niya ako sinagot.
Well, wala na akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid.
Kaya kahit sobrang mahina ang aking paglakad ay pinilit kong inaabkt ang isang nakatambay na bangka sa malayuan. Nagiging jelly ang mga buto ko at napapaigtad ako sa bawat lakad. I gasped whenever I get tired.
Hindi pa ako nakaabot sa bangka ay napaupo na ako sa buhangin. Pumikit ako at dinama ang lamig na nahahaluan na ng init. My phone beeped because of a reminder. Binaliwala ko iyon dahil paalala lang iyon sa pag-inom ko ng gamot.
Memories kept flashing in my mind. Memories within those three years I have been in Iloilo, hiding from fear, guilt and conscience. A lone tear cascaded from my eyes when I remembered a horrible memory. Ganoon man kasakit na aalala ay pilit kong itinatago sa kaibuturan ng aking puso. I'll always keep that memory forever.
After my sea sightseeing and relaxation, I went back to our house. Naabutan ko si Mama na naglilinis habang naka-andar ang aming lumang amplifier sa mga tugtugin noong kapanahunan niya, The Carpenters' songs. Hindi niya ako napansin kaya dumiretso ako sa kusina para uminom ulit ng tubig dahil naubos ko iyong dala ko.
Nagpapalit siya ng mga kurtina dahil maalikabok na ito. Ilang taon rin kaming hindi nakauwi at pinababantayan lang namin sa Nanay ni Josefa itong bahay. Hindi rin kami nag-uutos na linisan dahil nakakahiya. Siguro, ginagawa rin ito ni Mama dahil uuwi ngayon ang tiyahin ko galing Laguna. Sabi nga niya, dito na raw maninirahan si Tiyang Divina at ang mangangalaga sa lumalago naming grocery store sa may basketball-an. Josefa managed our store well with the help of Mama. Kahit hindi nakapag-aral ang Mama ko ng business management, she got really the brilliant mind on how to handle it. Nag-uusap lamang sila sa tawag minsan para doon.
I focused my eyes now on our flatscreen TV that only the newsreporters' mouth I can see. Wala akong naririnig dahil malakas ang pagtutugtog ni Mama. Napailing ako at aabutin na sana ang remote control nang nag-flash bigla ang isang news. Nandoon si Doc, with his casual outfit. It seems weird seeing him working without his white laboratory robe. He is talking to some reporters. Nasa likod niya ang nagkukumpulang mga tao. The lines below showed that it is fire happened last night in one of the barangays in the city. May gulat pa ako at nairita sa musika na nakakaabala sa tinitingnan ko.
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...