•RYOS' POV•
"Did you enjoy the beach?," nang magkita kami ng mga kaibigan ko rito sa Tambayan Hall namin sa mansion ni Jonah ay ako talaga ang pinagkakadiskitaan nila ng maraming tanong.
It's been two days after my family encounter with Asli's family. Masaya silang kahalubilo. They accepted me as part of their family and gave me the best accomodation. Hindi mo mararamdaman na out-of-place ka. I am friendly to everyone. If they want friendship, I can give it to them, but one thing bad about me is that if I am angry at a certain person, I really can't hide it.
Si Asli lang ang sinasabihan ako na masungit ag suplado ako dahil sa kanya lang naman kasi ako ganoon.
"Yeah, ganoon pa rin naman ang dagat," after my rounds and three operations today, inimbitahan ako ni Jonah na mag-relax and when he said relax, it meant drinking with Chicharon and potato chips.
Nandito silang lahat dahil nag-uusap kami patungkol sa pangongompanya namin. Malayo-layo pa naman ang election kaya we are planning for the best strategy.
"Hindi iyan ang kailangan naming malaman, Doc?," tumungga ako ng isang baso ng wine sabay tingin sa nanunuyang boses ni Mariente. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ni Jonah.
I eyed Thomas but he just shrugged his shoulders.
"Masaya ang pamilya nila. Complete and contented. They're simple and hospitable," banayad kong sabi sabay tingin kay Aeross na nagspe-space out ata. May iniisip? Problema ata sa Malacañang.
Huling termino na niya ata this year.
"Wala kang na-fe-feel na persons that could pressure you. Iyong kikilatisin ka para makuha lamang ang nililigawan mo," si Thomas na hindi ko nakukuha ang ibig sabihin.
Nakita ata ni Jonah ang pagtataka ko kaya nagsalita siya.
"For example, umakyat ka ng ligaw sa isang babae tapos may haharang sa'yong mga tito niya. Ganon? Sana wag kang loading, Greene?"
"Ah, wala naman. They all love me. May mga tito siya pero hindi naman ganoon katapang. Maybe, because I am just the son of Asli's fiancé. Hindi sila nakaka-feel ng pressure. They don't need to interrogate me," sagot ko nang makuha ang pinupunto ni Thomas.
"Sana all walang haharapin na mga Tito," ani ni Jonah sabay subo kay Thomas ng chicharon na tinanggap naman ng gobernador. Yikes! Hindi na ako nasanay sa dalawa.
"I wouldn't feel pressure. Wala rin naman akong nililigawan o liligawan in the future," natawa si Mariente kaya pinukulan ko siya ng tingin.
"Talaga? Nalaman naming nagkita kayo ni Gabbie, ha," at doon bumaling ang atensyon ni Crex at Aeross na kanina pa nagseseryoso sa usapan sa kabilang four seater sofa sa harapan namin ni Mariente.
"Kapag nagkita ay babalikan na agad. Do you see me as desperate man who needs her attention?," Gabbie was my first ex girlfriend. Pagkatapos sa kanya ay wala na akong naging girlfriend. I courted her since the beginning of her college life. Mabait siya at nakakawala ng ganang mabuhay kapag nawala siya sa'yo. But, that was in the past.
"Hiyang-hiya ako. You were obsessed with her, Greene. Nakakatakot kang magmahal. Kaya natatakot rin kami na ngayon ay nagkita kayo, baka ganoon na naman ang nangyari," lumagok ako ulit ng inumin.
"Don't worry, Mariente. I completely has moved on," nakakadiri ngang isipin na obsessed ako sa babae noon. "Saan mo naman nalaman na nagkita kami?"
"Kay Asli. Siya nakasagot nang tinawagan kita ng hapon na 'yon. May sinabi pa siya with so much irritation," halakhak niya saka siya naman sinubuan ni Jonah ng chicharon kaya nanahimik ang congressman.
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...