•LATRYNA'S POV•
Kapag talaga ng mukha. Nagtitimpi ako at nawawalan ng pasensiya. Hindi ko nga alam kung bakit sobra ang galit ko kay Doc. Noon, gusto kong maging mabait sa kanya, ngayon, gusto ko na lang sapian ng kademonyohan para mapatay ko siya.
I still cannot move on of what happened between us, in that bed. Ang bawat piraso ng pangyayaring iyon ay nakaukit sa kukuti ko na tila ba ay hindi talaga mawala-wala. Pilit kong kinakalimutan pero hindi.
His kisses still taste so poisonous. Na alam kong nalason na ako at hindi na pwedeng malunasan ng gamot, dahil walang gamot sa konsensiya at pagkabaliw sa bagay na hindi dapat paglalaanan ng oras.
Alam ko. Alam kong may parte na kasalanan ko, na bumigay ako sa kanya. I was the one who initiated the kiss. Kasalanan ko rin kung bakit may nangyari. Lalaki siya, and if I give him a go signal, the respect that he has for me that night will break down. Truly.
Isang bobo lang ang magbulag-bulagan sa kalandian ni Ryos sa akin. I have this feeling that he is sending me motives of attraction. Pero feeling ko lang din naman! Assumera!
Kasi naman eh!
Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Doc sa akin!
Naiinis ako kapag iniisip na ginagawa niya akong practice ground sa mga bagay na hindi niya magagawa sa babaeng totoo niyang mahal!
Nagagalit ako sa sarili ko dahil sobrang rupok ko. Bakit hindi ko magawang ilayo ang sarili ko kapag nagsimula na siyang humalik? Bakit hindi ko magalaw ng malayo ang sarili ko mula sa kanya kapag nakapalit siya?
Natatakot ako kasi may nararamdaman akong hindi dapat. May nararamdaman akong umuusbong sa tuwing nandiyan siya.
I am a Certified Public Account, topnotcher in the CPALE and it will be ironic if I cannot define the feeling that I am feeling right now. I have this intelligence for academic things. At hindi rin ako bobo para hindi makilala kung ano ang nararamdaman kong ito.
Ayaw kong aminin. Hanggang sa kaya ko pang pigilan, hindi ako aaminin na parati ko siyang iniisip. Isang bagay na sobrang karumaldumal. A thing that is equivalent of a grievous crime.
Ayaw kong pagtaksilan muli si Damond. Iyong gabing kasiping ko si Doc ay hindi kapatawad-tawad.
I hate cheating. I hate lying. I hate betrayals. I hate third parties. I hate issues connected to cheating.
Pero ako...ako ang lumabag sa sarili kong prinsipyo. Paano? Paano madidiktahan ang sinisigaw ng puso? Na kahit sobrang liit ay ipinipilit nito na siya ang sundin.
Asli, isipin mo momsh na may ibang mahal iyang si Doc. May hinihintay na babae. Kung ano man ang koneksyon ninyong dalawa ngayon ay isa lamang itong laro.
He needs a woman to use for his libido. At ako ang tangang nakita niya para doon! Bwisit siya!
Ganoon na ba kababa ang tingin niya sa sarili ko? Dahil ayaw niya ako sa Daddy niya ay ginaganito niya ako.
I wiped my tears out! I am frustrated. Halo halo ang nararamdaman ko.
Mabigat ang dibdib ko lalo pa at gusto kong sabihin kay Damond ang totoo. Kinakain ako ng konsensiya. I am a committed woman. Tapos nakipaglandian ako sa iba. This is wrong. Very wrong. Kailangan kong itama ang pagkakamaling, walang paraan para itama.
Hindi na maibabalik ang pagka-birhen ko. The user doctor claimed me like I was girlfriend! Pero hindi! Wala kaming relasyon para gawin namin iyon. And that kills me more.
Uso ngayon ang maglandi sa iba kahit may jowa. Uso ang manloko. Uso ang ipagpapalit ka. Uso ang makipagtalik lang sa kung sino-sino basta mawala lang ang kalibugan. Uso ang makipaglandian sa hindi mo naman jowa.
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...