•LATRYNA'S POV•
"SURPRISE!" iyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa lobby. I am seeing Miranda Antonio and Berna with open arms. Dahil sa masaya akong makita sila rito ay tinakbo ko sila at agaran na niyakap.
"Anong ginawa niyo rito?" may gulat at excitement kong tanong. May patalon-talon pang nalalaman si Antonio habang niyayakap na ako. "Bakit napaaga kayo ng dating?"
Ang alam ko ay bukas pa ang dating nila para sa kasal ko.
"Of course, Asli-baby! May hinanda kami para sa'yo ngayong gabi. Because we love you so much, we prepare a bridal shower for you!"
"Yehey!" ani pa ni Berna na humalakhak.
"Pinaghandaan namin 'yon nang maigi," kindat sa akin ni Miranda na tila ba ay may masama silang balak.
"I'll try to consult Damond about it," nag-aalinlangan ako sa ideyang may bridal shower. Sa pagkakaalam ko ay may hubad-hubad diyan. May mga sexy dancing ng mga naka-borles na mga katawan ng lalaki.
"Don't you ever worry. Pinagpaalam ka na ni Josefa sa kanya. That bakla helps us to get through our party for you. Kaya kahit may trabaho ang bekibells ay sumama siya rito ng mas maaga kaysa sa amin," nakakalokong mukha ang tinugon sa akin ni Antonio na mukhang may pakana sa lahat ng ito.
"Oh my God, ako ang kinakabahan sa inyo."
"Excited na nga kami eh. Handa na iyong mga babybabes ko," halakhak ni Antonio na ikinailing ko lang din naman. Ang kabaklaan nitong kaibigan ko ay hindi na kagulat-gulat.
"Parang ayaw kong makakita ng mga lalaki ngayon..." alinlangan kong sabi. Sh*t!
"Alam mo, Asli. Dapat iyang utak mo ay kailangang mawasak ang kainosentehan bago ang kasal. You know, you will enter the heavenly space in your honeymoon bed," hagikhik ni Miranda.
Innocence? Wala na ako niyan dahil sa doktor na 'yon.
"Pero bago 'yan, pormal mo naman kaming ipakilala sa Damond mo. Sa social media lang naman iyon nakita eh," ngumiti akong tumango kay Berna.
"Sh*t. I am seeing a god tonight. My God, Berna, para atang natanggal ang matres ko sa nakikita ngayon. He is the most gorgeous man I have seen in my entire existence," biglaang komento ng bakla na napatulala sa kung sino ang nakita.
Sabay kaming tatlo na lumingon sa tinitingnan niya, at nakita namin si Damond kasama si Doc na karga-karga ang isang batang babae. Kakapasok lang nilang dalawa na mukhang nasa pag-uusap pa rin. Nakasimangot ang doktor.
"Pareho silang gorgeous, Anton. Mas may katandaan lang 'yong isa. Nasaan ba diyan tinutukoy mo?" sumulyap ako kay Miranda na may pagkatulala na rin.
"Syempre, yong may hawak na bata," si Doc. Yeah...he's gorgeous according to my friend but not to me.
"Ah si Doc Ryos. Iyan ang doktor ng kapatid ko nang magka-dengue ito. Sobrang bait niyan."
"Kyah.." impit na tili ni Antonio sabay sampal ng pisngi na nagba-blush. Well, hindi ko siya masisisi kasi kung matter of truth ang pag-uusapan, makakalaglag fallopian tube talaga ang kagwapuhan ni Doc.
Sabi ko nga noon, ang kaanyuan niya ay bagay lamang sa mga modelo na pasok sa high standards of beauty.
"Are we seeing your fiancé, Asli-baby? Iyang kausap ng hot doctor na sinasabi nitong si Berna," niyugyog ako ni Antonio.
"Yes. Anak iyan ni Damond. Si Doc Ryos.." pakilala ko kaya mas lalo akong niyugyog ng kaibigang bakla.
"Ano plano, Asli-baby? Ipakilala mo naman kami," isang tulak ang ginawa ni Antonio at sabay silang napahalakhak pagkatapos kong muntik madapa.
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...