Phase 9: Earn My Heart

5.6K 157 6
                                    

•LATRYNA'S POV•

"Fuck," malutong ang mura ko habang hinahaplos ang basag na cellphone. Ngayon, kailangan ko pa itong palitan ng bagong screen protector.

Nakasimangot akong tiningnan si Dr. Greene na ngayon ay seryoso ang mukhang nakapameywang na tinitingnan ang paghaplos ko sa aking cellphone. It startled me when he said that last freaking line! So ano ang ibig niyang sabihin na hindi iyon panaginip? Na hindi si Damond ang humalik sa akin? Kung hindi si Day? Sino?

"Magbihis ka nga. Nakalimutan mo atang nandito ako," tinitingnan mo. May bahid na kaba at inis kong sabi sa kanya na napapatingin pa sa kanyang matigas na tiyan na may maliliit na pandesal. Tumutulo pa ang tubig na mula sa kanyang buhok na hindi pa gaanong katuyo patungo sa kanyang balikat.

Sh*t! Napaiwas ako ng tingin. Nag-focus na lamang sa basag na cellphone.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha na kulang na lang ay matatawa siya.

"What?" tanong ko uli dahil binabandira pa rin niya ang kanyang nakakapawis na katawan sa aking mga mata. "Wala ka bang planong magbihis?"

"Plano mo bang tumingin habang nagbibihis ako? You could at least step outside before I put my clothes on. Hindi ako sanay magbihis sa aking walk-in closet," uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, napaptingin sa ibabang bahagi ng kanyang katawan na may tuwalya.

Asli! For Earth's sake!, huwag kang madumi!

Bumuntong-hininga akong pinipigilan ang inis sa nakangisi niyang mukha, saka nagmartsa ako palabas ng kuwartong iyon. Pinahid ko kaagad ang pawis na namuo sa aking noo dahil sa mainit ang umaga.

Bakit nga ba mainit ang umaga? Eh kay aga pa!

Ugong ng mga sasakyan ang nanaig sa katahimikan sa buong condo na kahit mag-a-alas syete pa lang ay busy na agad ang lansangan.

Pumunta na lamang ako sa kusina para uminom ng tubig. I immediately open the refrigerator and take the one pitcher of water. Kumuha ako ng baso saka nagsalin.

Nakatatlong baso ako ng tubig habang iniisip kung bakit uhaw na uhaw ako na tila ba ay galing sa isang marathon run. Ramdam ko rin ang pagbilid ng tibok na puso ko na halos hindi na ako makahinga.

I inhaled slowly and exhaled profusely. Nang makakalma na ako ay doon ko nakita sa glass dining table ni Doc ang isang plato na may tatlong pancake na mayroong ng chocolate syrup, isang plato na may hotdog, suasages at spam, isang plato na may kanin, isang pitcher na may nakatimplang orange juice, dalawang baso na may gatas na mukhang galing sa isang karton ng fresh milk na katabi nito, at dalawang empty plates na may kutsara at tinidor.

Okay? Anong nangyayari?

Bago pa masagot ang aking katanungan ay may biglang pumasok sa kusina na pasipol-sipol ng OPM love song. Napaigtad pa ang babae nang makita ako. Nakasuot pa siya ng faded jeans at isang simpleng puting floral shirt.

"Babae?" utal na may gulat niyang sambit. Nabitawan pa niya ang isang plastic na may mga gulay. Namimilog pa rin ang kanyang mga matang tumango ako.

"Bakit po?" hula ko ay nasa edad kuwarenta si Ate. Kulot ang makapal na buhok na pino-nytail lang niya, saka morenahin ang balat.

"Gerplen ka ni doktor berde?" suminghap siya.

Umiling-iling ako sabay ani ng nakangiti niyang labi na para bang pinaparating niya sa akin na nag-de-deny ako.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon