Phase 38: The Lost Ring

6K 182 24
                                    

•LATRYNA'S POV•

I AM waiting for someone to come. I am waiting for him to come home and explain everything. But as Josefa said, hindi pwede na maghintay ka lang parati sa lalaki. Ako ba iyong nagkasala? Baka nga nandoon na siya kay Thalia ngayon. Making things right and deciding things that should be chosen.

Or maybe, nakulong na naman siya sa mga patibong ng babae. And here I am, just sitting there so confuse and lonely of what should be the right to do.

Hindi ba pwedeng dito muna ako dahil kahit anong isipin ko ay hindi ko magawang iwaglit iyong kwento ni Thalia. That something happened to them and they've got a baby because of that.

I sighed at the painful thought.

Hindi ko maarok na tanggapin iyon. Hindi ko matanggap. Kailanman ay hindi ko matatanggap na mapunta siya sa ibang babae simula noong araw na nalaman kong mahal ko siya.

Sumama ako kay Papa sa pangingisda. Kahit ayaw niya ay pinagpilitan ko. This is just my way to unwind. Free my thoughts with negative vibes. Gusto kong kumawala sa mga doubts na namumuo sa puso ko. The sea can make me calm and clear my mind. As always, nature is so useful to our needs and emotional burdens.

Marami rami ang huli namin. Siguro tama lang na sumama ako dahil na-miss ko ang ganitong gawain. Simula bata ako ay sumasama na ako kay Papa sa hanapbuhay at naging assistant niya dito. Noong nagbanned ang gobyerno ng mga fishing nets ay nagpasyang magpasada ng tricycle. Simple living makes us survive through the years. I have achieved the license I want but it is always a right thing to come back to where you have begun. Huwag mo dapat talikuran at kalimutan ang mga bagay na bumuhay sa'yo at tumulong sa'yo para makamit ang mga pangarap mo. Unfortunately, some people don't and it's their choice though.

Pagkadaong na pagkadaong namin ay sinalubong agad ako ni Tiyang Divina maliban sa mga kapitbahay namin na bibili siguro ng isda. Puno ng pag-aalala ang mukha ni Tiyang na parang may nangyaring masama o ano ba. Her eyes are watery when I got down down from the boat and approached her.

"Bakit Tiyang?" may pagtataka kong tanong pero mas nangingibabaw ang kaba na nadarama.

"Si Red. Nasa district ospital," and my relaxed self just crashed down into the depths of the earth. Dinaganan ako ng iba't-ibang uri ng takot, kung may uri man ang takot.

"Po? B-akit?" nauutal na tugon ko na nanunuyo ang lalamunan.

"Sumasakit ang tiyan. Halos hindi na makahinga. Bumalik ako rito para ipalaam sa'yo. Naiwan kasi namin cellphone ng Mama mo."

I was catching my breathe when tears rolled down from my eyes.

"Ako na ang babalik, Tiyang," iniwan ko so Tiyang at hindi na nagpaalam kay Papa. Agaran akong tumakbo papunta sa bahay namin. Naligo. Nagbihis. Hinablot ang aking sling bag.

Pinuntahan ko ang tindahan namin. Naabutan ko roon si Josefa na nagwawalis sa kanyang salon katabi lamang ng grocery store namin.

"Josefa, pahiram ng scooter mo," agaran ang pag-angat niya ng tingin. Kunot ang noo pero nang makita ako ay nagliwanag ang mga mata.

"Oh, bakit?"

"Si Red. Nasa ospital," puno ng kaba kong tugon. Gulat ang rumihestro sa kanyang mukha. Kinakabahan na rin.

"Ha? Bakit?" impit niyang tili na nagpanic. May kinuha siya sa isang cabinet. Gumawa ng ingay ang mga susi niyang dala.

"Ewan ko," inabot niya agad sa akin ang mga susi na kinuha ko naman agad.

"Mag-ingat ka."

"Sige, salamat," kinuha ko ang scooter ng kaibigan sa maliit na garahe ng bahay nito. Wala akong oras na sinayang at agad na sinakyan ang motor. Hindi ko pa mapasok nang maayos ang susi dahil sa panginginig.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon