•LATRYNA'S POV•
HE assisted me on the way inside the premises of his resthouse. I am still in the process of recovering from many things. Una, nandito siya na sobrang ikinagugulat ko. Pangalawa, ang tanong ko na 'saan siya tumutuloy?' ay nasagot din.
Hindi dahil mahina ang paglalakad ko, kaya ako nahuhuli, kundi mahina akong naglakad kasi nalula ako sa laki ng bahay. Nasa pathway pa lang kami na naka-konekta sa grand staircase ng bahay. Iyong katapat ng bahay ay isang malaking swimming pool na may mga sun lounger sa gilid. May mga maliliit na puno ng niyog at iyon ay nilagyan ng mga rattan na duyan. The whole semented place is made of marble. The cleanliness is strictly observed. Kahit mga tuyong dahon ay wala kang makikita.
Hanggang kailan siya titigil sa papagawa ng bahay. May bahay pa siyang minana doon sa isla niya. Aanhin niya ba ang mga ito? May condo pa siya at may bahay rin sa isang subdivision.
This is too much for an investment.
"Are you okay?" nahinto siya sa paglalakad kaya nilapitan ako. My phone is beeping but I ignored it.
"Sa'yo rin ito?" turo ko sa gawi ng bahay. Hindi naman nakakagulat ang kayamanan ng mga Greene pero as an Accountancy degree holder, you should be keen to where your money goes.
"Ah. Kina Doc Palm. Pinatayo niya para sa pamilya niya ngayon," tumango ako kaso mas namuo ang malaking tanong sa akin. Oo nga pala, matalik silang magkaibigan.
"Kinasal na pala siya?" mahina kong tanong, dahil halata nga sa pagmumukha ng doktora na in love ito. Hindi naman kami masyadong close o hindi nga talaga kami close para malaman ko iyon. Malaki ang parte na nagawa niya sa aking paggaling. I owe her many things.
May narinig ako noong nakipag-usap si Doc Calla sa cellphone noong araw na gumising ako, pero hindi ko iyon lubos na naproseso sa aking utak.
"Hindi pa, but she has a son now," tumango ulit kahit nagulat. Lumapit siya sa akin. Hinapit ang beywang ko. Imbis na lumayo ay pinabayaan ko siyang alalayan ako.
Nagpatuloy kami sa pagpapalakad hanggang sa makapasok kami sa bahay. I'm not a fan of architecture but the high ceiling design is superb. Modern couches and furnitures with a minimalist touch dominated the whole interior.
"I'll take a bath and we'll eat breakfast together," pinaupo niya ako sa couch. Kinuha ang dala kong plastic na may lamang isda.
"Sorry," nagkalat pa ang basa 'non sa mamahaling klase ng tiles na nakasahig sa buong bahay. "Baka uuwi na rin ako agad. Inaasahan ni Mama iyong isda."
"No, it's okay. I'll let Bong give this to your mother," nagkatinginan kaming dalawa. He is standing there and I am staring at him while sitting with eyes warm and breathless. He sighed like he begged me to stay for breakfast and I nodded.
"Okay na. Sabay na tayong kumain," pinilit kong ngumiti kahit may damdaming pumipigil. May maraming tanong kaya mananahimik na lang muna ako.
Tinawid niya ang distansiya naming dalawa at ginawaran ako ng madiin na halik. I anticipated it that's why I just closed my eyes for more memorization of his lips and more feelings to come.
"I miss you so damn much, Manuel," he whispered between the kisses. Tinugon ko lalo ang mga paggalaw ng kanyang mga labi. Halos lasing na lasing na ako sa uri ng pagkauhaw niya. The movement was like he was transferring so much heat to me. Kulang na lang maggisa ako sa init na nararamdaman.
"You are mine today," isang pang halik ang ibinigay niya at saka siyang umalis papasok sa isang malaking pinto sa gilid ng malaking television na nakadikit sa dingding. Pakiwari ko ay iyon ang dining room.
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...