Phase 10: Cheated, Jealous

7.5K 190 3
                                    

•LATRYNA'S POV•

ISANG singhap at pikit ang ginawa ko habang nakatingala sa bahay ni Doc. Kumakarera ang takbo ng puso ko, hindi maiwasang magtanong kung bakit nga ba ginagawa ito ni Doc.

"For Damond, As, kakayanin mo 'to. Of course, magiging nanay ka sa kanyang mga anak kapag ikinasal kayo, mas mabuti ngang may maganda kang relasyon sa mga anak niya, hindi ba?" at si Doc ang may pinakamatigas na ugali sa dalawang anak ni Damond.

My God! Just think about that reason why are you doing this, Asli.

Nang makakalma na ako ng konti ay saka ko pa pinindot iyong doorbell. Ilang segundong lumipas ay ang ngiti ni Mang Pedring na may dalang walis ang bumungad sa akin.

"Magandang umaga po," bati ko sa kanya. Napatingin siya sa dala kong maliit na maleta tapos nag-angat agad ng tingin.

"Magandang umaga rin, hija. Pasok ka," sumunod agad ako kay Manong. "Nasa loob si Doc."

Tumango akong nagtungo agad papasok sa loob ng bahay. Ganoon pa rin naman kalinis ang buong paligid dahil sa pangangalaga ata ni Mang Pedring.

I composed myself properly and inhaled a lot of air before sitting in the sofa when I got in. Kung ano ang nakita ko noong nandito ako ay ganoon pa rin ang ayos.

Ilang minutong nagdaan ay wala pang doktor na nagpakita kaya nagpasya akong tumingin na muna sa kusina baka nandoon, ngunit pagkaabot ko ay wala. So I went to the second floor and stop in front of the door of his room.

"Tell my mother that I will not attend. Ibabandira lang ako niyan sa mga anak ng mga kumare niya. I hate the feeling, Edward. Magpapadala lang ako ng regalo para kay Hytte," boses ni Doc na mukhang may kausap. Iyong Edward ata.

"Pero Doc, ako ang mapapagalitan ni Madam kapag hindi kita nakumbinsi. Kapag hindi ka papayag ay isang araw akong pabalik-balik sa'yo."

"Nandoon si Lolo. Bakit ba kailangan akong pumunta eh hindi naman ako kasali sa pamilya nila? Sabihin mo 'yan kay Mommy. Ayaw ko. For the eleventh time, ayaw kong pumunta, Edward."

"Doc, isa ka po sa 18 roses ng kapatid mo. She requested it. Saka po, for exposure na rin para sa pangongompanya mo."

"Substitute me. Sabihin mo kay Hytte na ikaw na lang sa pwesto ko," natahimik ang kausap.

"Kung ayaw niyo pong inireteto kayo ng Mommy niyo ay magdala ka na lang po ng date sa birthday ng kapatid mo. Kung makita ka niyang may dalang nobya ay baka titigilan ka na niyan," sagot 'nong Edward na mukhang pinag-isipan ang sasabihin.

"Pag-iisipan ko," ani ni Doc. "Kailan nga ulit iyan?"

"Ngayong alas otso po," may galang pa ring sagot ng kausap.

Dahil mukhang babad pa sila sa pag-uusap ay nagpasya na akong tumalikod saka naman narinig ko ang pagbukas ng pinto. Natigil ako at humarap na lamang.

Ngumiti ako sa kung sino ang bubungad. I faced the man na ngayon ko lang nakita. Ito siguro ang Edward. Magkasing edad lang ata sila ni Doc. May morenong kutis, matangkad at naka-uniporme ng kulay asul, may itsura.

Ngumiti rin siya saka nilakihan ang awang ng pinto.

"Si Doc?" sagot ko habang sumisilip ng konti sa loob.

Tumabi siya para makita ko si Doc na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa na may maraming libro sa gilid pati isang laptop.

"Mauna na po ako, Doc," bago umalis ang lalaki ay napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa na may kung anong emosyon sa mata na tila ba ay sinasabi niyang 'himala'.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon