Phase 22: Doctor Crush's Favors

5K 177 6
                                    

•LATRYNA'S POV•

PARA mapadali ang ka-letchehan na ito ay lumabas ako ng bahay at naglibot-libot sa magandang bakuran ng doktor. Magandang mag-set up ng date sa gilid ng pool niya na may makakapal na bermuda grass, kaso kumukulimlim ang kalangitan.

Kasabay nang mabilis na pagkapal ng ulap sa may bundok ng kabilang isla ay ang paghangin nang malakas. Umiling akong pumasok ulit sa loob.

Malaki naman ang sala ng bahay kaso ang sagwa kung dito sila mag-di-dinner. Kung may rooftop naman ang bahay ay baka uulan nga ngayong gabi. We don't know.

Nagpasya akong pumasok sa malaking dining room ng bahay na kailangan mo pang e-slide ang malaking glass door. The room felt so at peace and empty. The four-seated glass table and its chairs are there. May empty vase sa gitna ng mesa. Ang buong kwarto ay pinalilibutan ng glass at may glass door ulit ito na konektado sa labas.

I opened the other glass door and got down in a six steps stairs connected to a pathway. In my eyes' calculation, the 15 meters pathway stretched to a place with thick plants. Iyong entrance na may wooden door ay may nakalagay na 'Mini Zoo'.

Ahuh? Maalagain talaga ang doktor. Hmm sobrang caring.

Dahil hindi ko naman concern ang Mini Zoo ay bumalik na ako sa dining room at napagpasyahan na dito na lang e-set up ang dinner nilang dalawa.

Kailangan ko lang siguro ng new set of curtains, mga kandila, at mga vases.

Sakto naman nang lumabas ako ay naabutan ko si Tatay Paulo kasama ang dalawang tauhan ni Doc na may dala-dalang mga plastic bags galing sa isang mamahaling convenience store. Base sa namamasang plastic ay mga frozen meats at mga gulay ang nasa loob.

"Tay, saan po ba nakalagay ang mga extra kurtina niyo?"

"Nasa itaas, hija. Iyong may nakasabit na 'storage room'," inabot niya sa akin ang nagkukumpulang mga susi.

"Okay po. Salamat," ngumiti ako sa kanya pero iyong curiosity ko ay ayaw namang magpatalo. "Para saan po 'yan? Ang dami ah.."

Halos lumuwa pa ang mata ko nang makita ang pinakamahal na brand ng wine na nasa isang paper bag sa ganoon ding brand.

"Pinakuha ni Doc sa yate para raw sa date, 'nak," napatango akong naninibugho na naman.

"Ah, okay po," nagpatuloy na naman sila sa pagpunta doon sa underground kitchen ng bahay at ako naman ay padabog na umakyat sa second floor.

"Ka-swerte mong Jade ka. Kung may magagawa lang ako, aagawin ko siya sa'yo. Kung pwede lang sana...arrgh!"

Sa pinakadulo ng nakalinyang mga kwarto ay binuksan ko ang storage room. May mga karton dito na may lamang mga unan at mga comforters. Sa sahig ay nakatayo ang mga mamahaling vases na tumama sa gusto kung gamitin mamaya.

Binuksan ko muna iyong kabinet kung saan hula ko nandito ang mga kurtina.

"Hay. Bakit ko ba 'to ginagawa?," sinipat ko ang mga nakapilong mga kurtina ng iba't-ibang kulay. Dahil romantic ang gusto ni Doc ay hinablot ko iyong maroon colored.

Ayaw ko ng itim o puti dahil baka gawin ko lang lamay ang dining room. Pero pwede rin...

Dahil sa narinig kong pagtahol ng aso na walang iba kundi si Tuna ay napangiwi akong sinarhan iyong kabinet. Sumilip ako sa mistulang hallway nito pero ang pagsarado ng pinakaunang kwarto ang nakita ko.

Fancying My Father's Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon