•LATRYNA'S POV•
NANUNUOT sa ilong ko ang mabangong umagahan na aking niluto samahan pa ng paborito kong kape. Magaan na ang kalooban ko buhat sa nangyari kahapon. My smile reached to my ears when I cannot stop glancing at the diamond ring at my hand.
Nababaguhan lang siguro ako dahil pormal siyang nagtanong sa akin nang pagpapakasal kaysa sa emergency wedding doon sa kanyang isla. The feeling is different when Damond proposed to me and when Doc did. Iyong alam kong ito na talaga. Siya na talaga.
Napasulyap ako sa pumasok dito sa magarang kusina ng resthouse nila Damond. It is Palm with her silky night gown. Humihikab siyang nagsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel na nasa mesa. I am observing her every move when she noticed me and got shocked slightly.
"Good morning, Doc," matamis kong bati.
"Asli, ikaw pala. Good morning," malambing niyang tugon na halatang inaantok pa. "Ang aga mo. Para kay Ryos iyan?" marahan akong tumango habang nakasulyap siya sa nilulutong nilalagay ko sa pinggan.
"I was informed that he prepared a dinner date last night kaso lumakas nang lumakas ang ulan kaya hindi natuloy. Ipagluluto ko na lang siya ng umagahan," maasaring ngumiti si Doc sa akin tapos tumango na lamang.
"Sweet. You should check him up. Alam kong doktor ang kaibigan ko, but he's workaholic, As. Inaabuso niya kalusugan niya. Naulanan siya kagabi when he did not have any enough rest," napanguso ako nang bahagya sa kanyang sinabi.
He really is workaholic. I cannot wait to live with him and take care of him every second of the day.
"Okay. Salamat," inayos ko iyong tray na pinaglagayan ko ng mga pagkain at sinigurong hindi nakalimutan ang mga prutas. "Ikaw na muna magtimpla ng kape mo, ha."
"Yeah. No worries. Ikaw na nagluto ng umagahan eh," matamis ko siyang nginitian at lumabas na ng kusina para umakyat papuntang second floor.
The whole floor is so quiet. Alas syete pa lang ng umaga kaya siguro natutulog pa ang ibang tao. I did not see Damond or Dresia outside. Mas magandang maglakad-lakad sa baybayin tuwing umaga. It can freshen up your mood and feelings.
May kaba at excitement akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Ryos. I have been feeling the happiness since last night. We're officially engaged with a ring that symbolizes it. It boost my system to operate well today. Parang nakikita ko na ang mga magagandang araw sa mga susunod na umaga...kasama siya.
Yeah, kinikilig ako.
"Ryos..." tumikhim ako para tawagin siya. I can still hear the sound of the aircon.
Walang sumagot kaya ako na ang nagkusang bumukas ng pinto. The thick curtains of the sliding wall dividing the room and the balcony hindered the light to illuminate the room. Pero iyong malakas na aircon talaga ang nakakapanghina.
I saw him lying in bed facing the balcony. His comforter hugged his whole body. Halatang giniginaw. I heard him cough so I put the tray on the lamp table. Nagmamadali kong pinatay iyong aircon at binuksan ang kurtina pero hinayaang nakasara ang slidings.
Nilapitan ko siya pagkatapos at hinipo ang kanyang noo. Masyado siyang mainit na napaigtad ako dahil doon.
"Ryos..." kinapa ko nang malamyos ang kanyang pisngi. He only groaned and gripped the comforter to him. He's shivering. "Ryos.."
Nang naramdaman kong gusto pa niyang matulog ay nagmamadali akong bumaba ulit sa kusina. Nagsalin ng ethyl alcohol sa isang stainless basin at nilagyan iyon ng mainit na tubig at tap water. I reached for the first aid box above the refrigerator. Grabbed some medicines.
BINABASA MO ANG
Fancying My Father's Bride (Completed)
Romance[Forbidden Bed Series 3: The Mayor] R18||Matured Contents Dr. Ryos Deaniel Alfeche-Greene -the newly elected Cebu City Mayor was obligated to entertain the fiancée of his father until his father arrived for the wedding. He was taught not to touch c...