Paano kung sa pagsstalk mo sa crush mo, may nabuking kang isang sikreto?
Yung sikreto na matagal niya nang pinakatatago-tago na halos mahimatay ka nung nabuking mo, pero naging dahilan para maging close kayo at makilala ang tunay na katauhan niya.
Matutuwa ka ba? O uuwing luhaan?
My Crush's Secret
WrittenBy: hisbestfriend
Prologue.
Ako si Kiara 'Maganda at Sexy' Valdez. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Havens University, 2nd year College, Tourism student. Crush ko na crush ko si Sly Buerro. Isang napakagwapong nilalang na schoolmate ko. Madami kaagaw ang beauty ko sa kaniya pero hindi ako papakabog no! Mahaba kaya hair ko! Wala pang split ends!
Ako kaya ang number one stalker ni Sly.
Favorite Color: Sky Blue.
Favorite Food: Siomai.
Favorite Song: Not a Bad Thing by Justin Timberlake
Favorite Place: In my heart.
Favorite Girl: ME
Totoo yan promise! Hindi pa nga lang confirmed yung last two, but macoconfirm din yan! TIWALA LANG! Wala eh, madami akong tiwala kaya bawal ang kontra. Lagi ko siyang tinititigan sa school, minsan nga, ay lagi pala, sinusundan ko siya ng pasimple kung saan siya pumunta. Hindi naman kasi ako tulad nung ibang may crush sa kaniya na pakipot pa, ako? Sugod lang ng sugod! Ayaw ko maunahan no! Mapagaya pa ako dun sa kaibigan kong si Den, yung varsity player na nagka-fiancè na't lahat ang crush, hindi pa nakaka-one point! Kaloka! Suso ang peg! Snail okay? SNAIL.
ONE DAY ISANG ARAW...
Sinundan ko si Sly kung saan siya papunta. Wala lang, vacant ko eh eto ang past time ko kapag walang klase. Edi kunwari wala ako pakialam sa kaniya, kunwari nagbabasa ako ng book habang naglalakad. Medyo nilalayuan ko ang distansya ko sa kaniya para hindi ako halata, mga 1 meter. Pero joke lang yun, mga tatlong dipa siguro. Pagkatapos ko siyang sundan ng almost 10 minutes, tumigil ako sa may classroom. Mukha kasing papunta siya sa CR. Hindi naman ako ganun kamanyak para pati sa Cr eh istalk siya. So nag-antay ako ng ilang minutes sa isang classroom dito sa third floor, pero ang tagal niya dun. Nacurious tuloy ako. Jumejebs ba siya? o.O
At dahil nga masyado akong curious sa mga bagay- bagay tungkol kay Sly, kunwari dumaan ako sa may CR ng boys, binagalan ko ang paglakad ko para makita kung anong ginagawa niya, baka kasi napaano na siya dun. Baka kailangan niya ng tissue o sabon, para mabigyan ko siya. One point na yun!
Pero mali ang akala ko. Hindi siya jumejebs...
"Don, please give me a chance. Mahal na mahal kita. Let me prove how much I Love You."
WTH?! May kausap siyang lalake dun na nakaupo sa lababo. Hindi ko makita kung sino yung lalake dahil may pader na nakaharang dun. 'Don' ? Diba pangalan ng lalake yun?
OMG.
OMG.
OMG.
"BAKLA SIYA?!" hindi ko napigilan ang sarili ko, napasigaw ako sa may tapat ng CR. Hindi naman nila ako kita pero malakas ang pagkakasigaw ko, napatingin kasi sa akin yung mga taong malapit dito. Napatigil ako sa kinatatayuan ko pero nung narinig kong may papalit na galing loob, nagtatakbo ako pababa ng hagdan. Nung nasa first floor na ako, nun ko lang narealize na sa pagkagulat ko ay nailaglag ko dun yun libro ko. Hindi ko pwedeng balikan yun dun dahil baka malaman nila na narinig ko ang pinaguusapan nila.
Hindi ako makapaniwala sa nakita at narinig ko na sa bibig mismo ni Sly nanggaling ang mga salitang yun...
"Don, please give me a chance. Mahal na mahal kita. Let me prove how much I Love You."
"Don, please give me a chance. Mahal na mahal kita. Let me prove how much I Love You."
"Don, please give me a chance. Mahal na mahal kita. Let me prove how much I Love You."
What the heeeeell?!!
BAKLA SI SLY?!
***
Read. Vote. Comment. ❤️
Thank you Lance Pheonix for my cover!
Oha! May dedication ako sayo! Prologue pa!
Please add me on facebook. Thank you ulit ❤️
https://www.facebook.com/profile.php?id=100006852918606
BINABASA MO ANG
My Crush's Secret
Teen FictionAnong gagawin mo kapag nabuking mo ang pinakatatagong secret ni crush? ©October 2014