Bella's POV
"You may now kiss the bride"
Para namang natauhan si bella ng marinig ang sinabi na iyon ng pari. Naramdaman niya ang pag harap ni Nicklaus sakanya. Humarap din sya dito habang mahigpit na hawak ang kanyang bouque para mapigilan ang panginginig ng kamay nya.
Tumingala sya dito dahil ang muka nya ay umabot lamang sa malalapad na dibdib nito siguro ay nasa 6ft ang height nito, nakita nya sa mga mata nito ang amusement at.. pag hanga? hindi sya sigurado dahil saglit lamang iyon dahil agad ding napalitan ng matiim na titig ang tingin nito sakanya.
Napakagwapo nito sa soot na puting tuxedo. Amoy nya rin ang lalaking lalaki na pabango nito. Naramdaman nya ang pag iinit ng mukha kaya agad din sya yumuko ngunit itinaas nito ang baba nya at dahan dahan inilapit ang mga labi nito sa labi nya. Napapikit sya ng lumapat ang labi nito sakanya nagulat sya ng bigla nitong kabigin ang batok nya at pinalalim ang halik nito namalayan na lamang nya na tumutugon na sya sa mainit na halik nito at bago pa sya mapaungol sa nakakaliyong sensasyon na hatid ng pag lalapat ng mga labi nila bahagya nya na itong itinulak. Kapwa habol hininga na nag hiwalay sila at nag titigan kitang kita nya ang pilyong ngiti na gumuhit sa mga labi nito at ang pag nanasa sa mga mata nito.
"Youre lips is so sweet" bulong nito sakanya na nag pa tindig naman ng balahibo nya
Malakas na palakpakan ang narinig nila mula sa mga bisita nakita nya ang mga magulang na nakangiti sakanila. Malakas na kantyaw maman ang maririnig mula sa mga kaibigan ng asawa.
Yeah may asawa kana Tuya niya sa sarili.
Isa isa ng lumapit ang mga bisita upang bumati. Pag katapos ng picture taking ay dumetso na ang lahat sa reception
---------------------------------------
Nicklaus POV
"Congrats pare!" Bati ni Gringo sakanya
"Thanks" sabi ko sabay lagok sa hawak kong baso na may alak
"Oh Gringo, my men bakit ngayon ka lang" sabi ng palapit na si Travis kasama si Ivo naupo ito sa mesa na kinauupuan nila ni Gringo. Hindi kc ito nakadalo sa simbahan pero humabol dito sa reception
"Traffic eh" kibit balikat na anito
"Hey Nick, baka matunaw naman yang asawa mo sa kakatitig mo"
Baling sakanya ni Travis"Tado" napapahiyang nag bawi sya ng tingin sa asawa na ngayon ay kausap ng ilang kamag anakan niya at binalingan ang mga nakangising mga kaibigan.
"Mukang tinamaan ka pre ah" pag tutudyo pa ni Travis
'Oo nga eh' bulong niya sa isip
Hindi sya nakaimik dahil di nya rin alam kung bakit parang nabato balani sya sa babae na ngayon ay asawa na nya. Hindi nya rin maintindihan ang naramdamang pag bilis ng pintig ng puso nya habang tinitignan ang pag lakad ng asawa sa aile papalapit sakanya kanina ang corny man pero feeling niya kanina parang nag slow mo ang mga nakapaligid sakanya. Titig na titig siya dito kanina dahil para itong anghel na nag lalakad papunta sakanya. napakaganda nito sa soot na offshoulder wedding dress.
At nang mag lapat ang mga labi nila kanina agad na nag init ang pakiramdam nya kaya hindi nya napigilang palalimin pa ang halik na dapat ay dampi lang. nakaramdam pa sya ng pang hihinayang ng bahagya siyang itulak nito. Marami ng babaeng dumaan sakanya pero iba ang dating ng nito at epekto sakanya
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...