NAGISING si Bella na masakit ang buong katawan lalo na ang ibabang parte ng katawan niya. Wala siyang saplot at ganun din ang aswang na sa tabi niya. Tanging kumot lang ang nakatabing sa mga katawan nila. Naalala niya ang nangyari kagabi ang mainit na tagpo nila ng asawa ang mga paulit ulit na pag-angkin nila sa isa't isa. Para siyang hayop na hayuk na hayuk sa laman.
fuck that sex drug.
Napatiim bagang siya ng maalala ang nangyari kagabi sa hotel kung bakit para syang isang manyak na sabik na sabik sa sex. Kasalanan iyon lahat ni Mr.Hipolito dahil sa itinurok nito sa kanya at ng kanyang ama-amahan na nag-set-up sa kanya kay Mr. Hipolito.
Nang maalala ang lahat ng nangyari at nalaman kagabi ay agad na syang bumangon. Nilingon niya pa ang asawa na nakadapa sa kama at himbing sa pagtulog, bahagya pang nakaawang ang mga labi nito. halatang pagod na pagod pero makikita mo ang satisfaction sa maamo nitong mukha. Gusto niya pa sanang makayakap ito at magisnan nito pero may kailangan siyang gawin.
Napangiwi siya ng makaramdam ng kirot Hindi niya alintana kagabi ang sakit kahit na naging wild ang bawat pagniniig nila pagkatapos ng nauna. Paika-ika na siyang pumunta sa banyo. Tinimpla niya ang tubig sa shower saka tumapat sa dutsa. Gusto niya mang ilubog ang sarili sa bathtub ay hindi niya magawa. Tulog pa rin ang asawa pag labas niya kaya nagmadali na syang magbihis saka kinuha ang susi ng ducati na nakita niya sa sahig.
Dumeretso siya sa bahay ng mga magulang dahil alam niyang andon ang daddy niya kapag araw ng lingo. Nang makarating sa bahay ng magulang ay agad siyang pumasok sa loob. Nakasalubong niya pa ang katulong na bumati s akanya pero hindi niya pinansin. Umakyat siya sa itaas patungo sa office ng daddd niya. Hindi na siya nag abalang kumatok. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Gulat na napatayo ang daddy at mommy niya na nasa couch at nag kakape ng makita siya.
"H-Hija." ang mommy niya ang unang nakabawi at lumapit sa kanya. Hindi niya magawang tignan ito kaya sa daddy niya siya tumingin. Halatang kabado ito at namumutla
"Why?" May hinanakit na tanong niya dito "why did you do that to me? Hindi pa ba sapat na ipinakasal mo ako? Kailangan mo pa akong ibenta, dad..." Puno ng hinanakit na tanong niya dito. Gusto niya itong lapitan at saktan kapag naiisip niya ang nangyari kagabi.
"H-hija, calm down. May dahilan ang daddy mo kaya nagawa niyang-" gulat na napatingin siya sa babae na itinuring niyang ina.
"You knew?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito hindi ito umimik at yumuko lang "Alam mo na ibebenta ako ng asawa mo at okay lang sayo? Akala ko ba itinuring mo kong anak? Akala ko ba minahal mo ko?" Sumbat niya dito. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya. Parang dinurog ang puso niya sa malamang alam nito ang kasamaan ng asawa pero ipinagtatangol pa nito. Kung talagang itinuring siya nitong anak bakit hindi man lang nito kinontra ang balak ng asawa na pag set-up sa kanya? Akma siya nitong hahawakan pero pumiksi siya. Namumuhi siya dito. Malaki ang utang na loob niya dito at sa ilang taon na pamamalagi niya sa poder ng mga ito ay natutunan niya na itong mahalin bilang isang tunay na ina.
"Anak... may dahilan ang daddy mo, nagipit lang siya kaya nagawa niya iyon." Nagtangkang mag paliwanag ang mommy niya pero hindi niya iyon nais pakinggan.
Tumawa siya ng sarkastiko. "Nagipit? What am I a fucking jewelry? na kapag Nagipit kayo isasangla o ibebenta nyo lang!" Sumbat niya dito. Napabiling ang mukha niya ng dumapo sa pisngi niya ang kamay nito. Ramdam niya ang paginit ng pisngi niya pero hindi yon alintanan ng puso niya. Pakiramdam niya nawalan na naman siya ng isang ina. Dahil di niya na kayang tanggaping maging isa sa pamilya ng mga taong gusto siyang ipahamak. At kapalit ng ano? Nang salapi para sa puri niya? Naghihinanakit na tinignan niya ang itinuring na ina.
"Bella anak--" puno ng pagsisisi na akma siya nitong hahawakan pero umatras siya palayo dito. Tinitigan niya lang ito habang sapo ang nasaktang pisngi.
"Tumigil ka Amanda. Hindi mo kailangang mag paliwanag sa ingrata na yan. Walang kwenta pag katapos ka namin kupkupin at pakainin nagagawa mo pang mag salita ng ganyan! Napaka kapal ng mukha mong babae ka!" Sigaw ng daddy niya sa kanya.
Napapikit siya ng mariin. Nanginginig siya sa sobrang galit para dito. Pero wala ng saysay para makipag talo pa siya. Walang saysay makipag talo sa mga taong walang inisip kundi ang pakinabangan. Minahal niya ang mga ito. Alam ng diyos na itinurung niyang pamilya ang mga ito.
Nagmulat siya at diretsong tinitigan si Raul Sta Ana. Ang lalaking tumayong ama sa kanya ng ilang taon. "Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Pero sa lahat ng iniutos mo sa akin, sa pagpapakasal ko sa anak ng mga Villasis na nagbigay sayo ng malaking halaga para sa kampanya mo... Bayad na bayad na ako." Huminga siya ng malalin at pinigilang manginig ang boses. Tinignan niya sa mata ang lalaking itinuring nyang ama "Simula ngayon,wala na akong utang na loob sa inyo. Wag niyo ng tangkain pang kausap o lapitan ako dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Simula ngayon ituring niyo na akong patay at ganoon din kayo sa akin." malamig na sabi niya sa mga ito. nakita niya ang pag kagulat sa mata ng itinuring na ama. Humahagulgol naman na napaupo sa sahig ang itinuring niyang ina.
Sa ganoon niya tinalikuran ang mga ito narinig niya pang tinawag siya ng mommy niya pero hindi na siya lumingon tuloy tuloy na siyang lumabas sa naging tahanan niya sa loob ng anim na taon, palayo sa mga itinuring niyang magulang. Sa minahal niyang pamilya kahit sa maikling panahon.
Durog na durog siya pakiramdam niya kalahati ng pag katao niya ang namatay ng mga oras na yon.
Sumakay na siya sa motor at pinaharurot ito na hindi alam kung saan ang patutunguhan niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang sumigaw.
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...