CHAPTER 31

3.9K 87 2
                                    

CHAPTER 31

Bella's POV

Nanatili ako sa library hanggang sa marinig ko ang bell. Lunch na at naalala kong may usapan kame ni Nicklaus na sabay kameng mag lunch.  Napabuntong hininga ako. Kailangan ko siyang layuan pero pano? Pano ko gagawin yon kung sa iisang school kame pumapasok at kung sa iisang bahay lang kame umuuwi? Pano mo maiiwasan yung taong nag bibigay sayo ng comport at security? Pano mo iiwasan ang taong gusto mong makasama? Yung taong gusto mong hilahin para tumakbo at takasan ang lahat? Ipinilig ko na lang ang ulo. Tumayo na ako at lumabas ng library.

Nag lalad ako ng may biglang humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa humawak sakin. Nakita ko si Travis na hingal na hingal at namumutla, tagaktak din ang pawis nito.

"Si.. si.. Nick..hospital" putol putol ang pag sasalita nito dahil habol ang hininga hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin "Si Nick dinala sa hospital" para namang binuhusan ako ng malamig na tubig ng masabi na nito ng maayos.

"Why..what h-happened to him?" Bigla akong binalot ng pag aalala ang buong pag katao ko. Wala sa sarili na nag pahila ako dito hanggang sa makasakay kame ng kotse nito

"Tell me what happened to him?" Nanginginig ang boses na tanong ko dito

"I don't know. He passed out. Gringo bring him to the hospital. Nag paiwan ako para hanapin ka. Alam mo bang kanina pa ko nag hahanap sayo" nakatiim bagang ito habang nakatingin sa daan

Nakaramdam ako ng guilt. Nanginginig ang kamay ko. Tahimik nalang akong nag dasal na sana ay ok lang ang asawa ko.

Sa isang private suite sa isang private hospital namin pinuntahan si Nicklaus. Hindi parin nawawala ang panginginig ng kamay ko habang pinpihit ang seradura, dahan dahan ko yung binuksan. Una kong nakita si Ivo at Gringo na nakaupo sa couch malapit sa kama nakayuko ito habang nakasubsob ang mukha sa palad niya. Lalo akong kinabahan. Napatingin ito sa akin. Mapula ang mata nito parang galing sa iyak. Napapikit ako. Inignora ko ang masamang idea na pumapasok sa isip ko. Lumipad ang tingin ko sa kau Nicklaus na nakahiga sa kama. May swero ito at may nakakabit din na oxygen mask sa bibig. Maputla ito.

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko habang papalapit sakanya. Agad kong ginagagap ang kamay nito at dinala sa pisngi ko.

"H-hey.." bahagya pang nabasag ang boses ni Gringo na nasa tabi ko na pala ng i approach niya ko.

"W-what h-happened to him?" tanong ko dito habang hindi inaalis ang tingin ko sa asawa ko.

"He passed out. I bring him here and.." he said hesitantly na parang tinatantya pa kung kakayanin ko ba ang ibabalita niya sa 'kin. Bumuntong hininga muna ito. Parang hirap na hirap ang kalooban.

"Just tell her, bro. She has the right to know," sabi ni Ivo na nakalapit na pala samin. Malungkot ang mga mata nito. Muling bumaling ang tingin ko kay Gringo. Umiling iling ito saka tumalikod naupo uli to sa couch at napahilamos sa kamay

"I-i c-cant" Sabi nito na basag na Ang boses

Napapikit ako. Gano ba ka grabe Ang lagay ng asawa ko bakit nag kaka ganito sila.

"He has brain tumor" si Ivo. Nakapamulsa ito habang nakatingin kay Nicklaus "and it is in the last stage.. and.. he has only a month to live.." napayuko ito. Napatingin ako kay Gringo na sinuntok ang lamisita

"Oh god" Biglang nag unahan ang mga luha ko sa pag patak. Noon naman ito nag mulat ng mata para itong hinang hina. Tinanggal nito ang oxygen mask

"M-Misis ko" halatang hirap ito sa pag sasalita pero nakangiti ito kahit paos ang boses. Napahagulgol akong yumakap sakanya na parang sa ganong paraan hindi siya mawawala sakin na hindi niya magagawang iwan dahil hindi ko kaya, hindi ko pala kakayanin kung siya ang mawawala sakin.

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon