CHAPTER 35

3.8K 80 2
                                    

CHAPTER  35

Nicklaus POV

"Babe!"

Napabaling ang tingin ko sa pamilyar na boses ng isang babae. At ganon nalang ang pag ka bigla ko ng makita kung kanino galing ang pamilyar na boses na yon

"Czarina?" Wala sa loob na sabi ko. Hindi ko akalain na makikita ko siya uli. Pag kalipas ng tatlong taon. Hindi ako nakakilos ng bigla nalang ako nitong halikan. Ang lambot ng labi niya. Labi na kinabaliwan ko noon. Pero ngayon isa nalang yong malambot na labi pero walang hatid na ano man sakin. Hindi katulad ni bella.. Shit si bella!. Bigla kong naitulak si Czarina at mabilis na lumingon sa kinauupuan ni Bella. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. Napalunok ako. May takot na gumapang sa katawan ko. Feeling ko nawala ang lahat ng dugo sa mukha ko ng mag tagpo ang mga mata namin ni Bella. Damn, im dead!

"Hey what's wrong? Didn't you miss me babe?" Malambing na sabi ni Czarina. Akma itong yayakap sakin ng mabilis akong lumayo dito.

"N-no i-i.. Ahmm.." I can't help but stammered, my hands is shaking and cold. I can see the rage in Bella's eyes. "Baby.." Tawag ko kay Bella

"Yes babe?" Si Czarina ang sumagot.

Tumaas ang kilay ni Bella. Nakita ko rin ang pag kuyom ng kamao nito. Fuck! Tumikhim muna ako saka umikot para makalapit sa likod ni Bella. Agad kong hinawakan ang mag kabilang balikat niya at pinisil yon. Nag tataka namang sinundan ako ng tingin ni Czarina at ng mapatingin siya kay Bella tumalim ang mga mata nito at humalukipkip

"Who's that bitch?" Nakataas ang kilay nito at hinahagod ng mapanuring tingin si Bella

Nakaramdam naman ako ng inis para dito. Hindi ko gusto na parang inuuri nito si Bella

"My wife" may pag mamalaki kong sabi

"Your what?!" Halos lumuwa naman ang mata nito sa sinabi ko

"This is Bella Sta.Ana-Villasis. My wife" yumuko ako at dinampian ng halik ang pisngi ni Bella. Tumingala ito at nakita ko ang kislap ng saya sa mga mata nito, tipid din itong ngumiti na nag patunaw naman sa kabang nadarama ko.

"Sta.Ana?" Tanong ni Czarina "Are you related to Governor Sta.Ana?" Dagdag pa nito na nakakunot ang noo

"I'm his d-daughter" malamig na sabi ni Bella

"Oh well, well, well. so you are the adopted child of the disgusting Governor" sarkastikong sabi nito na ikinatiim ng bagang ko. Gusto ko na itong ipag tabuyan sa harap namin. Kahit kailan talaga walang pinipili ang pag ka taklesa nito. Pag kuwa'y inilahad nito ang kamay kay Bella. "By the way, I'm Czarina Climeco. The daughter of Don Carlos Climeco." May pag mamalaki sa boses nitong sabi. Tumaas ang kilay ko. It's seems na naiinsecure ito kay Bella para ipangalandakan ang pamilyang kinabibilangan nito. Hindi nito iyon ugali, ang ipag malaki kung saan ito nag mula.

Tumayo si Bella at inabot ang kamay dito "Nice to meet you Ms.Climeco" she sound polite and very nice and i can't help but to admire my wife. Akala ko kasi makikipag tarayan ito o papatulan ang mga pasimpleng patutsada ni Czarina. Pero mukhang wala itong pakialam

Bella's POV

Naramdaman ko ang pag piga nito sa kamay ko ng makipag kamay ako sakanya. Kaya naman pinisil ko iyon sa paraan na alam kong masasaktan siya. Lihim nalang akong napangiti ng makita na nauwi sa pag kangiwi ang ngiti nito

Agad nitong hinila at hinimas himas ang kamay. Saka nag papasaklolong tumingin sa asawa ko. Patay malisya naman akong ngumiti na bumaling ang tingin sa asawa ko at nakita ko na amused itong nakatingin sakin.

"Cza!" Napalingon kameng lahat sa babaeng naka abrisyete sa isang lalaking mukang italian "We've been searching for you! Andito ka lang pala" inis na sabi nito ng makalapit

"Kuya!" Napalingon ako kay Nicklaus ng mag salita ito. Nakangiti nitong nilapitan yung lalaking mukang italian. Nag yakap ang mga ito "daya, kelan ka pa dumating?!"

"Just this morning" nakangiti nitong sabi "So sinong kasama mo? Is this your wife?" May panunudyo na sabi nito na tumingin sakin. Nagulat pa ko dahil marunong itong mag tagalog mukha kasi itong italian at wala rin itong accent. Matatas ang pananagalog nito

Lumapit sakin si Nicklaus at hinapit ako sa bewang "This is my wife Bella Villasis" bumaling naman si Nicklaus sakin "Baby siya si kuya Jacob nabanggit ko na siya sayo, remember?" Naalala ko nga na sinabi niya sakin yun kaninang umaga.

Bago pa man ako makasagot ay nakalapit na ang kuya ni Nicklaus sakin. Nakangiti nitong inilahad ang kamay sakin. Agad kong inabot ang kamay niya. Pero imbis na kamayan, hinalikan nito ang likod ng palad ko. Naramdaman ko namang nag init ang pisngi ko sa ginawa nito

"It's a pleasure to finally meet you" nakangiting sabi nito.

"The pleasure is mine" tipid na ngiti ang ginanti ko dito.

Nagulat ako ng hawakan ni Nicklaus ang braso ko na hawak parin pala ng Kuya nito "I believe this is mine" may pag bibiro sa boses nito pero seryoso naman ang mukha.

Narinig kong mahinang natawa ang pinsan niya.

Bahagyang lumingon si Jacob sa kasama nitong babae at ganon nalang ang panlalamig ng katawan ko ng makita ang tattoo nito sa leeg. Pamilyar sakin ang tattoo na yon. nakita ko na yon.

Nag kwentuhan ang mga ito saka nag kaayaan na sa table narin namin sila ppwesto kasama syempre ang hitad na humalik sa asawa ko at yung babaeng kasama ni Jacob na si Trixie, girlfriend nito at kapatid naman nung Czarina. Pero hindi ko na magawang umimik pa. Nakatuon na ang isip ko sa tattoo na nasa leeg ni Jacob. Samot saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko.

"E-excuse m-me. I need to go the r-restroom" wala sa sarili na sabi ko. Napansin ko na pati ang tuhod ko ay nanginginig na rin

"Hey you okay?" Nag aalalang tanong ni Nicklaus "You want me to go with you?" Akma itong tatayo pero pinigilan ko siya

"N-no. Im okay" pilit ko siyang nginitian saka nag mamadali ng tumalikod

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon