Bella's POV
NAPAILING na lang siya habang nakatingin kay Nicklaus na katabi niyang nakaupo sa backseat ng itim na bmw. Nakahalukipkip ito at mariing naka pikit ang mga mata. Halatang nag tatampo parin sa kanya kahit na pinayagan niya na itong sumama.
Kinausap niya ito kanina at pilit na pinaliliwanagan pero sobra ang tigas ng ulo nito. Napakaraming katwiran na halos naubisan na ko ng paliwanag kaua naman pumayag nalang ako.
Buti nalang at walang problema kay Gordon pumayag agad ito ng sabihin niyang gustong sumama ni Nicklaus sakanila, nag kibit balikat lamang ito at nilapitan si Sugar na nalapatan na ng first aid saka inakay sa Lamborghini nito. Si Nicklaus naman ay binigyan ng instruction ang mga tauha na umuwi na dahil sa convoy kami nila Gordon sasakay.
Napa buntong hininga siya. Mukhamg badtrip parin si Nicklaus.
Sinubukan niyang ihilig ang ulo sa balikat nito pero agad lang nitong piniksi ang balikat kaya napasimangot siya
Nag uumpisa na siyang mainis sa kaartehan nito kaya naman humalukipkip na rin siya at ibinaling nalang ang mukha sa bintana.
Habang nakatanaw sa mga nadadaanan nila naisip niya ang nangyari kanina, napangiti siya. Mali si Gordon. Hindi duwag ang asawa niya. Nagawa nitong isuong ang ariling kaligtasan para lang iligtas siya. Hindi niya akalain na bigla nalang itong susulpot sa oras na kailangan kailangan niya ito. Mas lalo siyang nahuhulog sa asawa, mas lalong tumitibay ang nararamdaman niyang pag mamahal dito.
Nilingon niya ito. Nakatingin din pala ito sa kanya pero nakasimangot ang gwapong mukha nito. Hindi niya mapigilang humanga sa asawa lalo na sa pares ng maaamong mata nito na kait gaano ito ka angas mag salita at kumilos napaka bait paring tignan ng mga mata nito. Those beautiful set of hazel nut eyes.
"What?" Nakataas ang kilay na tanong nito sakanya
Natawa siya na lalo namang ikinasimangot nito. Ang cute cute kasi nito kapag nag tatampo alam naman niya na nag seselos ito kanina kay Gordon kaya sinadya niya na kausapin ang huli ng ibang lenggwahe. Ewan ba niya pero kinikilig siya sa kaalamang nag seselos ito kahit pa sa huli ay naiirita din siya kapag nag iinarte na ito.
"What what?" Pigil ang pag tawa na balik taong niya dito
Inirapan siya nito at inis na ibinaing sa bintana ang mukha. Hindi na niya napigil ang malakas na pag tawa. Nakita niya pa ang driver na napatingin sa kanila sa rear view mirror.
Narinig niyang pumalatak ito. Bahagua niyang sinilip ag mukha nito at nakita niyang may maliit na ngiti ito sa labi
Lumapit siya dito at niyakap ito sa bewang at pilit isiniksik ang ulo sa pagitan ng kilikili at braso nito.
Nakakunot ang noo na yinuko siya nito. Mabilis niya itong dinampian ng halik sabah kindat dito
Napakurap ito at tumikhim. Namumula ang tenga nito kaya lalo siyang napangiti. Umayos ito ng pag kakaupo at niyakap ang braso sa balikat niya.
"I love you Mister ko" malambing na bulong niya dito
Napakagat labi ito, halatang pinipigil lang ang mapangiti. Hindi ito kumibo at tumingin lang uli sa bintana na parang walang narinig
Humagikgik siya at hinayaan nalang ito. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito saka pumikit. Dinama niya ang init na nag mumula sa katawan nito. Pakiramdam niya ay ligtas siya ng mga oras na yon, na walang kahit na sino ang makakapanakit sakanya. Pinapakalma din siya ng mabangong amoy nito ang pinag halong pabango at pawis nito.
How could she live without this man next to her?
Ahh.. Paniguradong hindi niya kakayanin kaya ayaw niyang isipin..
----
Nagising siya sa mararahang haplos sa mukha niya.
Nag mulat siya ng mga mata. Nabungaran niya ang gwapong mukha ng asawa. Automatic na napangiti siya habang namumungay ang mga mata
"Hey.." Sabi niya
Hinalikan siya nito sa noo.
"Gising na"
Napapikit uli siya sa lambing ng boses nito. Napangiti siya mukhang lipas na ang pag tatampo ng asawa. Lalo siyang sumubsob sa dibdib nito. Ganun parin ang pwesto nila na nakatulugan niya na pala kanina.
"Asan na tayo?" Sabi niya na nakasubsub parin dito kaya medyo muffled ang pag sasalita niya
"I dunno. Kakagising ko lang din" sabi nito na sininghot pa ang buhok niya.
Humiwalay siya dito ng bumukas ang pinto sa gawi niya
"Mi lady" bati ng isang lalaking naka white polo na bukas ang tatlong butones at kita ang malapad na dibdib nito. Ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng mamukhaan ang lalaki
"Kirktins?" Napasinghap siya ng nakangiting tumango ito. Akma niya itong yayakapin ng may biglang ipinulupot ni Nicklaus ang braso nito sa sa leeg niya at ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa siko niya. Inilapit nito na ang bibig sa tenga niya.
"Stop making me jealous Misis ko" bulong nito. At kahit hindi niya nakikita ang itsura nito ramdam niyang nakasimangot nanaman ito.
Tumaas naman ang kilay ni Kirkstin at mabilis na umayos ng tayo at saka inilahad ang kamay sakanya para alalayan siyang bumababa
"Pwede na ba kong bumababa?" Nanunudyong tanong niya dito
Bumuntong hininga muna ito baho siya bitawan saka mahigpit na kinuha ang kamay niya
Binuksan jito ang pintuan sa tabi nito saka lumabas, inalalayan pa siya nitong lumabas din ng sasakyan.
Naiiling nalang siya. Hindi niya akalain na may pag ka possessive pala ang Mister niya.
Hindi ito nakatingin sakanya kundi kay Kirkstin na nakangiting nakatigin sa kanya.
"Welcome back Mi lady" yumukod pa ito. Gusto niya sana itong lapitan at yakapin kaya lang napaka higpit ng hawak ni Nicklaus sa kamay niya
"Thank you" naka ngiting sabi niya dito
Iginiya sila nito papasok sa isang puting mansion. Nauuna ito sakanila. Mag kahawak parin ang kamay na sumunod sila dito. Pinakikiramdaman niya si Nicklaus. Alam niyang marahil ay nag tataka na ito sa lahat ng nangyayari.
Pag pasok sa malaking double na pintuan ay nakahilera na ang mga lalaking naka tuxedo at mga naka uniform na mga katulong. Nakayukod ang mga ito at sabay sabay na bumati sakanya.
Naramdaman niya ang pag higpit ng kamay ni Nicklaus sakanya kaya napatingin siya dito.
Nag tayanong ang mga mata nitong nalatingin sakanya. Nginitian niya lang ito sa pinisil ang kamay nito.
Kinakabahan na siya. Unti unti ng napapasok ng lalaki ang tunay na mundong pinanggalingan niya.
Isa lang ang hinihiling niya na sana kapag nalaman na nito ang lahat ay mahalin parin siya
Natatakot siya na kapag nalaman nito ang pinag mulan niya ay hindi nito matanggap at hind niya yon kakayanin ang layuan nito kapag nalaman nitong isa siyang apo ng mafioso at mulat sa kalakaran ng underground society.
Sa ibaba ng magarbong staircase ay nakatayo ang apat na babae at tatlong lalaki kabilang si Gordon ang lahat ay nakangiti sa kanya. Agad na nag init ang sulok ng mga mata niya ng makilala ang mga ito..
"Welcome back Arabella." Sabay sabay na sabi ng mga ito sa kanya at isa isang lumapit
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...