CHAPTER 34
Bella's POV
PINARADA ni Nicklaus ang kotse niya sa parking space ng Alfredo's isang classic Italian restaurant na nag seserve ng authentic italian dishes specially pasta and pizza.
Mabilis na bumababa si Nicklaus at agad na umikot sa passenger seat para ipag bukas ako ng pinto. Inilahad nito ang mga kamay sa akin para alalayan akong bumaba. Nakangiti ko iyong inabot. Mag kahawak ang kamay na pumasok kame sa restaurant. Elegante at maganda ang loob ng restaurant, halatang mga elite lang ang kumakain doon. Dim ang ilaw at romantic ang ambience. Nilibot ko ang paningin saka lang napag tanto na masyadong alangan ang soot ko sa lugar. Pormal at class ang mga soot ng mga kumakain doon. Bahagya kong siniko si Nicklaus
"Mukhang may dress code dito" bulong ko sakanya, naka jeans and tshirt lang ako kaya alangan, hindi katulad nito na naka long sleeve polo na itim, jeans at black leather timberland shoes. Tumawa lang ito at hinapit ako sa bewang na muntik ko ng ikapitlag. Mainit ang kamay nito na mahigpit na naka pulupot sa bewang ko.
"Don't worry family friend namin ang may ari nito kaya relax ka lang" anito saka dinampian ng halik ang sentido ko. Tiningala ko ito at nginitian.
Hindi nakaligtas sakin ang mga mata ng mga kababaihan na may pag hangang nakatingin sa kasama ko at inggit naman sakin. Napangiti ako ng lihim at nakaramdam ng pag ka proud para sa asawa. He is so dashingly gorgeous kahit na napaka simple lang ng soot nito at hindi nakabawas don ang bahagyang pangingitim ng isang mata nito dahil sa ginawang pag sapak ko dito kanina. Nakaramdam nanaman ako ng guilt dahil sa nagawa ko dito kaya wala sa loob na hinalikan ko ang braso nito at bahagyang sininghot.
"Hey.." Anito na nagulat sa ginawa ko. Tiningala ko ito para lang mapalunok ng makita ang mariin nitong tingin, tingin na puno ng desire and.. Lust. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko sa tingin nito sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin. Buti nalang at lumapit na ang waiter samin at inihatid kame sa lamesa namin.
Pag kaupo agad na nag abot ng menu ang waiter. Excited na binuklat ko yun.
"Ahm i want cold pasta, farfalle al pollo and garlic bread, insalata verde, risotto and gourmet pizza bolognese" nakangiting sabi ko sa waiter
"How about your drinks mam?"
"Fresh mango juice" aniko. Binalingan ko si Nicklaus na amuse na nakatingin sakin at may ngiti sa labi. "What?"
"Nothing.." Nakangiting sabi nito saka bumaling sa waiter "Cannelloni Sorentinna pasta and gourmet pizza.. And ahm a bottle of wine" agad na rin na umalis ang waiter pag katapos kunin ang order namin
"Babe!" Napalingon ako sa magandang babae na papalapit sa amin, nakatingin ito kay Nicklaus.
"Czarina?" Ani Nicklaus. Napataas ang kilay ko. Dahil parang natitigilan ito na makita ang tinawag nitong Czarina. At mas lalo pang tumaas ang kilay ko ng walang kaabog abog na hinaliKan ng babae ang magaling na asawa ko.
parang may mga kamay na pumiga sa puso ko sa nakitang ekswna pero agad ko iyong winaksi at pina blangko ang ekspresyon ng mukha.
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...