Katharina's POV
MABILIS ang mga naging pag kilos niya. Kinapkapan niya agad ang walang malay na si Vaughn. Kailangan niyang mag madali kung gusto niyang maitakas ang kapatid at ang asawa nito.
Nilapitan niya ang nag tatakang kapatid. Mabilis niyang tinanggal ang lock na nasa kamay nito.
"Patay na ba siya?" Tanong ni Arabella ng makakawala ito sa pag kakagapos
"No" tiim bagang na sabi niya "pinisil ko lang ang ugat niya sa batok para mawalan siya ng malay. Kailangan na nating makaalis dito"
Nilapitan niya si Vaughn at hinubad ang soot na tshirt nito saka ibinigay sa kapatid niya.
"Nick.." Tawag ni Arabella sa lalaking naka handusay sa sahig. May malay pa ito pero halatang nang hihina na.
Tinulungan niya ang kapatid na akayin ang lalaking tinawag nitong Nick. Nauna siya para silipin ang labas. Walang tao sa pasilyo kaya naman nakalabas sila. Lumiko siya kung sila kung saan ang daan papunta sa underground. Nakarating sila doon na walang nakakapansin sa kanila. Halos pigil niya na ang hininga ng marating na nila ang secret passage na nasa tabi ng intoregation room. Lumabas sila doon at nag papasalamat siya na walang aberya. Mukhang nasa taas ang mga tauhan sa pag kalaalam niya ay may mga sumubok lumusob ngaung gabi kaya paniguradong ang mga tauhan ay nasa itaas.
Isang talahiban ang nabungaran nila pag labas ng pinto. Alam niya ito dahil dito siya noon lumabas ng mag tangka siyang tumakas noon.
Kahit madilim at hirap sila dahil sa kasamang inaakay ay mabilis parin ang mga kilos nila. Kalangan nilang makalayo dahil aumang oras ay masusundan na sila nila Vaughn. Kalangan niyang mailayo ang kapatid niya hindi siya papayag na mapahamak ito
Papasok na sila sa gubat ng makarinig siya ng mga yabag na humahabol sa kanila
"Shit. Kailanga na nating bilisan Arabella" sabi niya sa kapatid. Tumango ito. Kita niya ang pagod nito pero determinado parin na makatakas.
Natutuwa siya dahil buhay pa ng kapatid niya. Buong akala niya noon ay namatay na ito ng iwanan nila sa kalsada. Walang araw na hindi sinisisi ang sarili. Kaya laking tuwa niya na nakita niyang muli ito. Nakakalungkot lang dahil mukang ito na ang huli.
Malapit na sila sa cliff ng huminto siya kaya napahinto din ang mga ito.
"Bakit tayo tumigil" tanong ng kapatid niya. Kita niya ang pag kahapo nito. Babag ang pag takbo nila at paniguradong mahuhuli sila. Kailangan niyang gumawa ng paraan.
"Kayo nalang ang mag patuloy"
"Ano?! Hindi p-pwede sumama kana samin" nag susumamong sabi nito sa kanya.
Umiling siya. Binitawan na niya ang braso ng asawa nito. "Kailangan kong maiwan dahil hindi titigil si Vaughn kung sasama ako sa pag takas niyo. Hindi niya kayo patatahimikin. Kailangan ko rin maiwan para mapunta ang atensyon nila sakin at makalayo kayo." Paliwanag niya dito.
"No.. No.. Sumama kana please.. Hindi ko kaya.. Samahan mo ko.. Miss na miss na kita please Ate sumama kana" naiiyak na pag susumamo nito. Parang may pumiga sa puso niya at gusto niya na ring umiyak pero pinigil niya. Hindi siya dapat mag pakita ng kahinaan sa kapatid.
"Aabutan nila tayo at pare pareho tayong mamatay kung hindi ka susunod sa sinasabi ko". Hinaplos niya ang pisngi nito "Masaya ko na makita ka uli kita pero hindi pa ito ang panahon para mag kasama tayo. Iligtas mo ang asawa mo Arabella" niyakap niya ang kapatid. Mahigpit at halos pilitin niya nalang ang sarili para bumitaw dito "Te amo, Arabella ... te amo ... siempre recuerda eso, ¿hmm?" (I love you, Arabella .. I love you .. always remember that, hmm?) Sabi niya dito saka hinalikan ito sa noo.
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Novela JuvenilA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...