Bella's POV
Bumitaw siya sa pag kakahawak kay Nicklas at sinalubong ng yakap ang mga ito. Ang mga kababata niya na nakasama at sabay na lumaki sa poder ng Lolo niya. Ang mga ito ang unang ni recruit ng lolo niya ng mapunta sila ng ate niya sa poder nito. Kasama niya pa ang ilan sa mga ito na mag training noon.
Bumalik sa kanya ang nakaraan. Ang kabataan niyang bagamat hindi normal ay napaka saya naman.
Unang lumapit sa kanya ang kambal na purong chinese na sina Aimee at Aikee. Sa pag kaka tanda niya ang dalawang ito si Sugar o Chantal at si Kirkstin ang mga ka idad niya. Ang kambal na ito ay ibinenta sa lolo niya ng ama ng mga ito na nalulong sa droga. Si Kirkstin naman ay anak ng dating katulong nila na namatay sa panganganak sa kapatid ni Kirkstin na namatay din ng sanggol palang kaya tuluyan na itong inampon ng lolo niya. Samantalang si Paxton, Bryle, Margaux ang ka idad ng ate niya hind niya alam ang storya ng mga ito kung paano na recruit ng lolo niya. Nasa poder na ang mga iyon ng dumating sila sa mansion ng lolo niya. Pinaka matanda naman si Gordon sa kanila ang siyang noon ay tinitrain upang maging kanang kamay ng kanyang Lolo. kung tama ang pag kakaalala niya ay nasa thirty na ang lalaki. Lahat ng mga ito ay lumapit at yumakap sa kanya maliban kay Gordon at Kirkstin na nakangiti at sa isang babae na nakatayo lang sa tabi nila Gordon at nakamasid
Nang matapos ang yakapan at kamustahan ay nilingon niya si Nicklaus nakamasid lang ito sa kanila. May pag kalito ang mabbakas sa mukha nito. Bahagya niya itong nginitian. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito.
"I want you to know who really am" naguguluhang tumitig ito sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi nito "Come, ipapakilala kita sa kanila" hinila niya ito palapit sa mga kababata
"This is Nicklaus Villasis, my husband" pakilala niya kay Nicklaus. Makahulugang nag katinginan ang mga ito pag katapos ay sabay sabay na bumaling kay Gordon ag tingin ng mga ito
"We know him" si Paxton ang sumagot
Kumunot naman ang noo niya. Mag tayanong sana siya kung pano ng mga ito nakilala si Nicklaus ng tumikhim si Gordon para pukawin ang atensyon niya
"There's someone wanted to speak to the both of you" sabi nito
"Who?" Sabay na tanong nila ni Nicklaus
Ngumiti lang si Gordon at sumenyas na sundan nila "follow me"
Nag katinginan sila ni Nicklaus. Sumunod sila dito. Umakyat ito sa hagdan pag katapos ay lumiko mahabang pasilyo ang nilkaran nila hanggang sa huminto ito sa isang pinto.
Binuksan nito iyon at iginiya silang pumasok sa loob.
Isang library na may malaking mahogany office table sa gitna at may nakaupo sa swivel chair na naka talikod. Malaki ang silid may sala set sa harap ng table ang paligid naman ng dingding at may floor to ceiling na bookself na punong puno. Sa likod ng mahogany table ay isang floor to ceiling window na tanaw ang malawak na garden sa labas, kita din ang fountain na may mga ibong naliligo at mga bodyguard na salimbayan sa pag iikot at pag mamasid sa paligid. Naka carpet ang buong kwarto at napaka lamig ng aircon. May instrumental song ang pumapainlanlang sa buong silid. Napaka elegante ng interior niyon at sumisigaw ng kayaman at kapangyarihan ang buong paligid.
"Sir.." Pukaw ni Gordon sa nakaupo sa swivel chair
Umikot ang swivel chair paharap sa kanila.
Napasinghap siya ng tuluyang makita ang itsura ng nakaupo sa swivel chair. Nakangiti ito sa kanila habang humihitit ng tabako
"Dad?" Gulat na sambit ni Nicklaus
---
Nicklaus POV
Kahit na may hinala na siya kanina hindi niya parin naiwasang mabigla ng makita ang daddy niya na nakupo sa harapan nila at humihitit ng tabako.
"Son..Arabella" bati nito sa kanila ni Bella. Nangunot ang noo niya. Kanina niya pa naririnig na tinatawag na Arabella ang asawa niya. Yun ba ang tunay nitong pangalan? Pero bakit hindi niya alam? Bakit hindi nito sinabi iyon sa kanya? Kung sabagay wala naman siyang ibang alam pa sa asawa bukod sa ampon ito ng mga Sta.Ana at ang kinasangkutan nitong gulo ng dahil sa ama nito. Kung tutuusin ay misteryo parin sa kanya ang tunay na pag katao ni Bella dahil hindi naman ito nag kkwento sa kanya. Hindi niya rin naman ito matanong dahil nag aalala siya na baka ma offend ito o hindi pa ito handa na mag kwento sa kanya
"Anong ginagawa mo dito Dad?" Tanong niya sa daddy niya.
"Take a seat" hindi nito pinansin ang tanong niya bagkus ay itinuro nito ang upuan sa harap ng mesang kinauupuan nito.
Binalingan niya si Bella na puno ng pag tataka ang mata na nakatingin din sa kanya
Muling itinuro ng daddy niya ang upuan kaya naman mag kasabay na tinungo nila iyon. Mag kaharap silang naupo ni Bella.
"Welcome back Arabella" nakangiti nitong tinignan si Bella na natigilan
"You know who I am?" Gulat na tanong dito ni Bella
Lalo naman siyang naguluhan.
Marahang tumango ang Daddy niya.
"Isa ako sa mga ka una unahang tinulungan at ni recruit ng Lolo mo Arabella" umpisa ni Dad. Sumulyap din ito ng bahagya sa kanya pag katapos ay bumaling uli sa asawa niya "I was ten years old ng mabili ako ng Lolo mo sa isang auction. Alam kong wala ng dereksyon ang buhay ko noong mapunta ko sa Lolo mo, pero nag kamali ako. Doon lang pala mag uumpisa ang pag babago ng buhay ko"
Hindi siya nakaimik sa isiniwalat ng ama. Hindi niya alam ang bahagi ng buhay na yon ng daddy niya.
"Kinupkop ako ng Lolo mo, pinag aral, binihisan at binigyan ng tahanang matutuluyan. Alam mo bang crush ko noon ang Mama mo?" Tumawa pa ang daddy niya. Si Bella naman ay napangiti pero may lungkot at pangungulila ang dumaan sa mga mata nito. Bumaling sa kanya ang daddy nita at dinuro siya " Don't tell that to your mother" banta nito sa kanya
Nagulat man ay napa tango na lang uli siya. Wala siyang maisip sabihin sa lahat ng nalalaman niya ngayon
"You know my mother?" Tanong dito ni Bella
Marahang tumango si Dad "Of course. Muntik ng ako ang maging ama niyo ni Katharina kung hindi lang ako naunahan ng Daddy mo" naiiling na tumawa ang daddy niya
"K-kilala niyo po ang d-daddy ko?" Garalgal ang boses ni Bella nakita niya na mahigpit nitong naikuyom ang mga kamay
Inabot niya ang kamay nito at ikinulong sa mga kamay niya. Tumingin ito sa kanya. Nangingilid ang luha nito
"Yes hija, ang daddy at mommy mo at ako ay mag kababata. Sa mansion ng Lolo mo kami lumaki ng mag kakasama hanggang sa mag tanan sila at mag pa kalayo layo dahil hindi sila sangayon noon sa mga negosyo ng Lolo mo" Binuksan ng Daddy niya ang kabinet at may kinuhang larawan doon at ibinigay kay Bella. Naninilaw na ang larawan at medyo kupas na. Merong dalawang binatilyo doon at isang napaka gandang dalagita na nasa gitna ng mga ito at nakatingin sa isang lalaki na malaki ang pag kakahawig kay Bella. "This is you parents" turo nito sa dalagita at sa lalaking may hawig kay Bella. Nanginginig ang kamay na inabot yon ni Bella.
"Where is he? My.. My father?" Sabi nito na titig na titig sa litrato
"He died too in a car accident with your mother, Arabella" malungkot na sabi ng daddy niya
![](https://img.wattpad.com/cover/195155977-288-k860245.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...