HINDI NIYA mapigilang mapaiyak habang nakatingin sa babaeng nag lalakad papalapit sa kanya sa harap ng altar.
Tinapik tapik siya ni Gringo sa balikat. Ito ang tumayong bestman niya.
Napakaganda ni Bella sa wedding gown na suot nito. Nasa tabi nito si Gordon na siyang umaakay kay Bella papalapit sa kinaroroonan niya.
This is their second wedding. The real one. Nag decide silang mag pakasal uli. Gusto niya itong pakasalan bilang si Arabella De Luca at gusto niyang kasama sa kasal nila ang mga taong tunay na malalapit dito. Hindi kagaya nung unang kasal nila na halos hindi naman nito kilala ang mga dumalo.
Gusto niyang ikasal sila ng totoo. Walang sikreto at walang pag kukunwari.
"H-Hi" nanginginig ang boses na bati niya dito ng makalapit na ito sakanya. Nanginginig din ang kamay niya ng abutin ang kamay ni Bella na nakakapit sa braso ni Gordon. Naramdaman naman ni Bella ang panginginig ng kamay niya kaya mahigpit nitong pinisil iyon.
"Relax" anito na nakangiti sakanya. Pinahid pa nito ang luha niya.
Ngumiti ito sa kanya. Kitang kita sa magandang mukha nito ang kaligayahan, hindi katulad ng una nilang kasal na parang gusto na nitong tumakbo palayo sakanya.
Ngayon haharap sila sa altar na nag mamahalan, itatali ang mga sarili sa isat isa ng bukal sa loob nila.
"Why are you crying" natatawang anito sa kanya.
nahihiyang pinunasan niya ang mga mata.
"Dude pwede ka pang umatras wag ka ng umiyak. Kung gusto mo itatakas kita" Bulong sa kanya ni Travis. Sasagot sana siya pero pareho silang napalunok ng makarinig sila ng pag kasa ng baril mula sa mga kababata ni Bella na nakaupo sa unahang pew. "I'm just kidding, dude" mahinang bulong nito sakanya.
"Shut the fuck up will you!" galit na sita niya dito.
Natatawang hinila ito ni Ivo sa kwelyo pabalik sa pwesto nito kanina.
"Sorry dude di na naman nakainom ng gamot tong gago sige na pasakal kana este pakasal kana"
"¿Estás seguro de que quieres casarte con este bebé llorón? Mi lady?"
(Are you sure you want to marry this cry baby, My lady?)
Narinig niyang tanong ni Gordon kay Bella."Hey!" Agad niyang hinila palayo si Bella kay Gordon "Walang ganyanan." Binalingan naman niya Si Bella "Wag kang makikinig dyan baby. Eto ng ang pinaka tama sa lahat ng desisyon mo sa buhay, ang mag pakasal sakin" pangungumbinsi niya pa dito.
"Naintindihan mo yung sinabi niya?"
"Hindi. Pero alam kong sinisiraan na naman ako nyan" aniya at inirapan pa si Gordon.
"Tss!" pag susuplado sakanya ni Gordon "que coño" (what a pussy) bulong nito.
"Ano raw?" bulong niya kay Bella habang masama ang tingin kay Gordon.
"Tigilan niyo na nga yan. Halika na nag aantay na yung pari" hinila na siya nito papalapit sa altar.
Nag umpisa ang seremonya ng kasal. Maligaya siya habang sinasambit ang kanilang wedding vows. Kahit na ngongo na ang salita niya dahil sa kakapigil ng pag iyak. Ewan ba niya pero nagiging emosyonal siya habang si Bella relax na relax lang.
"You may now kiss the bride" nakangiting wika ng pari sakanila.
Humarap sila sa isat-isa.
Nanginginig ang kamay niya habang unti-unting itinataas ang belo ni Bella. Nang maiangat niya na yon ay masuyong dinama ng palad niya ang pisngi nito. "I love you.. Kahit mas lalaki kapag manapak kesa sakin. I love you and I will always do. Forever till the last breath I take" aniya dito. Nakita niyang namasa ang mga mata nito dahil sa sinabi niya. Unti unting bumaba ang labi niya sa labi ng asawa para sa unang halik nila bilang tunay na mag asawa.
Matagal ang halik na pinag saluhan nila puno ng pag mamahal at passion. Pareho silang habol hininga ng mag hiwalay ang mga labi nila. Malakas na hiyawan at kantyawan ang pumuno sa loob ng simbahan. Lahat ay masaya at nakangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Idinikit niya ang noo sa noo ni Bella "I love you Misis Arabella Villasis"
"I love you too Mister ko"
- THE END -
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Novela JuvenilA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...