Nicklaus POV
"Nag sisinungaling ka kanina" sabi niya kay Bella ng tuluyan na silang makapasok sa kwarto na ibinigay sa kanila. Pag katapos ng pag uusap kanina ay nag sabi si Bella na gusto na niyang mag pahinga. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari kanina.
Lumingon ito sa kanya
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito
"Yung tungkol sa code na sinasabi ni Dad. You know where it is, hindi ba?" kalmadong sabi niya dito. Sumandal siya sa pintuan at namulsa habang nakatingin dito.
Shock parin siya sa mga nalaman tungkol dito. Pati ang tunay na dahilan ng Daddy niya kung bakit bigla nalang siyang ipinakasal nito kay Bella kahit na alam nitong hindi maganda ang reputasyon ng mga Sta.Ana pero hindi naman nabawasan ang pag tingin na inuuukol niya dito. Natatakot lang siya para sa kaligtasan nito. Natatakot siya na may gawin itong ikapapa hamak nito. Napansin niya kaninang naalarma ito ng mabanggit ang tungkol sa code at nalamukos nito ang laylayan ng damit nito habang nanginginig.
Natigilan ito. Saglit na parang nag isip. May nakita siyang sakit na dumaan sa mga mata nito pero saglit lang at naging blangko na ang ekspresyon nito
"Do you love me?" Walang ano ano ay tanong nito
Nangunot ang noo niya sa biglang tanong nito. Umiiwas ba itong pag usapan ang tungkol sa code? Lalo tuloy lumalakas ang hinala niya na may alam ito
"Do you love me?" Mariing ulit nito
"Bakit mo ko tinatanong ng ganyan?"
Lumakad ito papalapit sa kanya at huminto ng ilang hakbang nalang ang layo sa harapan niya
"Dahil gusto kong malaman kung kanino ang loyalty mo" malamig na sabi nito
Lalong nangunot ang noo niya "What do you mean?" Naguguluhang tanong niya dito
"Ang code. Gusto yun makuha ng daddy mo. Dalawa ang posibleng dahilan, una dahil matagal ng mahigpit na kaaway ng organization na tinatag ng Lolo ko ang organization na hawak ng mga Al Capone at gusto niyang pangalagaan ang kapakanan ng organization namin. ang pangalawa personal na dahilan.."
"At ano naman ang personal na dahilan na yon?"
"Gustong mag higanti ng daddy mo dahil si Benedict Al Capone ang pumatay sa pamilya ng Daddy mo"
Hindi siya nakapag salita. Napatayo siya ng maayos. 'Another new revelation, fuck'
"Hindi ba pabor sa inyo yon? Dahil kahit personal man ang dahilan ng daddy ang organization niyo parin ang mag bebenifit non?"
Umiling iling ito "Ang organization, Oo. Pero wala akong paki alam sa kung ano man ang mapapala ng organization sa pag bagsak ng mga Al Capone katulad nalang ng walang pakialam ang Daddy mo sa kaligtasan ng kapatid ko" napakuyom ito ng kamao at nag ngalit ang bagang
"P-pero sabi ni Dad gusto niya rin na mailigtas ang kapatid mo, kasama sa plano ang pag ligtas sa kanya"
Bumuntong hininga ito saka tumalikod at nag lakad papunta sa bintana, hinawi nito ang kurtina at tumanaw doon.
"Ewan ko Nick.. Siguro nga may plano sila. Pero iba ang kutob ko. Walang duda ang katapatan ng daddy mo sa Lolo pero sa Lolo yon, Nick. hindi sa aming mag kapatid. Mas may maganda akong plano para mailigtas ang kapatid ko. At kakailanganin ko ang code na yon para makalapit kay Vaughn Al Capone"
Humigpit ang hawak nito sa kurtina. Dama niya ang determinasyon nito sa bawat salitang binitawan nito at may pakiramdam siya na kahit anong sabihin niya dito at pag pigil hinding hindi niya mababali ang desisyong nabuo na nito. Para itong hindi labing walong taon kung mag salita at mag isip.
Napapikit siya. Eto na nga ang kinatatakutan niya. Kakasabi lang ng daddy niya na isang delikadong tao ang mga Al Capone na yon pero mukhang may binabalak na iba ang asawa niya.
"Do you have a plan?" Tanong niya dito. Hindi naman niya ito mapipigilan might as well na samahan niya na lang ito sa plano nito para masiguro ang kaligtasan nito
-------
Bella's POV
Almost a week na silang nasa mansion pero kakaunti palang ang mga impormasyong nakakalap niya.
Pumayag siyang manatili dito hindi para sa kaligtasan niya kundi para kumuha ng mga sapat na impormasyon tungkol sa mga Al Capone at makakakuha lang siya non dito mismo sa mansion. Madalas siyang pumuslit sa library na nag sisilbing office ng byenan niya pati na rin sa office ni Gordon.
Ngayon nga ay alam na niya ang lokasyon ng mga Al Capone, nakakuha din siya ng blue print ng pinag kukutaan ng mga ito. Kinabisado at inaral niya ang mga iyon.
Pasimple rin siyang kumukuha ng mga impormasyon mula sa mga kasamahan sa simpleng pag tanong tanong sa mga ito.
Determinado siyang mailigtas ang kapatid ang problema niya nga lang ay si Nicklaus. Eager itong tulungan siya pero hindi naman kaya ng konsensya niya na isama ito sa panganib na susuungin niya. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama dito. Kaya inilihim niya dito ang pangangalap niya ng impormasyon dahil wala siyang balak isama ito sa plano niya.
Hindi na siya pumapasok sa school kaya kapag wala si Nicklaus at nasa school saka lang siya kumikilos.
May kumatok sa pintuan pag katapos ay bumukas iyon. Sumungaw doon si Sugar.
"Arabella.."
Napangiti siya ng makita ito.
"Kamusta kana?" Tanong niya dito. Hindi na rin ito pumapasok. Na pag alaman niya na ito pala ang inutusan para bantayan siya sa university. Hindi talaga ito Pol sci student cover up lag nito yon para mapalapit sa kanya
Ngumiti din ito saka pumasok sa kwarto niya
"Ayus naman, daplis lang naman ang tama ko. Pinapatawag ka nga pala ni Gordon sa opisina niya"
Nawala ang ngiti niya. Bahagya siyang kinabahan pero hindi niya pinahalata dito.
Nginitian niya uli ito "Pupunta na'ko"
Tumango ito saka lumabas na.
Nabahala naman siya. Hindi niya maiwasang kabahan baka mamaya nakakatunog na si Gordon sa mga lihim na pag puslit niya sa opisina nito.
'Fuck'
Inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng kwarto at tinungo ang opisina ni Gordon sa third floor.
Nang marating ang pintuan ng opisina nito ay kumatok siyanng tatlong beses saka pinihit anhmg doot knob
Nakita niya si Gordon na may mga files na binabasa, nag angat ito ng ulo ng maramdaman ang pag pasok niya. Tinanggal nito ang salamin sa mata at ngumiti sa kanya
"Come in, take a seat" magiliw na sabi nito sa kanya
Nag lakad siya papasok saka naupo sa harap ng lamesa nito
"Pinatawag mo daw ako?" Tanong niya dito
Tumango tango ito pero hindi sumagot. Binuksan nito ang laptop at may pinindot doon pag katapos ay iniikot paharap sa kanya.
Pakiramdam niya ay na drained ang dugo niya sa nakita sa monitor. Napamura siya ng lihim.
Isa iyong cctv footage kuha iyon dito mismo sa opisina nito at naroon siya na tila may hinahanap
Pi-nost nito ang video saka ipinatong ang dalawang siko sa lamesa nito at nangalumbaba. Naka smirk ito at pinaningkitan siyang mata. Hindi naman ito mukhang galit. Para pa itong na tutuwa sa kanya.
Napakagat labi siya. Buko na siya. Pero hindi niya mantindihan kung bait parang hindi naman ito galit sa kanya?
"Care to explain why are you sneaking here in my office, hmm?"
Inirapan niya ito. Nag cross leg siya ay humalukipkip.
"Im looking for the code" nag kibit balikat siya at nginitian ito
Tumawa ito " In my office? At bakit mo hahanapin ang sarili mo?" Nawala ang ngiti nya sa sinabi nito
"W-what d-do you mean?"
"You cant fool me Arabella, i know Katharina is just a dummy because the real code is you Mi lady"
Napatiim bagang siya.
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Ficção AdolescenteA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...