Bella's POV
Nakatitig siya ngayon sa lalaking papalapit sa kinatatayuan niya puno ng pangungulila ang mga mata. Napapikit siya ng haplusin nito ang kanyang pisngi. hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya
Naramdaman niyang pinapahid ng isang kamay nito ang mga luha na kumawala sa mga mata niya
Niyakap siya nito at naramdaman niya ang maliliit na halik nito sa ulo niya. parang dam na nabuksan ang mga emosyong pilit nyang pinipigilang umalpas pero ng maramdaman ang init ng katawan nito ang masuyong haplos nito ang mga maliliit na halik nito sa ulo niya. Pakiramdam niya nag karoon siya ng karamay. Isinubsob niya Ang mukha sa dibdib nito at doon umiyak ng umiyak
"Ssssh.." pag aalo nito
Masarap sa pakiramdam ang init na nag mumula dito kaya mas hinigpitan niya pa ang yakap dito
"Im tired.. uwi na tayo please.." bulong niya sa lalaki
marahan itong tumango saka siya hinalikan sa noo. He carefully carried her bridal style, she put her arms around his neck and burried her face on him. It was heaven for her to be close like this to him. Unti unti inagaw na ng antok Ang kanyang diwa dahil sa sobrang pagod ng nag daang araw
Halos walong oras siyang bumyahe papunta ng Quezon mula Batangas kung saan naroon ang lumang bahay nila kung saan siya nakatira dati kasama Ang kapatid at ina bago ang pag kidnap sa kanilang mag kapatid. nag lagi siya ng ilang oras don nakatanaw lang mula sa malayo bago siya nag balak bumalik ng manila kaya ang katawan siya halos manhid na sa ginawang pag biyahe
Nicklaus POV
'Where have you been?'
Gusto ko siyang gisingin at tanungin pero parang natutunaw ang puso ko habang tinititigan ang maamo nitong muka
Halata ang pagod nito dahil Hindi man lang ito nagising ng isakay ko siya sa kotse at kahit ng makarating kame dito sa bahay. San kaya ito nag punta at ano kaya ang nangyari dito bakit ito umiiyak kanina. Napabuntong hininga nalang ako masasagot lang ang lahat ng tanong ko kapag nakausap ko na ito.
Tumunog ang cellphone ko at kaya agad ko iyong dinukot sa bulsa at sinagot habang ang mga mata ay nakatingin parin sa asawang mahimbing na natutulog
"May nalaman kana ba?"
"Yes sir, after mag punta ni Mrs.Villasis sa office ni Gov.Sta.ana dumeretso ito sa isang five star hotel at kinatagpo niya ron si Mr.Hipolito na isang businessman that own a shipping line." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at napatiim bagang pero nanatili parin akong tahimik at nakinig "labing limang minuto pag katapos pumasok ni Mrs.Villasis sa suite ni Mr.Hipolito lumabas ito na nag mamadali at parang may iniinda sa leeg niya. Nakita naman ng isang bellboy si Mr.Hipolito na walang malay sa sahig at duguan ang ulo."
"How about Sugar Jimenez?" Tanong niya dito gusto ko sanang itanong kung bakit kailangan makipag kita ng asawa sa isang Mr.Hipolito sa isang hotel? Hindi kaya may kinalaman ang daddy nito?
"I'm sorry sir, pero we don't find anything about her"
"What do you mean?" Takang tanong ko dito
"Bukod sa Westwood siya nag aaral at kung saan siya nakatira sa ngayon ay wala na kaming ibang nalaman sakanya. Wala siya sa database ng kahit anong ahensya ng gobyerno dito sa pilipinas even a bank account sir"
"What the fuck are to taking about?!" Hindi niya napigilan ang mapataas ang boses anong kalookohan ang pinag sasabi nito. Nakapag enroll ito sa Westwood at syempre mag papasa itong- "Nag enroll siya sa Westwood for sure hihingan siya ng mga requirements and verification?"
"She does't submit anything sir. Wala siyang records na ipinasa even her last class card in her previous school ay wala. We still don't know Kung pano siya pinayagang makapasok sa Westwood. Pati kame nag tataka"
Mas lalo akong naguluhan sa mga nalaman kilalang skwelahan ang Westwood mga galing sa prominent family ang nag aaral doon kaya mahigpit ang skwelahan sa pag tanggap ng mga enrollees. Tinapos na ko ang tawag sa kausap ko saka tinignan uli ang asawa ko.
'This is so complicated than I though. Marami kang ipaliliwanag sakin Bella at si Sugar alam kaya ni Bella kung Sino talaga ito?'
Naisip kong hindi malayong alam ng asawa ko kung sino talaga si Sugar dahil close silang dalawa
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...