CHAPTER 46

3.5K 80 0
                                    

Bella's POV

"P-Pero.. P-paanong.." Naguguluhang tanong niya. Ni minsan ay hindi nila naka piling ang ama nila. Wala rin binabanggit ang mommy niya tungkol dito.

"Lingid sa kaalaman niyo lihim kayong sinusubaybayan ng daddy mo Arabella. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit nag ka ganoon ang relasyon ng mommy at daddy mo pero isa lang ang masisiguro ko sayo hija mahal na mahal kayo ng daddy mo saksi ako sa bagay na yon"

Napapikit siya. Masakit na malamang kahit kailan ay hindi na niya makikilala ang ama pero masaya siya na malaman na mahal sila nito na kahit hindi nila ito nakasama ay nanatiling naka bantay parin ito sa kanila. Napaka laking bagay na para sa kanya ang nalaman niyang minahal sila ng hindi nakikilalang ama. May bahagi ng pagkatao niya ang nabuo. May kulang na napunan dahil sa nalaman niya. muli tinitigan niya ang lumang larawang hawak niya. Hinaplos niya iyon at inilapit sa labi niya saka masuyong hinalikan.

Dinala niya iyon sa dibdib niya. Kinagat niya ang labi para napigilan ang mapabulalas ng iyak. Ni hindi man lang niya nakasama kahit isang saglit ang ama. Buong buhay niya nag karoon siya ng malalim na hinampo para sa hindi nakilalang ama. Akala niya noon inabandona lang sila nito. Pero sa kaalamang binantayan sila nito lingid sa kanilang kaalaman ay sapat na para mawala ang pag tatampo niya. Marahil ay may malalim itong dahilan.

Pilit niyang hinamig ang sarili. Humiwalay siya sa pag kakayakap kay Nicklaus at pinunasan ang mga luha

"Okay ka lang?" Masuyong tanong nito sa kanya

Tiningala niya ito at binigyan ng ngiti sabay tango. Bumaling uli siya sa byenan marami pa siyang gustong malaman at kailangan niyang kalmahin ang sarili

"Kilala niyo na ba ako bago pa man kami ikasal ni Nicklaus?" Tanong niya dito.

Naramdaman niyang natigilan si Nicklaus. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya na pinisil din naman niya. Assuring him na okay lang ang lahat

Marahang tumango si Mr.Villasis

"Nang gabing sumugod kami sa pinag dalhan sa inyo six years ago para iligtas ang lahat ng batang dinakip ni Al Capone kayong dalawa ni Katharina ang hindi namin makita noon. Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang anonymous caller at sinabi kung saan ka matatagpuan ng gabi na yon, agad akong pumunta sa lokasyon pero bago pa man kita malapitan hinintuan kana ng sasakyan na nasa unahan ko. Bumaba don ang mag asawang Sta.Ana at tinulungan ka. Mula non sinubaybayan kita at nag desisyon ako na hayaan ka muna sa poder ng mga Sta.Ana dahil walang nakakaalam na sila ang nakakuha sayo ng gabi na yon, mas magiging ligtas ka kung walang makakaalam kung nasaan ka. Pero nag kamali ako" nag tagis ang bagang nito "nalaman ko na idinadawit ka ni Gov.Sta.Ana sa mga illegal niyang gawain. Hindi ko magawang basta ka nalang lapitan at kuhanin kaya naman na pag pasyahan kong ipakasal ka sa nag iisa kong anak upang mailayo ka kay Sta.Ana" tumingin ito kay Nicklaus

Napa tango-tango naman siya. Kaya pala tinulungan ng mga Villasis ang campaign ng Daddy niya kahit wala naman halos nakuhang kapalit mula sa mga Sta.Ana.

"How about my sister? Do you know where she is? Nahanap niyo ba siya? Noong gabing iyon kinuha siya nung Vaughn--"

"Hanggang ngayon hija nasa poder parin siya ni Vaughn" bumuntong hininga ito "Si Vaughn Simoune Al Capone ay bunsong anak ni Benedict Al Capone. Obsessed si Vaughn sa kapatid mo. Na sa tingin ko ay ikinabuti naman"

Napamaang siya sa sinabi nito panong ikinabuti ng kapatid niya ang paggiging obsess dito ng Vaughn na yon?

Mukang nabasa nito ang nasa isip niya kaya nag patuloy ito sa pag papaliwanag

----

"DAHIL SA obsession ni Vaughn kay Katharina kaya buhay pa siya hanggang ngayon kahit nalaman na nila na hoax ang code na nakalagay sa katawan ni Katharina"

Napa deretso siya ng upo ng marinig ang sinabi nito. Ang code na sinasabi nito ay ang maliit na isang tangkay na sunflower na nasa tagiliran ng kapatid niya. Ang bawat talulot ng sunflower ay may naka tagong numbers na makikita mo lang kapag sinuri ng isang eksperto

"Kung si Benedict ang masusunod baka matagal ng pinapatay si Katharina pero Katharina is untouchable because of Vaughn. No one can harm her without being killed after. Natatakot sila kay Vaughn dahil kilala siya bilang isang malupit at walang pusong bunsong anak ni Benedict Al Capone ang isa sa malulupit at halang na mafioso sa russia, miski si Benedict ay takot sa sariling anak" napailing pa ito "Pero ng dahil don nakita iyon ng ibang kapatid ni Vaughn bilang kahinaan niya kaya naman ang tinatarget nila ngayon ay si Katharina. Wala sakanya ang code kaya wala na siyang silbi sa mga Al Capone at ang tanging halaga niya nalang ay siya ang kahinaan ni Vaughn"

"Bakit marami kayong nalalaman mula kay Vaughn?" Tanong niya dito

"We have a mole inside the Al Capone" sagot nito

"Gusto kong makita uli ang kapatid ko" naiusal niya

"Yun din ang gusto ko Arabella. Gusto kong mailigtas ang kapatid mo dahil paniguradong nanganganib ang buhay niya sa poder ng mga Al Capone. But first we need find the code. Yun ang susi para tuluyang mapabagsak ang mga Al Capone" matiim ang pag kakatingin nito sa kanya

"Wala sakin ang code" tumitig din siya sa mga mata nito ng deretso

Bumuntong hininga ito pag katapos ay umayos ng pag kakaupo. Nakatingin ito sa kanya na tila hindi kumbinsido sa sinabi niya. Alam niya na naiisip nito na nasa kanya ang code o sa kanya itinatak. Pero mainis ang katawan niya wala siya ni isang tatoo, miski ang simbolo ng samahan nila ay hindi siya pinalagyan ng Lolo niya.

Alam niya kung para saan ang code na yon at hindi papayag na mapunta dito ang code dahil hindi ang kapatid niya ang priority nito. Siya ang gagawa ng paraan para mailigtas ang kapatid niya. Gagamitin niya ang code na hinahanap ng mga ito.

"Kung ganon kailangan nating alamin kung nasaan ang code. Handa kabang tumulong sa pag hahanap Arabella?" Pag kuwan ay sabi nito

Tumango siya "Of course"

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon