Nicklaus POV
Nagising sya mula sa maliliit na halik na pumapatak sa mukha nya. Pinilit nyang minulat ang mga mata pero agad din napapikit dahil sa biglang pag sakit ng ulo nya kaya sinubsob nya uli ang ulo sa unan.
'De javu'
Feeling niya parang nangyari na sa kanya ang ganito.
"Gising na.." Malambing na bulong sa kanya ng pamilyar na Bose's ng Babae
Unti unti niyang iminulat ang mata. Nasilaw siya sa liwanag na namulatan niya kaya napapikit siya. Kumurap kurap siya hanggang sa masanay sa liwanag ang mga mata. Unang nakita niya ay puting kisame. Inilibit niya ang mga mata hanggang dumako ang mga mata niya sa napakagandang mukha ng babaeng bumihag sa puso niya.
Nakangiti ito sa kanya habang hawak ang mga kamay niya na hinahalik halikan nito.
"M-Misis ko.." Paos ang tinig na tawag niya dito. Napangiti siya pero agad iyong nauwi sa ngiwi ng mabanat ang labi niya.
Sa likuran nito ay ang mommy at daddy niya na nakangiti din sa kanya at sa kabilang parte naman ng kama malapit sa paanan niya ay nandoon ang mga kaibigan niya at ang pinsang si Jacob
"Patay na ba ko?" Tanong ko kay Bella na agad na sumimangot. Nag tawanan ang mga kaibigan niya
"Dude hindi ka pa patay pero lumpo kana" ani Travis saka tinusok tusok ang binti niya "see walang response"
Nanlaki ang mga mata niya dahil wala nga siyang maramdaman sa paa niya kung saan tinusok tusok nito gamit ang dulo ng susi ng kotse nito.
"Balita ko pati si junior mo baldado na rin" dagdag pa nito.
"What?!" Halos lumawit na ang litid niya sa pag sigaw, hindi na niya inalintana ang biglang pag kirot din ng labi at lalamunan niya.
"Ang mabuti pa lumabas na muna tayo at iwanan muna natin silang mag asawa na mag usap!" Ani ng daddy niya.
Nag si labasan nga ang mga ito.
Naiwan sila ni Bella sa loob ng kwarto.
"Is it true?!" Tanong niya dito.
Pinandilatan siya nito ng mata "Of course not! Naniwala ka naman sa kaibigan mong baliw"
"Hindi nga?" Duda parin siya. Alam niya namang mahilig manloko si Travis pero hindi parin niya maiwasang kabahan lalo na at ang kaligayahan niya ang nakataya
Hindi ito nag salita naramdaman niya na lang ang kamay nito na humihimas sa pag kalalaki niya na agad namang nag react.
"See?" Sabi nito. Napakagat labi siya at Napa tango tango. Kumbinsido na siya. Tumigas ng mahimas eh!
"Kaya naman walang maramdaman ang binti mo dahil sa anesthesia" paliwanag pa nito
"Ah I see"
Natahimik sila pareho.
"I'm sorry" sabi niya pag kuwan
"Para saan?"
"Dahil sa kin nasira ang Plano mo. Dahil sakin kaya naiwan ang kapatid mo--"
"Ok lang.. Hindi pa siguro ito ang panahon para mag kasama kami.." Napayuko ito at ginaganap ang kamay niya "Wag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari. May choice ako ng mga oras na yon at ikaw ang pinili ko. Pinili kong iligtas ka dahil mas hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sayo" hinimas nito ang pisngi niya "mahal na mahal kita at kahit maulit man ang nangyari walang pag dadalawang isip na ikaw ang pipiliin ko"
Parang lumobo naman ang puso niya dahil sa sinabi nito. kinabig niya ito at hinalikan.
"I love you Misis ko.." buing pag mamahal na sabi niya dito.
Nangilid ang luha ni Bella at kinagat nito ang ibabang labi. "I love you too.."
Tinawid nito ang pagitan nila at hinalikan siya sa mga labi. Mga labing kahit kailan hindi niya pag sasawaang hagkan.
Sa mga oras na ito ipinapangako niya na ang labi lang ng asawa niya ang huling mga labing titikman niya. Dahil siya.. Si Nicklaus Royce Villasis is now signing off as fuckboy.
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Novela JuvenilA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...