CHAPTER 39

3.7K 91 3
                                    

CHAPTER 39

HINDI na ko pumayag na ihatid pa ko ni Nicklaus hanggang sa room, dahil alam ko na malalate na ito dahil may kalayuan ang building ng Pol. sci sa building nila.

Hindi pa sana ito papayag kanina kung hindi ko lang ito pinangakuan na sabay kaming mag lulunch. Para itong bata kanina na nag nining-ning ang mga mata dahil pinangakuan na bibilhan ng laruan. Nicklaus is very adorable and charming. Para siyang bata na laging uhaw sa atensyon. Kung iba siguro ito ay maiinis ako. Pero imbis na mainis ay parang natutuwa pa ako pag nakikita ko siyang nag popout at nag pupuppy eyes. He look so fucking idiot but i like it, i love everything he does. Napailing nalang ako na napapangiti.

This is not me. The usual me. Binalutan ko ng pader ang puso ko pero unti unti yong tinibag ni Nicklaus.  Oh well i think love can change you a lot when it hit you, and it hits me hard.

Paliko na ko sa isang pasilyo ng napatigil ako sa pag lalakad ng makita ko si Sugar. Tatawagin ko sana siya ng may isang matangkad na lalaki naka Janitor's uniform na humila sakanya. Bigla akong kinabahan dahil baka may kung anong gawin iyon kay Sugar, Kaya walang pag dadalawang isip na sinundan ko sila. Huminto sila sa pinakasulok na bahagi malapit nasa stockroom ng mga janitor. Hindi ako agad na lumapit, nag kubli muna ko para mag obserba. Nakatalikod Ang lalaki pero hindi ko makita ang itsura. Malapad ang katawan at hindi mukang janitor ang tindig, mas muka itong modelo kahit nakatalikod.

Out of curiosity nakinig ako sa pinag uusapan nila.

"What do you mean you didn't see her?" Narinig kong sabi nong lalaki. Nag taka ako dahil para sa isang Janitor masyadong fluent ito sa English "where the hell have you been this past fucking few days?"

"Im sorry. Im sure papasok ngayong araw si Bella"

"Then.where.is.she?!" mariing tanong ng lalaki "Your job is to fucking watch her and put the goddamn tracking device on her phone! But it seems that you can't do a simple job!" The man growl to Sugar. Sugar just bowed her head but not even flinch to the sudden outburst of the man. I'm stunned to what I heard. They want to put a tracker on my phone and seems they watch me from afar. But why? Why they want to know where the fuck I am? What they need from me? "Do your job or i let others to do it"

Mabilis akong nag tago ng mag palinga linga ang lalaki. May narinig akong mga yabag papalapit sakin. Lalo pa kong nag sumiksik sa kinakukublian ko. Dahan dahan akong yumuko para abutin ang binti ko para kunin ang swiss knife na nakatago roon. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili. Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumagpas lang sakin ang lalaki. Hindi ko nakita ang muka nito dahil nakayuko ito at itinatago ng black cap na suot nito ang mukha nito. Maya maya pa si Sugar naman ang lumabas.

Nang patapat ito sakin ay mabilis ko siyang hinaklit at itinulak papasok sa pinto na kinakukublian ko kanina. Isa pala itong stockroom madilim at maalikabok ang paligid. Isinalya ko siya sa pader at mabilis na itinutok ang kutsilyo sa leeg niya.

"Who are you!" Matigas at mapanganib kong tanong sakanya. Nanlaki naman ang mga mata nito. Nakita ko ang takot na dumaan sa mga mata nito pero daglit lang at naging blangko iyon

"Let me explain Arabella.."

Parang huminto ang tibok ng puso ko sa itinawag niya sakin. Walang ibang nakakaalam ng tunay kong pangalan kahit ang mag asawang Sta.Ana maliban nalang kung...

"Y-you k-know m-me?" Nanginginig ang kamay na nabitawan ko ang swiss knife at umatras palayo sakanya

"Por supuesto" (Of course)  sagot nito nawala na ang inosenteng Sugar na naging kaibigan ko. All of a sudden naging ibang tao ang kaharap ko.

"¿quién eres tú?" (Who are you?)

Hindi ito sumagot bagkus ay inililis ang damit niya at tumagilid sakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sa tagiliran nito ang tatoo na triangle at sa ibaba ng triangle ay may barcode. Napamaang ako dito. Hindi makapaniwala sa nakikita. Ang tattoo na yon ay simbolo ng Triad at Ang barcode sa baba mo malalaman Kung anong grupo o organization ka nabibilang

"Hindi ko dapat pinapakita sayo to pero mukang kailangan mo ng malaman ang totoo" ibinababa na nito ang damit at humarap na uli sakanya. Seryoso ang muka nito "Pero Hindi tayo dapat dito mag usap. Sumama ka sakin sa  Arabella" hinawakan nito ang mga kamay ko. Nakikiusap ang mga mata nito.

Pinilit kong i-compose ang sarili ko. Hindi ako dapat pangunahan ng emosyon ko. Iwinaksi ko ang kamay niya na nakahawak sakin. Nakita ko ang sakit na bumalatay sakanya

"How can i trust you?"

"Dahil hindi kita ipapahamak" seryosong sabi nito

"Pano ko nakakasiguro? You deceit me all this time" hindi ko maiwas ang pait sa boses ko

Lumambot ang ekpresyon nito at bumuntong hininga

"Pano ko ipapahamak ang taong nag ligtas sa buhay ko? Ang unang taong nag tiwala sakin at itinuring akong kaibigan?"

Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya. Do i know her? Isa rin ba siya sa mga--

"Isa ko sa mga recruit ng Lolo mo mula sa lansangan" mapait itong ngumiti "Hindi mo na ba natatandaan? Iniligtas mo ko ng minsan mapadaan kayo ng Lolo mo sa pier at makita ako na binubugbog ng mga batang pier. Bumaba ka sa kotse at pinaalis ang mga batang gumugulpi sakin. Kinupkop niyo din ako at kalaunan ni recruit ng Lolo mo. Sa tanang buhay ko ikaw lang ang nag turing saking kaibigan" pumatak ang mga luha nito. May dinukot ito sa neckline ng blouse nito at inilabas ang kwintas na may pendant ng isang star na may diamont sa gitna

Napasinghap ako. Yun ang kwintas na regalo sakin ni mommy. Natatandaan ko yon dahil lagi ko iyong soot noon. Naalala ko na. Ibinigay ko iyon sa isang bata na kaidad ko rin pero mas payat at mas maliit sakin..

"Chantal.." Bigla nalang nanulas sa labi ko

Lumuluhang napangiti si Sugar or Chantal. Lumapit ito at mahigpit akong niyakap.

"Ako nga.. Arabella ako nga ito, si Chantal.."

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon