CHAPTER 33

3.9K 82 4
                                    

CHAPTER 33

Nicklaus POV

"Saan mo gustong mag dinner? May alam-"

"SHUT UP!" mariing sabi ni Bella nakahalukipkip ito at nakapikit habang nakasandal sa passenger seat. Napabuntong hininga ako. Mukang galit parin ito kahit na ipinaliwanag ko na sakanya ang totoong nangyari.

Hindi ko naman alam na ganon ang gagawin nila Gringo. Kanina ng ikwento ko kina Gringo ang nangyari samin ni Bella. Kung pano ako nito tinalikuran ng sabihin kong mahal ko siya. Tinapik ni Gringo ang balikat ko at sinabing baka confuse lang daw si Bella at siya na ang bahalang gumawa ng paraan para mapaamin ito. May tinawagan ito kanina. After 10mins dumating ang isang bodyguard nito na may dalang Milkshake. Pinapainom niya sakin yon na tinangihan ko naman pero pinilit ako nito nangako pa na yun daw ang magiging solusyon sa problema ko at dahil desperado ako nag pauto ako. Nahilo ako matapos kong kalahatiin yon at nawalan ng malay. Dinala nila ko sa hospital at pinalabas na may taning na ang buhay ko. Mukha naman effective dahil hindi man sinabi ni Bella na mahal niya ko ng direkta sa ikinilos niya kanina walang duda na may pag mamahal din siya sakin.

Ang problema ko lang ngayon kung pano mapapaamo si Bella dahil mukang galit talaga ito.

Napahawak ako sa kaliwang mata ko kung saan ako tinamaan ng sapak ni Bella medyo makirot yon. Tumingin ako sa reviewing mirror. Nag uumpisa ng magitim ang gilid ng mata ko. Muka akong battered husband.

Narinig kong bumuntong hininga si Bella "Itabi mo dyan sa drug store" sabi nito. Kahit nag tataka sinunod ko ang gusto niya. "Dito ka nalang may bibilhin ako" wala na kong nagawa ng mabilis na itong nag bumababa at nag lakad papasok sa drug store. Ilang minuto pa lumabas ito na may dalang maliit na plastic bag. Pumasok na ito sa passenger seat. Inabot niya sakin ang isang advil at mineral bottle. "Inumin mo yan" sinunod ko ang sinabi nito

"Thanks" nakangiti kong sabi sakanya. Humarap ito sakin. Namamasa ang mata nito. Parang may sumuntok sa dibdib ko ng makitang namamasa ang mata nito. "Im sorry.. Im sorry.." Hinapit ko siya sa bewang at niyakap. Hindi ko makayang tignan na umiiyak siya dahil sa kalokohan ko.

"Mahal kita"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko o imahinasyon ko lang.

"Mahal kita Nicklaus" ulit nito. Lumayo ito sakin pero sapat lang para mag kaharap ang mga mukha namin "Im sorry kung kailangan mo pang gumawa ng ganito para lang marealize ko na hindi ko kakayaning mawala ka sakin. Hindi ko kakayaning bitawan at talikuran ka. dahil kanina ng sabihin nilang may sakit ka at may taning na ang buhay na after a month tuluyan ka ng mawawala, nalaman ko na hindi ko kakayanin. Na mas mabuti pang mamatay nalang din ako kasama mo kesa mag patuloy na wala ka. Mahal kita. Mahal na mahal at hindi ko na kayang pigilan na hindi ka mahalin. Para kang hangin na kapag sinubukan kong hindi papasukin sa systema ko unti unti akong mamatay-"

Hinalikan ko siya. Masuyo. Gusto kong malaman niya kung gano ko kasaya na mahal niya ko sa pamamagitan ng halik ko. Para kong nasa ulap ngayon. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang saya. Mahal niya ko at hindi niya ko kayang mawala sakanya. God napaka buti ko siguro nong fast life ko para swertehin ng ganito.  Habol namin ang pag hinga ng mag hiwalay ang mga labi namin

"God Bella. I love you. I love you more than i love my ferrari" sabi ko sakanya habang hinahalik halikan ang labi nito

"Did you just compare me to your car?" Nilayo nito ang muka ko sakanya at pinigilang halikan siya.

"Im just kidding" natatawang sabi ko. Kinurot nito ang tagiliran ko.

"Dont do that again. Wag mo na kong tatakutin ng ganon. Alam mo bang gusto kong sunugin ang hospital na yon kanina?" Naniningkit ang mata nito. " don't messed up to me again" nanggigil na kinagat nito ang ibabang labi ko. Masakit pero nakaramdam ako ng pag iinit sa katawan ko. Fuck i want to make love to her right now, right here.

"Uwi na tayo?" Paos na sabi ko sakanya. Hinalikan ko ang leeg niya para ipahiwatig ang gusto kong gawin sakanya pag nakauwi na kame ng bahay.

"Kain tayo. Gutom na ko" namumula ang pisngi nito and she look so fucking divine.

Natatawang lumayo na ko sakanya dahil baka di ako makapag pigil.

"Anong gusto ng Misis ko?"

"Mmm pasta" parang batang sabi nito

"Ok.. I know the best italian restaurant that serves great pasta ever!" Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi

Pinaandar ko na ang sasakyan ko habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela at ang isa naman ay nakahawak sa kamay niya.

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon