CHAPTER 16

4.4K 101 2
                                    

Bella's POV

Dumiretso sila ni Sugar sa restroom napansin niya si Sugar na kanina pa tingin ng tingin sa kanya na parang gustong magtanong. Ipinag kibit niya na lang ito ng balikat dahil wala siya sa mood para mag kwento humarap siya salamin para ayusin ang sarili.

Hinubad niya ang jacket niya at nag pasalamat na hindi naman nabasa ang black sleeveless top niya na naka tack in sa black din na high waist na pantalon. Pinag pag niya ang jacket niya saka itinali sa bewang niya. Inabutan naman siya ni Sugar ng bimpo

"Thanks" tipid na ngitian niya lang ito.

"Ahhm.." sabi nito tinignan niya ito sa salamin.

"He's my husband" sabi niya.

"Ha..?" Takang tanong nito.

"Yung lalaking unang lumapit asawa ko siya at mga barkada niya yung mga kasama niya" sabi pa niya habang kinuha ang suklay sa backpack niya at sinuklay ang buhok na nabasa din kanina.

Hinarap niya ito na hindi parin umiimik. "Can we keep that as a secret?" Nakangiting sabi niya dito.

Ngumiti naman itong tumango sakanya sabay hagod ng tingin sa kabuuan niya.

"Ang ganda mo" humahangang sabi nito.

"I know" natatawang sabi niya saka inaya na itong lumabas para pumunta sa building nila.

Nagulat siya ng pag labas nila ng pinto ng CR makita don na nakatayo ang asawa na may hawak na Varsity jacket sa kamay.


Nicklaus POV

Pag kaalis ng asawa niya sa canteen dumeretso sya sa tambayan para kunin ang varsity jacket niya saka hinanap ang asawa para ibigay ang jacket dahil alam niyang wala itong pamalit.

Pumunta siya sa CR na malapit sa canteen nag babakasaling andon pa ang asawa at inantay na don ang asawa kahit di sigurado kung nandoon pa ito.

Napatingin siya ng bumukas ang pinto ng restroom at lumabas don ang asawa. Para naman huminto ang oras ng makita niya ito 'ruggedly and beautiful '

Lalong lumitaw ang kaputian nito sa suot, at ang dibdib nito na parang tinatawag siya tumingin siya sa muka nito ang natural na mapupulang labi nito matangos na ilong at ang mga mata nitong parang laging nang aakit brown na brown ang mata nito na una mong mahahalata kapag tinitigan dahil lalong napapansin sa kaputian nito idagdag pa ang itim na itim na buhok nito

Literal na dyosa amputa! Para namang sumikip ang harapan ng pantalon niya 'fuck'

Napansin niya rin na may mga lalaking napaptigil at napapatunganga sa asawa niya na nag painit sa ulo niya kaya nilapitan niya ito at inilahad dito ang jacket niya.

"Oh" nakaismid na sabi niya naiinis siya dahil nakakaramdam siya ng galit sa mga lalaking tumitingin dito parang gusto niyang isa isahin dukutin ang mga mata at mas nakakainis pa dahil parang hindi aware ang babae sa taglay nitong ganda.

Tinaasan lang siya nito ng kilay at saka nag palinga linga sa paligid. Imbis na abutin ang jacket hinigit nito ang kamay niya saka binalingan ang kasama nito.

"Sugar, mauna kana mag uusap lang kame!"

Hinila na siya nito papasok sa cr ng mga babae pag ka lock ng pinto ay agad siya nitong hinarap.

"What's wrong with you!" Gigil na sabi nito.

Napakunot naman ang noo niya. Ano bang pinag sasabi neto? Bakit parang galit pa ito eh nag mamalasakit lang naman siya. Dapat nga mag pasalamat pa ito dahil inaalala niya pa ito.

"What?" Inis na sabi niya "masama bang pahiramin ng masusuot ang asawa ko?!"

"Hiningi ko ba ang tulong mo?" Nanlilisik ang mata na sabi nito pulang pula na rin ang muka nito na lalo lang nag paganda dito 'tangina mo Nicklaus tinatarayan kana nagagandahan ka parin?' Bulong ng isip niya napalunok siya sa naisip. "At pano natin ililihim ang kasal natin kung lapit ka ng lapit sakin?" Dagdag pa nito.

"Fine! Hindi na kita lalapitan!" Inis narin na sabi niya. "Just wear this fucking jacket!" Sigaw niya dito sabay bigay dito ng jacket niya at dumeretso na sa pinto "Wag kang pakalat kalat na ganyan ang itsura mo kung ayaw mong lapitan kita!" May pag babanta na sabi ko dito saka tuluyang umalis di ko ba ito inantay na mag salita pa.

"Kingina 'nong problema niya?" Sa inis sinipa ko ang trash bin na malapit sa CR saka umalis.

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon