CHAPTER 29

4.4K 97 4
                                    

Bella's POV

"I love you Bella... I love you Misis ko.."

Dama ko ang sensiridad sa bawat salitang binitiwan nito. Para akong malulunod sa mga mata nitong puno ng pag mamahal na nakatingin sakin.

Puno ng pag mamahal

Pag mamahal

Mahal niya ko..

Natigilan ako

Dahan dahan akong bumitaw sakanya

Humakbang paatras

Bumadha ang pag tataka sa gwapong mukha nito. Akma niya akong hahawakan sa kamay pero umiwas ako

"What's wrong?" Puno ng pag aalalang tanong nito. Yung malapad na ngiti nito napalitan na ng pangungunot ng noo

Hindi ako makaimik, Hindi ko kayang salubungin ang mga nag tatanong niyang mata.

"M-mauuna na k-ko"

Nagulat pa ko ng magawa kong mag salita sakanya. Mabilis na akong tumalikod. Pero bago pa man ako makahakbang pinigilan na niya ang kamay ko.

"Hey.. may nasabi ba kong masama?"

"Wala"

"Wala pala bakit ganyan ka? May problem ba?"

"Usap nalang tayo mamaya" hinila ko Ang kamay ko pero hinigpitan niya lang lalo ang hawak doon. Nilingon ko ito at nginitian kahit alam kong hindi umabot sa mga mata ko ang ngiti na yon. "Sabay tayong mag lunch mamaya" lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Pero hindi nag salita. Sinamantala ko iyon. Hindi ko na ito inantay na makasagot at mabilis na hinilang muli ang kamay ko saka tumalikod na.

Nicklaus POV

Naiwan akong parang tanga na nakahabol lang ng tingin sakanya. Naguguluhan ako sa mga inaakto niya. Kanina lang ok kame. Halos parang sumabog nga ang puso ko kanina ng ito unang humalik sakin. Tapos bigla bigla naging mailap nanaman ito. Bigla nalang nag bago ang mood. Naiinis ako. Dahil feeling ko pinag lalaruan niya lang ako. Pinaasa. At ako naman gagong umaasa. Hindi lang ako umaasa kundi naniniwala, naniniwalang may pag tingin na rin ito sakin na kahit papano nagagawa niya na kong mahalin kahit kaunti.

Bumalik ako sa realidad ng may umakbay sakin.

"Yo Nick! Zap bro?" - si Travis

Ang laki ng pag kakangisi. Tinignan niya lang ito saka ibinalik uli ang tingin kung saan lumalakad kanina ang asawa. Wala na ito siguro ay nakaliko na.

"Anong mukha yan dude? Para kang na bankrupt!" Natatawang kantyaw nito sakin

Napabuntong hininga na lang ako. Wala ako sa mood para makipag kamustahan o makipag biruan. Inalis ko ang kamay na nakaakbay sakin.

Pero sinundan parin ako nito. Tinatanong kung bakit daw ako malungkot at kung ano ano pa. Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko kahit anong gawin ko hindi ito mananahimik ng walang nakukuhang sagot, at wala akong planong sagutin kaya pinabayaan ko nalang hanggang makarating kame sa tambayan.

Napahinto kameng dalawa sa pintuan. Nakita namin si Gringo nakaupo sa couch nakataas Ang isang kamay hawak ang iPhone niya habang ang isang kamay may hawak na Milktea? Pinalobo nito ang pisngi, ipinikit ang isang mata parang kumikindat sa camera ng iPhone nito.

Napabunghalit kame ng tawa ni Travis na ikinagulat nito. Nanlalaki ang mga mata na napalingon samin. Naupo kame sa tapat ng kinauupuan nito tawa parin ng tawa

"What was that?" -ako

"You look sooo fucking idiot!" -Travis

"Mind your own fucking business!" galit na sigaw nito saamin. Halatang pikon na dahil namumula na ang leeg nito. Tinawanan lang uli namin siya

Hindi ako maka move on sa nakita kong itsura nito kanina ang layo non sa image nitong badboy at richie rich kid

"Hulaan ko nag request ng picture sayo pinsan ko no?" ani Travis.

Binalingan ko naman si Travis "Sinong pinsan?"

"Amika. You met her. in the bar, remember?" Sabi naman nito. Ah yes na aalala ko na. Yung babaeng parang kulang sa turnilyo pero pinag pala ang katawan.

"You like her?" aniko kay Gringo. Nag iwas lang ito ng tingin saka sumipsip sa Milktea nito

"He is in love with her dude!" nakangising sabi ni Travis. So kaya pala gumagawa ng katangahan tong si Gringo dahil sa wakas eh na in love na.

"Shut up!" asik nito kay Travis sabay hagis ng straw dito. Tinawanan lang ito ni Travis

"Nga pala Gringo pinapayagan na ba ngayon na makapasok ang isang transferee na walang pinapasang recq. dito sa Westwood?" Pag kuwan ay tanong ko rito

Nangunot naman ang noo nito wari'y nag taka. "Mahigpit ang westwood. Hindi makakalagpas ang ganon"

"Pero bakit ng pina background check ko si Sugar Jimenez wala silang nakitang records nito dito sa Westwood"

"Whoah bakit mo naman pina background check si Sugar?" tanong ni Travis sakin pero di ko siya pinansin nakatutok parin Ang atensyon ko kay Gringo

"Wait.." ani Gringo sabay dial sa cellphone nito. Maya maya ay may kausap na ito at itinatanong ang tungkol kay Sugar. nangunot ang noo nito. Nag paalam na ito sa kausap saka bumaling sakanya "Ayaw ibigay sakin ang records. Confidential daw"

Hindi ako umimik. Nag tatanong pa si Travis Kay Gringo pero hindi ko na maintindihan dahil nahulog ako sa malalim na pag iisip. Confidential nga ba o wla talagang record? At bakit kahit kay Gringo na anak ng may ari ng school hindi rin makakuha ng information kay Sugar.

WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon