Bella's POV
Tumayo si Gordon at nilapitan ang isang bookshelf itinulak nito ang isang libro pag katapos ay nahati ang bookshelf para itong pinto ng elevator na nag bukas. Sa lilpd niyon ay may vault na nakadikit sa pader. Pinindot nito ang combination pag katapos ay may narinig siyang 'click' . bumukas ang vault. Kinuha ni Gordon ang isang files doon. Muli nitong isinara ang vault at bumalik ito sa upuan nito dala ang files .
Napatingin siya dito ng iabot nito sa kanya ang files
"What's that?" Tanong niya dito
" Why not look at it and find out?" Iniumang uli nito ang files sa kanya.
Kinuha niya yon kahit na nag tataka at naguguluhan siya. Nanginginig ang kamay na binuklat niya iyon. Napakurap kurap siya ng makita ang laman niyon
"Files ito ng tungkol Kay Vaughn?" Naguguluhang tanong niya dito " ¿Por qué me estás mostrando esto?" ( Why are you showing this to me?)
" ¿No es eso lo que estás buscando?"
(Isn't that what you're looking for?) Sabi nitong nakangalumbaba muli"P-pero bakit..paano mo.." Halos pa bulong na anas niya
"Alam ko na nasayo ang code dahil ang code ay ikaw. Yun lang alam ko. Sinabi sakin dati ng lolo mo na ingatan ka dahil ang organization ay naka salalay sayo. Ikaw ang susi para malaman kung na saan ang mga dokumento na makapag papabagsak sa ibang mafia organization, ikaw ang mag tuturo kung saan matatagpuan ang mga black book na nag nalaman ng lahat ng politikong sangkot sa illegal na gawain dito sa bansa. Kilala kita Arabella hindi ka mangingiming ibigay ang code sa kalaban para lang mabawi si Katharina"
"Kung ganon bakit--"
" I love you and Katharina as my own siblings." Putol nito sa sasabihin niya
Nangilid ang luha niya. Naniniwala siya sa sinasabi nito. Ramdam niya ang sinseridad nito
"G-Gordon.." Naiiyak na napalabi siya
"Tss don't give me that face, brat" natatawang sabi nito sa kanya. Tinulak nito ang nakapatong na dilaw na invitation sa kanya. Napatingin siya soon
"It's an invitation for a fashion gala, dadalo diyan si Vaughn Al Capone at iba pang mafia leader para sa taunang meeting at pag kakataon mo na yon para malapitan siya. Bring your husband with you"
"No. Ako lang ang pupunta" mariing tanggi niya. Bala ma distract lang siya kung isasama pa niya ang asawa
"Isama mo siya Arabella mas makakalapit ka kay Vaughn kung may kasamang sanay sa mga ganyang event at isa pa baka mag taka ang byenan mo kung bigla bigla ay ma iisipan mong dumalo sa ganyan event. Pero kung kasama mo si Nicklaus hindi kanya pag dududahan balita ko ex ng asawa mo ang nag organize ng event" amuse na anito
Tumango na lang siya at Hindi na nakipag talo pa dito dahil may kaywiran ito. Hindi siya sanay na umattend ng party.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang asawa. Pag kalipas ng dalawang ring ay sumagot na ito
"Misis ko?" Napangiti siya sa endearment nito sa kanya. Ang baduy pero di naman niya maiwasang hindi kiligin.
"Pwede mo ba akong samahan mamaya?" Tanong niya dito
"Where?"
"Sa isang fashion gala"
"Okay maaga akong uuwi mamaya" masiglang sabi nito. Napangiti siya
"Thanks"
"No prob basta para sa Misis ko nanginginig pa"
Natawa siya sa sinabi nito. "Sige na bye na"
"I love you Misis ko mwaaah"
Nakagat niya ang labi niya saka napatingin kay Gordon na naka taas ang kilay na nakatunghay sa kanya. Namula ang pisngi niya at biglang nakaramdam ng pag ka pahiya kaya naman pinindot na niya ang end button.
-----
ISANG sparkle sequin sexy mermaid red long evening gown ang suot niya na lalong nag patingkad sa makinis at maputing kutis niya, hakab ito sa katawan niya kaya naman mas lalo siyang na define ang magandang hubog ng katawan niya, ang buhok niya ay hinayaan niyang nakalugay.
Bumaba siya ng hagdan kung saan nag hihintay si Nicklaus na napaka gwapo sa suot na three piece suit nito. Buong pag hanga itong naka tunghay sa bawat pag hakbang niya pababa. Bahagyang nakaawang ang mga labi nito. Napangiti siya sa nakikitang admiration nito sa kanya.
Parang wala sa loob na humakbang ito paakyat ng hagdan at sinalubong siya. Inilihad nito ang kamay sa kanya na iniabot naman niya. Dinala nito ang kamay niya sa mga labi nito at marahang dinampian ng halik, puno ng pag galang at pag mamahal hindi ka gaya ng una nitong ginawa iyon at dinilaan imbis na halikan. Napangiti siya sa alaala na yon. Hindi niya akalaing ang lalaking kinaiinisan niya noon dahil sa pagiging pervert ay magiging ganito ka gentleman ngayon sa kanya.
"Masakit ba ang mahulog? Para ka kasing anghel na bumagsak sa langit at nahulog sa harapan ko para mahalin ko" sabi nito sabay kindat sa kanya
Natatawang hinampas naman niya ito sa dibdib dahil sa kakornihan nito
"Ouch!" Sigaw nito at napahawak ng mahigpit sa kamay niya at ang isa naman ay dinakot sa dibdib nitong hinampas niya
Nataranta naman siya dahil nalukot ang mukha nito at mukha ngang nasaktan.
"Nasaktan ka ba? Hindi naman malakas ang pag kakahampas ko ah" tarantang inaalayan niya ito
"May pilay kasi ako..ahh" muling daing nito
"Bakit ka naman napilayan" nag aalalang tanong niya
"Nahulog kasi ako" mahinang bulong nito tila hirap na hirap
"What?! Saan?!"
Tumingala ito mula sa pag kaka yuko saka tinitigan siya sa mata "Sayo.." Swabeng sabi nito sabay alis ng kamay nito sa dibdib nito at pinag korteng puso ang hintuturo at hinlalaki nito
Napanganga naman siya at saka namula ang pisngi ng maunawaang binabanataan nanaman siya ng baduy na pick up line nito.
"Ewan ko sayo sipain kita diyan ng mag kapilay pilay ka talaga eh" inis na sabi niya dito
Natatawang hinigit naman siya nito at niyakap
"Alam mo mahal kita kahit mapanakit ka" bulong nito sa tenga niya saka hinalika ang sentido niya "Yan ang gustong gusto ko sa babae, karinyong brutal" sabay kindat pa nito
"Loko loko" natawang sabi niya pero nag uumapaw naman sa saya ang puso niya "Tara na nga at baka ma late pa tayo" aya niya dito
"Yes boss!" Sabi nito sabay saludo sa kanya.
Inalalayan siya nito pababa ng hagdan at inaalayang makasakay sa limousine na nasa front door
Papunta sila ngayon sa fashion gala na gaganapin sa isang five star hotel sa makati. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Nicklaus ng mag katabi ng sila sa upuan. Kinakabahan siya at ang presensya nito ang nag papakalma sa kanya. Tama lang na sinunod niya si Gordon na isama si Nicklaus dahil ang huli ang nakakapag pakalma sa kanya sa mga oras na ito
![](https://img.wattpad.com/cover/195155977-288-k860245.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Ficção AdolescenteA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...