Nicklaus POV
Bumaba ang sakay ng mga BMW tig aapat na lalaki bawat isa. Natuon naman ang pansin ko ng malakas na mapasinghap si Bella ng bumababa ang isang lalaki na lulan ng Lamborghini. Matangkad, matikas at ehem gwapo. Halata ang pag kakaroon nito ng banyagang lahi. Naka black v-neck shirt ito at black din na coat
Nakaramdam siya ng inis para sa asawa. Nakakita lang ng gwapo kung makasinghap akala mo nag hubad na sa harapan nito
"Aba't--" gigil na sambit niya ng tumakbo si Bella at sinugod ng yakap ang lalaking bumaba ng Lamborghini. Lalo pang nag ngitngit ang kalooban niya ng gumanti ng yakap ang lalaki at iniangat pa ang asawa niya saka iniikot ito
Hindi na siya nakapag pigil. Feeling niya umuusok na ang ilong niya sa galit. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa dalawa at mabilis na inilayo ang asawa sa lalaki. Nakarinig naman siya ng sabay sabay na pag kasa ng baril
"Nick?" Puno ng pag tataka na tanong nito sakanya. Lalo siyang nainis dito gusto niya itong kutusan at ipaalalang siya ang mahal nito!
"Bakit ba ang hilig mong yumakap sa iba?!" Inis na bulyaw niya dito.
Sumimangot ito at inirapan siya
"Talagang--"
Hindi na niya natuloy ang pag sasalita dahil tinalikuran na siya nito saka muling humarap sa lalaki
" El es mi esposo " (He is my husband) Sabi nito na ikinataas ng kilay ko. Hindi ko alam na marunong palang mag salita ng ibang lenggwahe ang asawa ko. Bigla ay nakaramdam ako ng pag mamalaki para sa asawa ko
" ¿Podrá tu marido vencerme en una batalla de hombre a hombre? "( Can your husband beat me in a man to man fight?) nakataas ang kilay na sabi nito Sabay hagod ng tingin sakin
Halos mag dikit na ang mga kilay ko sa pag kakakunot ng noo ko. Nakipag titigan ako dito.
"Se ve débil" (He looks weak) dagdag pa nito sabay ngiti sakin ng matamis. Nababakla pa at sa akin.
Natawa si Bella saka umiling iling
" No es. y si es así, lo protegeré hasta mi último aliento." ( He is not. and if he is, I will protect him ti'll my last breath.) Sabi ni Bella sabay tingin sakin ng nakatawa.
Sumimangot ako mukhang pinag tutulungan akong laitin ng dalawa na toh
" Que bastardo suertudo " ( What a lucky bastard ) sabi ng lalaki saka ako inirapan
"Hoy ako ba ang pinag uusapan niyo?" Kinalabit ko si Bella para narin maputol ang pag tititigan at pag ngingitian ng dalawa
Napapitlag ito at namula ang mukha. Mukhang guilty!
"Ako nga ang pinag uusapan niyo?!" Napalakas ang boses ko
"Of course not!"Matigas na tanggi ni Bella. " N-nag kakamustahan lang kami" sabi pa nito sabay iwas ng tingin
"Tss! Halika na nga umuwi na tayo!" Mabilis kong kinuha ang kamay niya at hinila siya pa alis pero pinigil din ng lalaki ang kamay ni Bella
"Get off your fucking arms to my wife!" Galit na bulyaw niya dito na hindi naman natinag at nakipag titigan pa sakanya akma niya itong susugurin ng humarang si Bella
"Kumalma ka pwede?" Sabi ni Bella na bahagyang nakangiti
" Tu vida está en peligro. tienes que venir con nosotros para que podamos protegerte Arabella " ( Your life is in danger. you need to come with us, so we can protect you Arabella ) sabi ng lalaki na matiim na nakatingin sa asawa ko
Lihim nalang siyang napapamura dahil hindi niya maintindihan ang pinag uuspan ng mga lintik
"Déjame hablar con él primero" (Let me talk to him first) sagot dito ni Bella sabay malungkot na bumuntong hininga
'Masama ang kutob ko ah'
![](https://img.wattpad.com/cover/195155977-288-k860245.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN A FUCKBOY FALLS IN LOVE book 1: Nicklaus Royce Villasis (COMPLETED)
Teen FictionA certified fuckboy, yan si Nicklaus Royce Villasis. Hindi siya kontento sa isa, gusto niya maraming putahe ang nakahain sa kanya. Kaya nagimbal siya ng sabihin ng kanyang ama na ikakasal na siya! Sa babaeng mas lalaki pa kung manapak sa kanya! Fuck...